JK'S POINT OF VIEW:
Good morning Monday!*stretch*
*stretch*
*yawn*
Haaaay! Lunes na naman. Papasok, uuwi, aaral, tutulog, trabaho.
Haaaay! Kelan kaya kami yayaman?!
"Kuya! Kuya! Gising na may trabaho ka pa!" -ako.
"Teka lang. Five minutes okay? Five minutes!"
"Five minutes ka dyan?! Hoy para sabihin ko sayo, alas sais na ho! Dalian mo nang bumangon at nang mailigpit ko na yung higaan!"
"Aish! Oo na!"
'Ang kulit'
Agad naman akong lumapit sa higaan at tiniklop ang banig na nakalatag sa sahig at ipinatas ang mga kumot at unan sa isang tabi.
Nga pala, ako si John Keyford Monterde. Isang simpleng lalaki, na may isang simpleng buhay at simpleng ugali. Nothing special. Mahirap lang kami. Kami na lang kasi ni kuya ang magkasama matapos mamatay nang mga magulang namin bata pa lang kami.
Si kuya naman, ayun parang bata. Mark Navi ang pangalan niya. Pangalan pa lang, abnormal na. Mabait siyang kuya. At ni minsan, di niya ako pinabayaan.
Dali dali akong naligo at nagbihis. Haaay. Kelan kaya ako makakabili ng bagong uniform? Hay. Buti na lang talaga at mabait si pinsan kaya ipinahihiram niya na lang sakin ang lumang uniform niya. Sinuot ang lumang eyeglasses. Pagkatapos magbihis, dali dali akong pumuntang hapag kainan at kumuha ng dalawang pandesal na tira pa kahapon. Pantawid gutom na rin yun!
"Kuya alis na ako!"
"Ge! Ingat. Pagkatapos ng school, diretso uwi ha?"
"Ge!"
'Sorry kuya.'
Dali dali akong naglakad at pumunta munang department store.
"Ayun!"
Tuwang tuwa akong nagtatakbo sa tapat nang gusto kong bilhin at tiningnan ang price nito.
"Sakto!"
Nagbayad ako sa cashier at masayang naglakad habang yakap yakap ang mahal na mahal kong stick-O.
Bakit ba?
E sa paborito ko eh!
Pagdating sa school agad kong nakita yung bestfriend ko!
"Ericka!"
"O Jk!"
Pumunta ako sa kanya at sinalubong siya.
"Saan ka galing?"
"Ah, diyan lang sa bilihan ng school supplies, bumiling bolpen"
BINABASA MO ANG
Maybe Meant To Be Apart
Teen FictionIsang kwentong magpapatunay na kahit ang pinakamasamang tao sa daigdig ay kayang magbago para sa kanyang mahal. Tunghayan ang kwento ni Maria Gelyca "Magic" Fuentes sa kanyang not so ordinary love story. ©Kim Lawrence Cortez (kimmik09) Plagiarism is...