Chapter 2.1

14 2 0
                                    

Nasundan pa ang pagkikita ng barkada nila. Hindi na siya nag-atubili pa nang tumawag sa kanya si Kobi, isang gabi. May emergency meeting daw sila. Urgent. Hindi siya sanay sa kaseryusuhan ni Kobi nang kausapin siya nito.

Hanggang ng mga sandaling iyon, hindi niya alam ang pinakamabuting sabihin.

Tumingin siya kay Tom. Nakatulala at umiling ito. Nang huling beses na nakita niya ito, puno ng ningning ang mga mata, sa mga sandaling iyon ay puno naman ng hinagpis at pait ang mababakas sa mga tingin nito.

Hinawakan niya ang kamay ni Tom. Gusto niyang sana, kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ng kaibigan.

"Iniwan ka ni Marian?!" pahayag ni Raja. Nahuli ito sa oras ng usapan at kadadating lang.

Masamang tumingin siya kay Raja. Nasasaktan na nga ang kaibigan nila, pinagduldulan pa ang katotohanang iniwan si Tom ng babaeng pinakamamahal nito.

"She didn't love me anymore," walang ganang sabi ni Tom.

Pitong taon ang relasyon, bigla na lang natapos sa isang iglap? Isang beses palang niyang nakita si Marian. Masayahin ito kagaya ni Tom. Maraming pagkakapareha ang dalawa. Parehas mahilig magluto, mamasyal at pumunta kung saan saang lugar para magpalipas oras.

Hindi niya inakala na magagawang iwan ng mabait na babaeng iyon si Tom. Mahal nila ang isa't isa, bakit ganoon? "Ganoon na lang? Nawala?"

"Hindi true love 'yun, pare. Kung mahal ka niya talaga, hindi mawawala 'yun ng basta basta." Kumagat ng burger si Raja. "O baka hindi ka niya mahal sa simula pa lang."

"Malaki talaga ang tiwala mo na may true love?" Nakamulagat ang mata ni Kobi, tila ba nakarinig ng hindi kapani-paniwalng world record.

"Oo naman."

Napabuntong-hininga si Tom. "Ano nang gagawin ko?"

"Makakahanap ka din ng iba. Baka hindi siya ang para sa'yo," pahayag niya. Sa wakas ay nasabi niya pero hindi niya alam kung tama ba iyon. Malay ba niya? Hindi pa siya umiibig ng sobra.

Hindi si Marian ang unang naging kasintahan ni Tom pero ang babae ang pinakaminahal nito. She saw at that moment how painful it was for Tom. Her sweetest and kindest Tom.

"Mas mabuti nang naghiwalay kayo at nalaman mong hindi ka niya mahal habang hindi pa kayo kasal." Hindi alintana ni Raja ang ketsup sa pisngi nito.

"Yayayain ko sana siyang magpakasal noong gabing 'yun." Isang buntong hininga muli ang pinakawalan nito.

"Kasama mo kami kaya hindi ka malulungkot."

"Sasamahan mo ba siyang matulog sa gabi, Kobi?"

"Kung papayag si Tom." Sinabayan pa nito ng kindat.

"Sira ulo." Kulang na lang ay sabihin ni Tom na walang kuwentang kausap si Kobi.

"Makipag-date ka kaya?" Wala sa loob na pahayag ni Kobi. Stress siguro ito, kanina pa wala sa katinuan.

"Hindi magandang ideya 'yan. Kapag heartbroken ang isang tao, huwag mo siyang pilitin na magustuhan ang isang taong hindi niya kilala," kumuha siya ng fries sa bowl. Nabasa niya iyon sa isang librong tungkol sa pag-ibig.

"Si Lizzy ang date niya."

Pinanlakihan niya ng mata si Kobi.

"Siya nga pala. May kasalan ka pa sa akin, dok. Nagsinungaling ka na may relasyon kayo ni Lizzy." Masamang tumingin si Raja kay Kobi.

Tumawa si Kobi. "May inalam lang ako kaya ko sinabi 'yun. Napatunayan ko kasing.." bumulong ito kay Raja.

Nagsalubong ang kilay ni Raja. "Baka ma-out of place ako kaya ko sinama si Nicole. "

"Alam mong mag-isa lang din na pupunta si Tom kagaya mo, nasa New York si Marian kaya wala siyang partner. Hindi ka ma-OOP dahil apat lang tayo."

"Tumahimik ka nga, Kobita."

Malakas na tumawa si Kobi. Lalo nitong inasar si Raja sa usapang ang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Hinarap niya si Tom at hinayaang mag-usap ang dalawang hindi matino ang isipan. "Malalagpasan mo yan, Tom. Mga sira ulo ang mga kasama natin, ako na lang ang kausapin mo."

"What will I do, Lizzy?" Naawa siya sa kaibigan. She saw how deep his sadness was. Ang sakit na hindi maiibsan ng maraming gabing pag-iisip at pagninilaynilay.

"Unang una, huwag kang mag-iisa. Malulungkot ka at maiisip mo ang sakit na nararamdaman mo. Secondly, talk to someone." Napatingin siya sa dalawang lalaki na patuloy pa rin sa pagtatalo. "Yung normal na tao kung mag-isip. Pangatlo—"

"Travel! See new places. Out of town tayo," sumali sa usapan nila si Raja. Nakikinig pala ito.

"Tama!"

"Ikaw ang magplano, Kobi."

"Bakit ako?"

"May atraso ka sa'kin. Bumawi ka."

"Nirerespeto ako ng mga pasyente ko pero kung tingnan ninyo ako, para lang akong tambay. Marami akong ginagawa." Sinubo nito ang malaking tipak ng burger sa plato ni Raja.

"Hindi kasi nila alam na may saltik ka."

Napailing na lang siya sa patuloy na asaran ng dalawa.

Sa huli, pagtatalo nina Kobi at Raja ang narinig niya. Tahimik na silang nag-usap ni Tom. Mga ginawa nila noon at mga gagawin sa susunod na mga araw ang pinag-usapan nila. Mabuti nang ipasyal at ilibot nila si Tom sa mga lugar na hindi pa nito napuntahan. Kahit papaano ay mawala sa isipan nito ang babaeng nang-iwan dito.

�k�

My Queen's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon