"May crush ka sa akin, Lizzy, ano? Niyaya mo akong makipagdate." Aliw na aliw si Raja sa kape nitong nasa cylinder flask.
Sumimangot siya. "Niyaya lang kitang magkape, date na?" Umayos siya sa pagkakaupo.
Nasa bagong cafè sila. Science-theme cafè. Anyone may feel they were in a laboratory as there were flask and cylinders on the table. They use an apparatus made of glass flask to brew tea leaves.
"Seryuso kasi ito kaya tayong dalawa lang ang magkasama." Sinubukan niyang sabihin dito ang napag-usapan nila ni Natalie nang minsang pumunta silang magkakaibigan sa Antipolo para libangin si Tom pero hindi niya nagawa. Umurong ang dila niya na hingin ang tulong nito kahit na noon pa man ay handa siya nitong tulungan. Kinailangan niya pang mag-ipon ng lakas ng loob para maituloy ang panghihingi ng tulong dito.
Sumipsip ito ng milk tea. "Gaano kaseryuso?"
Huminga muna siya ng malalim. "May irereto ako sa'yong babae. Alam kong magugustuhan mo siya, Raja."
Tumitig ito sa kanya. Nawala ang ngti sa mga labi. "Pinay?"
Matagal bago siya sumagot. "Ayaw mo? Kahit sobrang ganda?"
Nakamasid lang ito sa kanya.
"Foreigner talaga ang gusto mo?"
Gumalaw ang mga bagang nito. "Para saan ang pangrereto mo?"
"Bakit parang napakaseryuso mo? Akala ko pa naman, matutuwa ka."
"Wala ako sa mood makipagdate. Ikaw ang gusto kong i-date."
Hindi niya pinasin ang patutsada nito. Inilatag niya ang pictures ni Natalie. "Fashion editor siya ng The Infinite magazine. Matalino, maganda, sexy at mabait. Perfect kayo 'pag magkasama."
Diretso sa mga mata niya ang tingin nito. "Bakit, Queen?"
Napabuga siya ng hangin. "Kailangan ko ng tulong mo, Raja. She liked you so much. Kapag nakipag-date ka sa kanya, tatanggapin niya ang proposal ko. Mas papaburan niya ako at pipiliin niya ako bilang bagong designer sa featured story ng magazine nila." Pinaglaruan niya ang straw sa flask na pinaglalayan ng tsokolate. "Makikilala ang mga gawa ko ng mas maraming tao. Tulungan mo naman ako."
"Magaling ka, hindi mo kailangan ng dirty tricks."
"If I want to make it fast and sure, I'll do anything."
Bumuntong-hininga ito. "Noon ba, kahit kapiraso lang hindi mo ako nagustuhan, Lizzy?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit mo sinisingit ang ganitong usapan?"
"Gusto ko lang malaman." Sa sobrang seryuso nito, hindi niya alam kung anong isasagot.
"You knew what happen the last time we talk about this, eleven years ago."
Nakatingin lang ito sa kanya. Hindi ito gumawa ng kahit kaunting paggalaw. Nakamasid lang ito na parang sinusuri kung ano ang totoong nasa isip niya.
Naalala niya ang isang batang lalaki na laging nasa tabi niya sa tuwing kailangan niya ito noon. Ang nakangiting mga mata nito nang una niyang nakita sa unang araw ng klase. Ang batang lalaki na nagpahiram sa kanya ng lapis noong araw na may exam sila at naiwan niya ang pencil case niya sa bahay. Ang mga ngiti nitong nagsabi sa kanyang magiging maayos ang lahat sa unang play na sinalihan nila.
Sinong hindi magkakagusto sa batang lalaki na iyon? She had a crush to that boy once in her high school life but no one knew about it. Pinanindigan niya ang rule na walang talo talo sa kanilang magkakaibigan. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan na napakaimportante sa kanya. Hindi niya hinayaan na mawala ang Lizzy na kilala ng mga kaibigan na walang pakialam sa anong suot niya o maganda ba siya sa harap ng mga kaibigan niya. She was the carefree Lizzy and she wanted to stay like that. Pinatay niya ang ideyang nagkaroon siya ng gusto noong una niyang nakita si Raja at makatabi ito sa upuan ng dalawang taon. The feelings died and will never be alive again as she told herself.
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Anong mapapala ko kung gagawin ko ang gusto mo?"
"Raja?" Hindi niya kaibigan ang nagsalitang iyon. Hindi ito nanghihingi ng kapalit sa mga tulong na ibinigay sa kanya.
"Ayuko." Tumayo ito at hindi niya napigilan nang umalis ito.
Hindi niya naintindihan ang ginawi nito. Anong mali niyang nasabi? Masigla itong dumating, masungit nang umalis. Napakamot siya sa ulo. Mukhang mahihirapan siya. Hindi na lang kaya niya ituloy?
Paano na?
BINABASA MO ANG
My Queen's Game
RomanceTropa rule: Walang taluhan sa tropa. Pero iyon ang ginusto noon ni Raja sa pagitan nila ni Lizzy. Makalipas ang labing isang taon, nagkita silang muli. Matatanda na sila. Kinupas na ng panahon ang away-bata nilang pagtatalo. Nang sa wa...