Chapter 5

25 5 0
                                    

Chapter 5: He's my Tutor

Magic's PoV:

Lakad here. Lakad there. Lakad everywhere.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng building namin papunta sa classroom. Syempre, with a very confident smile para dagdag ganda diba?

"Oh. Si Magic."

"Chicks yan bro!"

"Kala mo kung sinong maganda."

"Maganda naman talaga ah?"

"Basta."

Mga bulunga-- Chismisan ng mga nakakasalubong ko.

Nang makarating ako sa classroom..

"Magic!"

"Sheena, right?"

"O to the M to the G! Natandaan mo yung pangalan ko omaygaaaaaaaad!"

Stupid.

"Nakasulat sa ID mo."

"Ay?"

She look so disappointed sa resulta ng pagaassume niya. Well, not my fault.

"O? Bakit mo nga pala ako tinawag?"

"Ah. Sabi ni Maam Cleo, puumunta ka daw sa office niya mamaya after first period."

Ipipilit niya talaga yung tutor thingy na yun. Tss.

"Okay. By the way, nasaan yung lagi mong kasamang babae na may bangs?"

"Ah, si Yssa? Nandun pa. Kausap si Jerry. Ahihi."

Kinikilig? Grabe ang kabataan ngayon.

Pagkatapos ng first period, ay agad akong pumunta ng faculty room para imeet si mam Cleo.

Pero syempre, joke lang yung agad. Maganda ako, kaya hindi ako dapat nagmamadali.

Bihira lang ang magaganda sa mundo kaya dapat dito, inirarampa para makapagbigay ng good vibes.

------

"You came, Miss Fuentes."

"Obvious ba?"

"Ahm... By the way, ngayon ko kase naisipang ipakilala sayo yung magiging tutor mo kase ngayon lang ang vacant niya."

"Ha? Bakit ngayon lang? Wala ba silang lunch o kung ano man?"

"Magic, Mr. Monterde is a busy student. He's a working student, actually. He works very hard for him to finish his studies. So I idolize him very much. Ahihi."

Ay? Tandang tanda na lumalandi pa.

"Maam Cleo?"

Nakita ko sa peripheral vision ko ang isang lalaking pumasok sa Faculty room.

Pero dahil maganda ako, deadma na lang.

"Oh! You're here. Mr. Monterde, meet Maria Gelyca Fuentes."

"Miss Fuentes, meet Jhon Keyford Monterde. He will be your tutor until the school year end."

At paglingon namin sa isa't isa.

Muli na namang tumibok ng mabilis ang aming mga puso.

Pero syempre, joke lang ulit yun.

"IKAW?"/ "STICK O BOY?"

Sabay na lang kaming napasigaw sa gulat.

Siya yung lalaki sa canteen...

Na mukhang basura.

"Do you know each other?"

"Undoubtedly yes." -sya.

Geeez. Nakakakilabot magimagine na sya yung magiging kasama ko lagi. Eww lang.

"Nice to meet you again, Magic."

Sabay abot ng kamay para makipag shake hands.

"Yeah. Nice name, Keyford."

At tinampal ko yung kamay niya.

"Rude."

So ayun, pagkatapos ng aming meeting ay pumunta ako sa classroom ng nagmamaganda.

Pero sa kabila ng nagmamaganda kong mukha ay ang pagkatao kong labis na nagtataka.







Ano yung undoubtedly?

Maybe Meant To Be ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon