Magic's POV:
Another day of my not so fabulous life!
Good morning world!
I immediately walk to the bathroom to do my daily routines.
After many years, pumunta naman ako sa closet para mamili ng isusuot kong uniform.
Alam kong parepareho lang yung itsura ng uniforms ko pero siyempre kailangan kong maging maganda.
Atsaka ngayon ang start ng aking Tutoring session daw.
Don't get me wrong. I just want to be beautiful.
"Ateeeeeeeee~"
Here comes the bubbly sister of mine.
"What do you want?" Antok pa ako so suplada supladahan muna is me.
"Ate ang ganda mo today!"
"Tss. How much money do you need?" Mukampera talaga tong gagang to e.
"Uh. Ate pwede pahiram ng 5K? I'm bored na kase dito sa bahay."
5K?
"Charryna! Kelan ka ba magbabago? For pete's sake you're already 16! How come hindi ka makapag ipon?" Nagmamaktol na sabi ko.
Ibinigay ko na yung 5K niya. Di ko pa rin talaga siya kayang tiisin.
"Waaah! Thank you ate! Pero sister, a? To be honest lang. Ang pangit ng suot mong earings ngayon! Tapos ang lalim pa ng eyebags mo. Ang pangit mo na! Eww!"
"Akin na nga yan!"
Akmang kukunin ko na yung pera nang bigla na lang siyang tumakbo.
"Tss."
Pagkatapos kong magpaganda ng magpaganda ng magpaganda, pumunta na ako sa dining para maligo.
Pero syempre, joke lang ulit yun. Kakain ako sa dining syempre. Sino ba naman kaseng tanga ang maniniwala sa akin diba.
"Yaya, where's my milk?"
"Nasa ref."
"Binabayadan ka dito para pagsilbihan ako."
"Binigyan ka ng paa at kamay para gumawa ng mga bagay na madali lang. 3 meters lang ang layo mo sa ref. Konting hila lang mabubuksan mo na. Kukunin mo lang yung lalagyan ng gatas at isasalin sa baso ang laman. Ibabalik ang lalagyan at isasara. Maglalakad pabalik sa table, hihilahin ang upuan para makaupo. Simple lang diba?"
BINABASA MO ANG
Maybe Meant To Be Apart
Teen FictionIsang kwentong magpapatunay na kahit ang pinakamasamang tao sa daigdig ay kayang magbago para sa kanyang mahal. Tunghayan ang kwento ni Maria Gelyca "Magic" Fuentes sa kanyang not so ordinary love story. ©Kim Lawrence Cortez (kimmik09) Plagiarism is...