Chapter 33: *Da who?!*

93 4 2
                                    

Hello! Basaaa!~

---

Chapter Thirty three

Yannie's POV

"Sleepover tayo! tutal! wala namang pasok bukas!" sabi bigla ni Ayu,Habang pauwi na kami. Friday ngayon, Ang bilis ng Araw! Two weeks nang nakikisama samin si Lara. tss. kahit labag sa kalooban ko, aba kailangan ko makisama. Para na rin kay Azumiko. xD hahahaha

"Ayoko kayo  na lang." sabi ko. 

"Naku! Naku! Wag KJ!" sabi ni Elly.

"Oo nga Yannie! We should spend some time." sabi saken ni Lara. Tapos ngiti-- ayy.Scratch it.Ngisi pala.Ngisi.

"Wag na, Okay lang." sabi ko sabay ngiti. 

"Ehhh! pleasee?! Sige na! Sige na! Sama na!" Pleaded ni Ayu. 

Ang kulit naman ni Ayu! Eh sa wala ako sa Mood. -.- Ang papanget ng kasama! hahahah! 

"Eh.. Ayoko nga." sabi ko. 

Sumimangot naman si Ayu at " Ang daya na--"

"Wag na pilitin ang ayaw." 

Napatingin naman kame kay Azumiko.Oo, SI Azumiko yung nagsabi nun. tss. If I know, Ayaw naman niya talaga akong kasama! Syempre! maso-solo niya si Lara! Aba! magsama nga sila! tang inis nila! -.- 

"Yun naman pala eh. Sige na bye!" sabi ko tapos nauna na akong maglakad. narinig kong tinawag ako nila Ayu at Elly even Raine at Charisse. Pero dedma ako. Bahala sila! kaya ayoko ng nasabay sa kanila eh! lagi ako ang OP! ugh. 

Naglalakad na ako sa labas ng School, Arg! Tuwing naaalala ko yung sinabi ni Azumiko naba-badtrip ako! tss. Sasama na ako eh! Pero biglang ganun?! Buset! 

"YANNIE!" napatigil naman ako sa paglalakad at humarap dun sa tumawag saken. 

O_O

"Tara. sama ka saken." tapos hinatak niya ako. Hindi ako nakapalag.Sorry naman diba?! -.- 

Ayumi's POV

"Kase naman! yung isa diyan! nakakainis ah!" sabi ko, Andito ang buong tropa sa Bahay namen. except for Yannie. nakakainis kase! 

"Haays.Sayang wala si Yannie." sabi ni Jian. 

"Alam mo kase dapat siya yung andito, eh. Hindi siya." sabi ko sabay tingin kay Clara. Siya naman kase talaga ang may kasalanan! nakakainis!

"Why are you looking at me like that?!" sabi niya bigla saken. Aba nasa tabi lang naman siya ng Kuya ko. Hindi niya ba alam yun!?

"Why are you looking at me like that?!" I muttered at ginaya ko yung bitchy voice niya.psh.

"ANO?!" sabi niya.ohh. mukhang narinig ni bitchy Clara ah. xD 

"WALA!!" sabi ko. 

"I have an idea!" sabi bigla ni Jian. Napatingin naman kameng lahat sa kanya. 

"Ano yun?!" Tanong ni Christina, Yep, kasama sila ni Enzo. eto namang si Hiro, hindi ko makausap. tss. Ewan ko ba diyan!-.-

"Bakit hindi naten i-held ang sleepover na ito sa Bahay nila Yannie?! Isurprise naten siya!" sabi ni Jian.

Oo nga nuh.. Naks! Ang galing talaga ni Nerd! hahaha! ayy! Hindi na pala siya Nerd. xD 

"Tama!"-Enzo.

"I like it!"-Christina

"Ano pa hinihintay naten?! tara na!" sabi ni Cha tapos tumayo na at nag-ayos ng sarili. 

"okay !okay! kung ayaw  sumama ng iba diyan !edi Wag! tara na!" tapos hinatak ko patayo si Hiro. Tumingin lang siya sken at "Kaya kong tumayo." sabi niya tapos tinabig niya yung kamay ko at tumayo na.nakatingin lang ako sa kanya. Like duh. ano bang problema niya?!

"LQ?!" tanong ni Elly saken.kasama niya naman si Charisse. Napatingin naman ako sa kanila na 'ano-pinagsasabi-mo' Look. -.-

"Hahaha! Mukhang LQ nga! Gora!" sabi ni Cha, Tapos hinatak ako.

Tss. Nakakabadtrip si Hiro ah! Siya na nga tong! ahh! Nakakainis ah. -.- 

Azumiko's POV

Naghanda na kami kase nga dun kame kala Yannie, Mag-sleep over. 

"Azumikoo~ Kailangan pa ba natin sumama sa kanila?!We can Sleep over naman dito eh! Please talk with yourr sister." sabi ni Lara. 

Nakatingin lang ako sa kanya at " Hayaan na lang natin." tapos lumabas na ako ng kwarto ko at dinala yung Bag ko.Dinala ko rin yung bag ni Lara, Kung hindi niyo lang alam,Gentleman naman ako.

Magkaibigan kame ni Lara.Basta. may iba din kaming something. 

"OKIEE! TARA NA!" sigaw ni Ayu, Hindi ko maintindihan bakit ko yan naging kapatid. Napaka Loud. tss. 

Kasabay ko si Lara dito sa Kotse ko, Samantalang sila Christina at Enzo naman sa isa, Si Charisse, Blue at Elly naman dun sa isa at sila Hiroshi at--

"Kuya,pasabay dito." Napatingin naman ako sa bumukas na pinto sa backseat. 

"Akala ko sabay kayo ni Hiroshi?" tanong ko kay Ayu. Napasimangot naman ito at " sus. Ewan ko dun.Dito na lang ako." tapos pumasok na siya at nag-saksak ng earphones sa tengga.

"I think, Something wrong happened with that two." sabi bigla ni Lara. 

"Maybe." sabi ko, tapos inistart ko na yung kotse at aalis na ,Kase nauna na yung iba. 

Bumukas naman yung isang pinto sa back seat. Napatiingin naman ako. 

"Hiroshi?"- Lara. 

"Ano ba yan!" sabi bigla ni Ayu. 

"Sige wag na pala." Sabi ni Hiroshi. 

"Kung sasabay ka, Sumabay ka na. Para makaalis na." sabi ko. 

Walang nagawa si Hiroshi at sumakay na lang. 

Inistart ko na yung kotse, Medyo malapit lang naman yung bahay nila Yannie eh. Nang mapatingin ako sa likuran.Aba. Mukhang gusto na  bumababa sa kotse nung dalawa. Paano ba naman ang luwag luwag kung makasiksik sa gilid,Wagas. -.-

--

Nakarating na kami sa Bahay ni Yannie, Medyo tahimik kame kase nga Surprise daw. sus.

"Hi Tita!" bati ni Elly sa Mama ni Yannie.

"Si Yannie ba?!Ayy teka! twagin ko." 

"Naku! Naku! wag na po Tita! aakyat na po kame!" sabi naman ni Raine.

"Opo! Pwede po ba kami mag-sleepover dito?!" singit naman ni Ayu.  

"Of course! Sige na! akyat na kayo."  Sabi ni Tita. Oo, Naging Close na kami ng mama ni Yannie. 

"Oh! ikaw pala yan Azumiko!"  Sabi saken ni Tita. 

Napangiti naman ako at " Opo.Musta na po?!"

"Okay lang! Sige na! pasok na! hahaha."  

Tapos Ayun nga pumasok na kame, Umakyat naman na kame, Nung nasa tapat na kame ng kwarto ni Yannie. Parang maingay sa loob. tss. ganyan ba talaga yang babae na yan?! 

"Ako na magbubukas ah!" Presenta ni Ayu. 

Tapos ayun nga binuksan na ni Ayu at.. 

"HI YANNI-- CODY?!" 

Sinong Cody?! 

To be continued...

---

Masipag ako! Updated ulit! hahaha! <3 Lovelots guise.

PAREKOY's invaded our HEARTS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon