Prologue

91 1 1
                                    

"Takbo!"

Sumunod si Lizzy sa pahayag na iyon ni Raja matapos pumutok ang mga piccolo na ibinato nila sa harap ng paaralan. Kasunod ang iba pang mga kaibigan, nagtago sila sa puno ng Narra ,katapat ng San Nicolas Academy.

Apat silang magkakaibigan - si Tom, Kobi, Raja at siya. They were high school students, full of fun, energy and mischevousness. Her friends were the kings and she was the only queen.

Mas gusto niyang kasama ang mga lalaking kaibigan kaysa sa mga babae. Naiinis siya sa kaartehan ng marami sa babaeng kaklase niya. Her friends were cool and she was happy when they were together.

Nakita niyang lumabas sa gate ng paaralan ang guidance counselor nila na si Mrs. Dina Perpekto. Tulad ng dati, nakakunot ang noo nito. Luminga-linga at may hinahanap. Tapos na ang klase ng mga estudyante kaya walang nakikiusyoso sa ginawa nilang ingay.

"Ano ba? Siksik ng siksik?" reklamo niya sa mga kaibigan. Nawalan siya ng balanse sa gitgit ng mga ito sa likuran niya. Magkakasunod silang nakakubli pa rin sa puno ng Narra.

"Wala na siya?" pahayag ni Kobi sa gilid niya.

"Paalis na," sabi niya. Nagpatuloy sa paghahanap ng may sala ang ginang kahit pa nagsimula na itong humakbang pabalik sa school ground.

Humalakhak si Raja sa tabi niya. "Muntik na tayo doon."

"Natawa ka pa? Mabuti mabilis tumakbo si Kobi."

Lumabas si Tom sa pinagtataguan nila. "Umuwi na tayo. Nagugutom na ako."

"Tara!"

Siya naman ang natawa. Pagkatapos manggulo ng mga ito ay aalis na parang walang nangyari. Sana nga lang hindi sila mabuko sa ginawa nila.

Panay ang likha ng ingay ni Lizzy sa sementong sahig gamit ang sapatos. Naiinip na siya sa paghihintay.

Sinabihan siya kanina ni Mrs. Perpekto na pumunta sa opisina nito. Normal na sa kanya ang palagiang pagpunta doon. Lagi siyang kinakausap nito sa guidance counseling room dahil sa ilang kalokohang ginawa niya, idagdag pa ang hindi pagpasok ng maaga sa klase. Pero sa pagkakataon na ito, hindi niya alam ang dahilan.

Mayamaya, bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok sina Tom, Kobi at Raja. Kasunod si Mrs. Perpekto.

Umupo si Mrs. P., bansag nila sa guro, sa upuan sa likod ng pulang mesa nito. Mataman silang pinagmasdan ng guro.

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kayong gumawa ng gulo." Pinagmasdan sila nito isa isa. "Sa pagkakataon na ito, hindi ko na mapapalagpas."

Sa maraming beses na nakagawa sila ng mali, pinagbigyan sila nito. Mabait si Mrs. P pero nasagad na yata nila ang pasensya nito. Sa uri ng tingin nito sa kanila, hindi na sila makakaligtas sa taglay nitong bagsik.

Isa sa pagkakataon na akala niya ay sobrang nagalit sa kanila si Mrs. P ay nang nagdala sila ng tatlong dagang costa sa classroom nila. Hindi sinasadyang nakawala ang mga iyon sa hawla. Nagpakalat kalat ang mga iyon sa dalawang silid at sa library. Nagtilian ang mga babaeng estudyante at hinabol naman ng mga lalaki ang mga daga. Bawal magdala ng mga hayop sa paaralan nila maliban na lang kung gagamitin sa klase. Muntik na silang masuspende noon dahil sa gulong nangyari. Mabuti na lang, nadala nila sa pagdadahilan si Mrs. P.

"Nagpaputok kayo sa harap ng school," may diin ang sinabi nitong iyon. Patuloy pa rin sa panunuri sa kanila si Mrs. P bago dinugtungan ang sinasabi. "Alam kong kayo' yun."

My Queen's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon