Chapter 1.2 - Meet at last

24 2 0
                                    

"Malapit na ako," pahayag ni Lizzy kay Kobi. Tatlong beses na itong tumawag at tinanong kung malapit na siya sa Nit'z old carinderia. Ngayon ang araw na magkikita-kita silang magkakaibigan. Gustong gusto na niyang makasama uli si Tom, ang pinakamatinong kaibigan niya.

"Kanina pa ako naghihintay. Wala pa kayong lahat," reklamo ni Kobi sa kabilang linya.

Hindi pa siya huli sa oras ng usapan pero apurado ang kaibigan na makarating siya sa lugar. Kawawa daw ito dahil nag-iisa.

Nang unang nakita niya si Kobi sa clinic nito, ibang tao ang nakita niya. Iba sa kaibigan na nakikita kapag kasama niya ito. Propesyonal ang dating nito sa pakikipag-usap sa mga tao. Ngumingiti at nakikipagbiruan pero iba pa rin ito kapag kasama siya, mas makulit at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Mahal nito ang medisina at pinagmamalaki niya ito sa determinasyong makatulong sa kapwa.

"Nasaan na daw ang dalawa?" tanong niya sa kausap.

"Papunta na din," inip na inip ang boses nito kahit na wala pang isang oras itong naghihintay.

"Papunta na pala. Hintayin mo na lang kami at huwag ka nang mangulit."

Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng restaurant. Paborito nila iyon dahil lutong bahay ang pagkain. Maganda ang lugar at komportable siya. Puwede silang magwala dahil walang nakakakilala sa kanila. Malayo sa abalang siyudad at iilan lang ang taong nakakaalam sa lugar.

Napahinto siya sa pagpasok doon nang makita ang kasabay sa pagbukas ng pinto.

"Queen Elizabeth." Iisang tao lang ang tumatawag sa kanya niyon para inisin siya. Dinugtungan nito ng Queen ang pangalan niya dahil sa hindi pagbali sa sinabi niyang hindi niya ito mapapatawad. Sa huli, hinayaan na lang siya nitong magsungit at ginatungan pa ang pang-iinis sa kanya.

"Raja Sulayman." Dahil nagdugtong ito sa pangalan niya, ginawa niya rin iyon para sa iisang rason — mang-inis.

Nagtama ang mga mata nila. Nginitian siya nito. Malaki ang pinagbago ng itsura ng binata. Hindi na ito mukhang totoy tulad ng dati. Sino mang babae, gugustuhin na maging kasintahan ni Raja dahil sa malakas nitong dating. Tumangkad ito, kuminis ang kutis, halatang alagang alaga nito ang balat. Nawala ang bigote nitong dati ay unti unting kung tumubo. He got a build-in body who can save any damsel-in-distress. He still had that boyish smile he had back then yet it added to his charm in the present. This man in front of her was a manly version of that boy who wanted her to be his girlfriend, a better version.

Dumako ang tingin niya sa kasama nito. Nakapaskil ang ngiti nito kay Raja at umabresyete. Sa hula niya, koreana ang lahi ng kasama nito.

Akala ba niya, reunion nila ito? Bakit may sabit?

Pinauna siya nitong maglakad papasok sa lugar. "Hail the Queen."

Napailing na lang siya at hindi ito pinansin.

Mayamaya napansin niyang humiwalay ang babaeng kasama ni Raja.

"Magbabanyo daw siya."

Nagkibit-balikat lang siya.

Madali niyang nakita ang mga kaibigan sa pangalawang palapag. Kumaway sa kanila si Kobi, katabi nito si Tom na agad niyang nilapitan. Niyakap niya ang balik-bayan na kaibigan at binati. "Dito ka na ba titira?"

"Nagseselos na ako, Lizzy. Hindi mo ako pinansin." Nagpapakabata si Kobi. Hinayaan niya ito at itinuon ang atensyon kay Tom.

"Magtatayo na lang din ako ng negosyo dito sa Pilipinas kagaya mo."

Ngumiti siya. "Magtatayo ka ng restaurant?" Kumuha rin ito ng Restaurant Management sa parehong eskuwelahan kung saan ito kumuha ng Culinary.

Bigla siyang tinawag ni Kobi at tinanong kung anong gusto niyang kainin.

My Queen's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon