JK's POV:
Malapit na ako sa canteen ng makasalubong ko si JM.
"Oh! Look who's here. Ano naman kayang ginagawa ng isang hampaslupa dito?"
Hindi ko siya pinansin.
"I am talking to you, Keyford."
"Bakit ba?"
"Oh. Galit ka na agad? Gusto ko lang namang tanungin kung paano ka nakapunta dito."
"Transferee. Scholarship."
"Ah. I almost forgot, matalino ka nga pala. By the way, dahil napakabait ko, gusto ko lang sanang, ahm.. Iwelcome ka dito sa school ko. Enjoy your stay here, little bunny"
'Ayan na naman siya sa bunny na yan.'
"Okay. Thanks."
Atsaka ko siya iniwang nakatulala doon.
•••canteen•••
Nasa may pinto na ako at uupo na sana ng makita kong natakid yung babaeng diring diri sa stick-O ko kanina. Pfft.
Pero napatigil ako nung narealize ko na hindi siya talaga natakid. May tumakid sa kanya.
"Teka. Kamukha ni Ericka yun, ah."
Lalapitan ko na sana siya nang marealize kong malapit nang magklase. Kailangan ko ng kumain.
Ipinagwalang bahala ko na lang yung nakita ko at dahil wala na yung stick-O ko, nagpasya na lang akong umorder ng pinakamurang pagkain nila dito.
Magic's POV:
"Forteza, Bea Marie, 76/100. Grabe! Nag aaral ka pa ba?"
"Fortunata, Samantha, 80/100. Okay. Not that bad."
"Fuentes, Maria Gelyca, fifty-- WHAT?! 50/100 LANG ANG SCORE MO? Ghad."
Tss. I dont care.
Natapos na ang pagbibigay ni Maam Cleopatra, Math teacher namin ng scores namin sa ibinigay niyang test.
Aalis na sana ako pero meron lang namang huklubang tumawag sakin.
"Miss Fuentes, come with me."
BINABASA MO ANG
Maybe Meant To Be Apart
Teen FictionIsang kwentong magpapatunay na kahit ang pinakamasamang tao sa daigdig ay kayang magbago para sa kanyang mahal. Tunghayan ang kwento ni Maria Gelyca "Magic" Fuentes sa kanyang not so ordinary love story. ©Kim Lawrence Cortez (kimmik09) Plagiarism is...