Chapter 4

27 6 0
                                    

Magic's POV:
Ang kapal talaga niya! Ang kapal kapaaal! Napahiya na nga ako sa canteen, nakasalubong ko pa yung impaktitang babaeng yun!

Feeling santa. Well, mukha naman ngang mabait pero argh lang!

Jeskeeeeeeeee.

"Magic, hayaan mo na lang siya. Alam mo namang patay na patay yun kay JM kaya ganun! Hayaan mo na."

"Oo nga Maj. Mas maganda ka pa rin naman! Kaya nga nagustuhan ka ni JM eh!"

Mga opinyon yan ng mga alipores ko (na hindi ko kilala).

"Iyon nga ang problema eh. Sa sobrang ganda ko, hindi ko alam kung paano ko tatanggihan si JM"

"MAGIIIIIIIIIIIIIC~"

Speaking of the ..

"Oh?"

"Ang layo ng tinakbo ko tapos 'oh' lang ang sagot mo? Wala ka bang 'I miss you' man lang?"

"Masamang magsinungaling."

"Ay? Bakit ba kasi ayaw mo akong sagutin? Seryoso naman ako sayo ah?"

"E-eh k-kase aah.. uhm ano kase e.. yang.. Nga pala may klase na kami eh! Ge bye!"

At agad ko nang hinila yung dalawa at nagmamagandang tumakbo.

~x~

Lunch time. Ghad! Kapagod tumulog ng nakaupo sa klase.

Papunta na sana ako sa table nang biglang may pumatid sakin dahilan ng pagkakatumba ko.
Agad kong tiningnan yung pumatid sakin at...

"Oops! Sorry! Sinasadya! Sa uulitin! Hahaha!"

Konti na lang talaga papatayin ko na to e. Grrrrrrr.

Tatayo na sana ako nang biglang may lumitaw na kamay sa harap ko.

Walang pagaalinlangang tinanggap ko ito. Kailangan ko rin naman kase ng tulong. Tatanggi pa ba ako?!

"Sala-"

"Bakit ba naman kasi palampa lampa eh! Yan tuloy! Ang dumi na ng baby ko! Okay ka lang ba baby? Nasaktan ka ba?"

"Jm! Wag mo akong tawaging ganyan! Baka lalong magselos yung babaeng yun. Lalo pa akong pagdiskitahan"

"Sus! Yun lang pala eh. Hayaan mo kakausapin ko mamaya."

"Tss. Bahala ka."

Pumunta kami ni JM sa table nila ng mga kaibigan niyang sina Sean at Jerry. Kaya ayun! Yung dalawa kong alipores ay tuwang tuwa. Mga haliparot! Che!

Tapos yun, kumain na nga kami. Dinig na dinig ko pa yung bulungan ng mga tao sa canteen. Grabe nakakairita lang.

JK's POV

Hay! Pagod na ko.

Gutom na ko.

Inip na ko.

Antagal naman kasi.

Tick. Tok. Tick. Tok.

"Okay, class dismissed! Don't forget to do your assignments or else-"

Hindi pa natatapos magsalita si maam ay nagtatakbo na agad ako papuntang canteen.

Alam ko naman kaseng kapag nakinig pa ako sa litanya ni Maam Cleopatra ay mauubos at mauubos lang ang time namin ng lunch.

Di bale, ilang buwan na lang, Bye bye Converse High na rin naman ako! Yay!

Malapit na ako sa canteen ng makasalubong ko si JM.

-----------------------------
A/N:
Alam ko pong sobrang tagal ng update. Sorry.. Patience! xD
Happy 50 reads! ♡

Maybe Meant To Be ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon