Hindi mapakali si Lizzy. Iyon ang araw na iaanunsyo ang mga designer finalist para sa magazine. The Infinite magazine was one of the most prestigous fashion magazine in the country. In every issue, everyone could look forward for useful tips and fashion trends that featured every month. Confidence would be lifted and designers would be proud if their work be featured in The Infinite.
Kanina pa siya tumitingin sa email niya pero wala pang mensahe mula sa magazine. Natanggap kaya siya? O baka naman dahil walang email kasi hindi siya napili?
Bakit ba kasi ang tagal?
Tumayo muna siya at kumuha ng juice sa ref.
"May email na!"
Napatakbo siya sa balita ni Candy. Tinuon niya ang atensyon sa email na binuksan nito.
Agad na binasa ni Candy ang mensahe nang malakas kahit na binabasa na rin niya iyon. Gusto niyang tumalon sa tuwa sa nabasa. Pasok ang mga gawa niya sa ilalagay sa magazine pero..
"Pipili pa sila mula sa finalist? Iisa ang matitira? Bakit naman? Puwede namang maraming designers sa isang featured story."
Umupo siya. "Mabuti na muna ito, Candy. Kung kasama tayo sa pagpililian, magandang simula iyon. Kailangan nating galingan para tayo ang mapili."
"Talented ka Ms. Lizzy kaya siguradong mapipili ang gawa mo."
Ngumiti siya. Gagawin niya ang lahat ng makakaya para maipakita sa editor ng The Infinite na karapat-dapat siya na mapili.
"Kumain tayo sa labas, iyong masasarap." Dahil sa mga ginagawa, hindi na nila napansin pa ang oras.
Sa isang food district sila pumunta. Open field ang kainan na iyon. Para iyong food court na nasa labas lang. May mga food booth sa magkabilang gilid ng mga mesa. Walang magkakaparehong putahe sa mga tindahan. Meron ding musikang nagpapaganda ng pakiramdam sa mga namimili. Hindi mauubusan ng mauupuan dahil sa laki ng lugar.Mas madalas siyang kumain sa ganoong lugar. Maraming ideyang pumapasok sa isip niya sa tuwing nakakakita siya ng kumpulan ng mga taong nagkakasiyahan.
"Kanina pa tingin ng tingin sa'yo yun, Ms. Lizzy." Saglit na huminto siya sa pagsipsip ng ice tea.
Tumingin siya sa direksyon ng mata nito.Hinanap niya ang tinukoy ni Candy na nakamasid sa kanya. Si Raja. Akala pa naman niya magkaka-love life na siya.
"Puwedeng makisalo?" Umupo sa tabi niya si Raja. Bitbit nito ang tray ng pagkain nito. "Masarap palang kumain sa ganito. Kain talaga sa 'labas'."
"Sinong kasama mo?" Batiin niya na kaya si Raja para tuluyan ng maging positibo ang buhay niya? Sa ganda ng mood niya ngayon kaya na niyang mapatawad ito. Napatawad na niya noon pa si Raja, hindi niya lang kayang sabihin dito dahil alam niyang maninibago ito sa pakikitungo niya. Mababaw lang ang napag-awayan nila at kung tutuusin ay siya lang ang nagalit at umiwas dito. Kung minsan lang, hindi niya masakyan ang dahilan ng pang-aasar nito sa kanya.
Ilang taon na niyang pinagsusungitan ito kaya baka hindi ito agad maniwala na magiging mabait siya dito ng basta basta.
"Ako lang. Malungkot nga e." Saglit na nagkunwari itong malungkot.
"Nasaan na yung girlfriend mong koreana?"
"Break na kami." Nagpatuloy ito sa pagkain na parang wala lang ang pahayag nito.
"Agad agad? Tatlong araw pa lang nang nahuli ko kayong nakitang magkasama."
"Saan?" puno nang pagtataka ang anyo nito habang kumagat ng inasal na manok.
"Sa town square shopping mall."
Napahinto ito at napaisip. "Nagkataon lang na nagkita kami pero hindi kami magkasama."
"Guwapo mo talaga," sarkastikong sabi niya.
"Siyempre. Kayo, kailan maghihiwalay?"
Kumunot ang noo niya. "Nino?"
"Ni Kobi."
"Ha?" Todo kunot ang noo niya.
"Bakit inilihim ninyo pa ang relasyon ninyo kay Tom? Ayaw ninyo pang sabihin noong nagkita-kita tayo."
Inalala niya ang sinabi nitong pagkikita kita nila. Naningkit ang mga mata niya ng maalala ang pagtatalo nina Kobi at Raja tungkol sa 'boyfriend' niya.
Iyon pala ang naamoy niyang kalokohan ni Kobi.
"Hindi naman kami, pinaglololoko ka lang no'n."
Hindi niya talaga marurok ang kalokohan ni Kobi. Hanggang ngayon, malakas pa rin ang trip ng kaibigan.
Nanlaki ang mata ni Raja. "Kahit kailan sira ulo talaga 'yun!" Humina ang boses nito. "Kaya nga ako nagdala ng girlfrend kasi sabi niya kayo. Hindi naman pala."
Tumingin siya dito ng nanunuri. "Ano bang gusto mong palabasin?"
"Wala. Ayuko na ma-out of place." Nagpatay-malisya ito.
Napailing siya. Magkapatid talaga sa kalokohan sina Kobi at Raja. "Gutom ka pa?"
"Ayos na ako." Nakakunot pa rin ang noo nito sa nalaman.
"Si Candy nga pala." Pakilala niya sa kasama. "Raja ang pangalan niya. Mahilig iyan sa foreigner kaya huwag ka nang magpaganda."
Pumalatak ito."Si Kobi na naman ang nagsabi niyan sa'yo?"
"Oo. Totoo naman."
Hindi ito nagkomento. Nagkamot lang ito ng ilong.
Pinaikli nito ang distansya sa pagitan nila. "Kamusta ka na, Lizzy? Mukhang okay na tayo."
"Okay naman talaga tayo, sira ulo ka lang kasi."
"Okay okay, kasalanan ko na. Totoo lang naman ako sa sarili ko kaya ko sinabi 'yun."
"Oo na. Limot ko na 'yun."
"E, bakit parang galit ka pa?"
"Hindi na." Ngumiti siya ng malapad.
Tumayo ito at hindi naniwala sa sinabi niya. "Sa susunod na magkita tayo, magsabi ka na ng totoo."
Hindi siya nagkamali sa akala. Maninibago nga ito kapag bigla siyang babait.
"Bipolar talagayan," komento niya sa lalaki nang tumalikod ito. Tumingin siya kay Candyna nakahabol tingin sa umalis na lalaki. "Malakas ang trip niyan kayaumiwas ka. Okay?"
BINABASA MO ANG
My Queen's Game
RomanceTropa rule: Walang taluhan sa tropa. Pero iyon ang ginusto noon ni Raja sa pagitan nila ni Lizzy. Makalipas ang labing isang taon, nagkita silang muli. Matatanda na sila. Kinupas na ng panahon ang away-bata nilang pagtatalo. Nang sa wa...