Nakataas ang noo niyang tinignan ang pag-upo ni Natalie sa katapat niyang upuan pero parang gusto nang tumakbo ng mga binti niya. Nakikinita na niya ang galit nito sa hihilingin niya.
"Ano bang gusto mong pag-usapan? Sa isang linggo na ang final draft."
Tumikhim siya. Hindi na siya magpapasubali pa. "Binabawi ko na ang napag-usapan natin."
Kumunot ang noo nito. Hindi madaling intindihin ang gusto niyang mangyari lalo na kung patapos na sila.
"Ano man ang maging resulta ng desisyon ng judges, tatanggapin ko. Hindi mo na ako kailangang paboran dahil sa deal nating dalawa. I will accept whatever decision it may be."
Nang tumaas ang kilay nito, alam niyang naintindihan nito ang gusto niyang mangyari. "Bakit, Lizzy? Why you changed your mind?"
"I want peace. Saka ayuko nang hawakan pa sa leeg si Raja. If he likes you, its fine but if not, I won't insist."
"Gusto na niya ako, Lizzy. Hindi na tayo mahihirapan."
Umiling siya. "Kung sasampalin mo ako sa sasabihin ko, gawin mo pero hindi ko babawiin."
Kumunot ang noo nito.
"I want Raja back."
She leaned towards her. She will not be intimidated by Natalie. Not this time. "Hindi siya sa'yo."
"Sa akin siya dati."
Mahina itong natawa. "Dati iyon. Hindi na ngayon. You chose to be his friend."
Nakagat niya ang labi. "Basta tapos na ang deal natin. Sorry. Ayoko na." Gusto na niyang matapos ang usapan. Sana sampalin na lang siya nito.
Umiling ito. "Alam mo ba ang magiging resulta nito?"
"Nakikita ko na." Alam na niya iyon. Mawawala ang inasam niyang paglalathala ng gawa niya sa The Infinite. O baka mas malala pa doon. Ayaw na niyang isipin. Basta ang mahalaga ay mapalaya niya ang sarili.
"Makasarili ka, Lizzy. Gusto mo sa'yo lahat." Tumayo ito at lumabas.
......
Malungkot ang tingin na ibinigay sa kanya ni Candy matapos tumingin sa computer monitor nito.
"Inurong na nila ang approval, Ms. Lizzy. Balik sa isa ang malalathala sa magazine nila. Pabago bago naman sila ng isip." Todo-kunot ang noo ni Candy habang paulit ulit na binasa ang email na natanggap nila. Tila ba magbabago ang nakasulat doon sa pagtititg nito.
Uminom siya ng kape. "Inasahan ko na iyan."
"Paano iyong designs na pinaghirapan mong gawin?"
Nagtipa siya sa computer. "Akin pa rin naman iyon. Magagamit ko pa iyon sa ibang kliyente."
"Sayang."
Huminga siya ng malalim. Sigurado siyang desisyon iyon ni Natalie. Kahit na isa lang ito sa tatlong pipili ng designer sa article na iyon, malaki ang inpluwensya nito sa iba pang hurado. Ito ang nakikipag-usap sa mga finalist at ang on-hands sa qualifyers. Kapag siniraan siya nito, malaki ang magagawa noon sa reputasyon niya.
Isang pulang sasakyan ang pumarada sa harap ng boutique niya. Maharas ang paggalaw ng taong bumaba mula doon. Pumasok ito sa shop niya at isinara ang mga kurtina pati ang pinto.
Tinanggal nito ang shades nito at tumambad ang nanlilisik na mga mata ni Natalie Dizon.
"Traydor ka, Lizzy."
BINABASA MO ANG
My Queen's Game
RomanceTropa rule: Walang taluhan sa tropa. Pero iyon ang ginusto noon ni Raja sa pagitan nila ni Lizzy. Makalipas ang labing isang taon, nagkita silang muli. Matatanda na sila. Kinupas na ng panahon ang away-bata nilang pagtatalo. Nang sa wa...