Chapter 4.2

19 2 0
                                    

Kanina pa naghihintay si Lizzy sa paglabas ng mga kaibigan sa hotel room ng mga ito. Iyon ang araw na pupunta sila sa sikat na light house. Ayon sa nabasa niya, nakakamangha ang tanawin mula sa itaas. Isa iyon sa lugar na balak nilang puntahan. Mas malayo iyon kaysa sa mga unang lugar na binisita nila pero alam niyang sulit iyon. Tahimik sa lugar na iyon. Puro berde ang bawat bundok na matanaw niya.

Dalawang araw na lang ay matatapos na ang bakasyon na iyon. Hindi niya namamalayan ang bilis ng oras kapag masaya siya sa bawat minuto. Natatawa na lang siya kapag naalala ang naramdaman nang nagdaang gabi. Ano man ang mga inisip niya kagabi, wala iyon. Nadala lang siya ng pagkakataon.

Naroon siya para kay Tom. Hindi niya na dapat ang makasariling mga bagay.

Nakita niya ang paglabas ni Raja at Tom mula sa elevator.

"Si Kobi?"

"May hangover. Ayaw pang bumangon sa kama. Kapag daw pinilit ko pa siyang sumama, sasapakin niya ako ng walong beses."

"Susunod na lang daw siya," dugtong ni Tom.

Tumayo siya at naghanda sa pag-alis nila. Bahala si Kobi, kawalan nito kapag hindi nito nakita ang ganda ng tanawin mula sa itaaas ng parola.

"Hayaan na natin siya."

Tumunog ang cellphone ni Tom nang palabas na sila ng hotel. Natigil sila sa pagsakay sa taxi.

"Kausapin ko lang yung business partner ko sa restaurant. Susunod ako agad."

"Mauuna na kami?" tanong ni Raja habang nakakunot ang noo.

"Atat na si Lizzy, pumunta na kayo."

Hinawakan ni Raja ang kamay niya. "Tayong dalawa na muna."

Tumango siya.

"Nakita mo ba yung picture sa internet? Ang ganda daw doon," pahayag niya habang nasa taxi sila. Walang problema kung sila lang ni Raja. Masaya siyang kasama ito. Hindi siya nag-aalala. Hindi siya nito pinababayaan at magaan sa pakiramdam kapag nasa malapit ito. Noon pa man, masaya siyang kasama si Raja.

Sumagi sa isip niya ang naramdaman kagabi. Mabilis siyang umiling. Huminga ng malalim. Wala iyon.

Nadala lang siya kagabi. Natakot lang siya bilang isang kabigan. Nawala na noon sa kanya si Raja kaya natakot siyang mawala itong muli. Frienship anxiety lamang iyon. Walang espesyal na dahilan. Tama, iyon lang.

Sinabayan niya ito sa pagtakbo paakyat sa burol na patungo sa parola pero mas mabilis talaga si Raja sa kanya. Hindi niya ito nahabol kahit na huminto ito ng maraming beses para magpahinga.

Hiningal siya nang makarating siya sa bukana ng parola.

"Bilisan mo!" Nasa itaas na si Raja samantalang hindi pa siya nakakaakyat sa hakdang patungo sa itaas ng parola. "Mawawala na ang pagsikat ng araw."

"Nandiyan na! Binuhat mo na lang sana ako para sabay tayo."

Tatlong baitang na lang siya paakyat, saka siya binuhat nito gamit ang braso.

"Huli ka na."

Tumawa ito.

"Ibaba mo na ako."

"Dadalhin ko ang reyna sa pinakamagandang puwesto."

Kumapit siya sa braso nito nang ikutin siya nito. Para itong bata sa ginagawa. Inililipad nito ang pakiramdam niya. Nakakatakot na mahulog siya pero masaya dahil masaya si Raja.

Mas maganda ang tanawin na iyon kaysa sa larawan. Mula sa itaas, makikita ang malawak na asul na karagatan. Ang ilang isla sa paligid na nagbibigay kulay sa tahimik na dagat. Panay asul at matingkad na berde ang makikita pero sapat na iyon para madama ang kapayapaan at ganda ng tanawin na iyon. Banayad ang paghampas ng hangin sa mukha niya. It feels like you were in a lost paradise and you wanted to stay there for so long.

Idagdag pa na kasama niya ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Tahimik itong nakamasid at pumikit na tila nakikinig sa katahimikan.

Nabigyan siya ng pagkakataon na pagmasdan ito. Panatag siya kapag kasama ito. Wala lang dito kung gaano kaganda o kapangit ang suot niya. Hindi nito pinapansin ang lahat ng gawin niyang kalokohan. Kung tutuusin, ganoon din sina Kobi at Tom sa kanya pero parang may kakaiba siyang naramdaman nang magsayaw sila nang nagdaang gabi ni Raja. Parang may nabuhay na damdaming matagal nang gustong umalis doon para ipamukha sa kaniya ang isang bagay na hindi niya noon pinapansin.

Si Raja ang kaibigan niya na susundin siya at itinuturing siyang reyna. Ganito pa noon si Raja pero hindi niya maintindihan, sa bawat tingin nito sa kanya ay parang may malalim itong pinanghuhugutan.

Tumunog ang cell phone nito. Humiwalay ito sa kanya.

"Si Natalie," pagbibigay alam nito sa kanya.

Gusto niyang magkagusto ito sa ibang babae pero parang ayaw na niya. Inisip niya ang determinasyon na naramdaman nang malaman na malaki ang posibilidad na makuha niya ang slot sa magazine featuring. She should focus and she will be fine. Raja was her friend and she wanted him to be his friend. Kapag kasi magkaibigan ang dalawang tao, kapag nag-away ay walang totoong hiwalayan. Kapag nagtalo kayo, dadating ang panahon na magkakabati kayo at puwede na kayo ulit na maging magkaibigan. When two people were just friends, it was easy to be back as what you were before.

Umupo siya at naglitrato ng maraming beses. Umikot ikot siya at nagpapalit palit ng puwesto sa pagkuha ng litrato. Marami na siyang nagawa bago bumalik si Raja.

"Bakit daw?"

"Gusto niya akong makita."

"Agad agad? Hindi pa tapos ang weekend gateaway natin."

"May pag-uusapan daw kami."

"Mas pipiliin mo siya?"

Kununot ang noo nito."Lizzy? Ikaw ang may gusto nito. Bakit mo ako pinapapili?"

Umiling siya. "Sorry." Tumalikod siya. "Aalis na tayo? Hindi pa pumupunta dito sina Kobi at Tom."

Oo nga pala. She wanted him to like somenone else. Ano bang nangyayari sa kanya? Urong-sulong siya. She never been like this before. When she said yes it was final as yes, likewise as no. Ano ba? Elizabeth? Bakit ka nalulungkot na uunahin niya si Natalie kaysa sa'yo? It should be like that.

'Iyon ang hiniling mo kay Raja.'

Iyon ang gustong niyang mangyari.


My Queen's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon