THE QUEEN BEE

70 9 0
                                    

Magic POV:

I'm confidently walking on the hallway. Absolutely ready for the third day of school.

I am about to open the door when a cheap, pathetic and umm.. ugly girl stopped me and began shouting on my face.

"Hoy malanding babaeng impaktitang mangaagaw!"

Natigilan ako sa sinabi ng cheap na babae.

Nagulantang talaga ako sa sinabi nya.

Wow lang ha? Impaktita?

Isampal ko kaya sa kanya yung picture ko ng magising siya sa katotohanan.

Ako? Impaktita?

Humarap ako sa kanya ng naka chin-up. Syempre. Sayang lang ang ganda ko kung ikahihiya ko diba?

"At paano mo nasabing impaktitang malandi ako, ha cheap girl?"

Sabi ko sa kanya ng hindi nahihiya sa mga taong nakapaligid samin habang pinapanood kami.

"Inagaw mo ang boyfriend ko"
mangiyak ngiyak na sabi ni cheap girl.

"Pagiging malandi ba yung pagiging mas maganda ko kesa sayo? Sa tingin mo, kung hindi ba ako mas maganda pipiliin nya ako? "

Napansin kong namumula na yung mukha niya. Di ko alam kung dahil sa galit o dahil sa kahihiyan.

Well, buti nga sa kanya. Tumakbo siya palayo samin habang umiiyak.

"Oh, ano pang tinitingin tingin niyo dyan? Alis na! Tapos na ang palabas!"

Agad naman umalis ang mga tsismosang palaka na nakatitig sakin.

Siguro lubha ngang nakapagtataka kung bakit ako lubos na kinatatakutan dito sa school. Well, natural lang yun. Because, I am Maria Gelyca "Magic" Fuentes, and I am the queen bee.

Queen bee as in yung Campus queen. Hindi yung reyna ng mga bubuyog.

And before I reached our classroom, nakasalubong ko sina JM.

Jhon Michael Cantos - the heartthrob. His parents owns the school for they have the biggest shares on it. He is also the Campus King and no one dares to pick a fight with him kase madami siyang connection na maaaring magpabagsak sayo. Siya din ang isa sa mga manliligaw ko na hinding hindi ko mapatigil dahil makulit.

Sean Vaughn Balmes - the cold one. Isang studyanteng walang ibang ginawa kundi matulog, ng matulog, ng matulog. Mayaman din siya and in fact, his parents owns a restaurant nearby. Madami ding fans ang isang to dahil nakakainlove daw ang pagiging cold niya.

Jerry Fidel Cruz - the happy go lucky. Laging nakangiti at hyper. Parang nakatira ng kung ano. Mayaman at may maipagmamalaking kagwapuhan din naman. Hindi chickboy kase walang napatol.

"Hey Magic ko!" Sigaw ni JM habang kumakaway kaway pa.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nasa may pinto na ako ng classroom ng may tumawag sakin.

"Woy Maj!"

Yssa Jhoanna Hernandez - the pacute pero di naman cute girl. Kaklase ko na mula freshman days. Ang babaeng may bangs na laging pinagpupumilit na friends daw kami. Madalas kong makalimutan pangalan niya.

Sheena Bianca Balmes - the pachic girl. Maganda at magaling sumayaw. Barkada ni Yssa na sobrang fc din katulad niya. Madalas ko ring makalimutan ang pangalan nito.

Hindi ko na lang pinansin si Yssa at tuloy tuloy na naglakad.

Ganiyan ang buhay ko ngayong highschool. Laging may atensiyon. Kase maganda.

Queen bee feels.

#StayPretty,Magic

-----------------------------------------------------
A/N:
   Ayos ba? Vote and comment puhlease. ^_^

~kimmikDoraemon09

~~~~~~~~
EDITED: DECEMBER 2, 2017 5:48 AM

Maybe Meant To Be ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon