Chapter 7

18 4 2
                                    

Magic's POV:

"So para makuha ang y, isusubstitute mo lang yung x sa equation 1."

  x=2

2y+4x= 3
2y+4(2)=3
2y+8=3
2y=3-8
2y=-5
y=-5/2

"So y=-5/2?"

"Check mo muna para malaman mo."

Bakit kasi di na lang sabihin?!

Nandito kami sa library ngayon at kasalukuyan niya akong tinuturuan kung paano mageliminate ng isang expression via substitution.

Kanina pa kami dito pero di pa rin kami magkasundo. As in.

May point pang nagbatuhan kami ng libro.

Naghampasan ng notebook.

Nagsipaan sa ilalim ng mesa.

Nag tarakan ng ballpen sa lalamunan.

Pero syempre joke lang yun. Edi sana kung nangyari yun ay wala na ako at lying beautifully saking hospital bed.

Balik tayo sa Math na to. Nakakarimarim talaga tong Math na to e.

Di ko lang talaga magets kung bakit kailangan pang isama ang english alphabet sa mathematics.

Like what the heck?! As if naman kapag bibili ka ng pagkain sa canteen ay sasabihin sayo ng tindera na..

'Let x=price of the rice, y=chicken, and z=your change. You bought 2 cups of rice and 2 pieces of fried chicken for you and your friend's lunch. So 100-(2x+2y)=z. A cup of rice costs 10 pesos while a chicken costs 20 pesos. Substitute those to get the total. 100-[2(10)+2(20)]=z. 100-(20+40)=z. 100-60=z. 40=z. So your change is 40 pesos maam. Please enjoy your meal.'

Like what the heck lang talaga diba? Siguro nahimatay na yung bumibili sa kagutuman ay hindi pa rin tapos yung tindera sa pagsosolve ano?

Napangiti na lang ako sa kabaliwan ko.

Maybe Meant To Be ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon