I will forget you...

289 7 7
                                    

Chapter 1

Makakalimutan din kita. Makakalimutan ko din na minsan, may nakilala akong Drew na pinadanas sakin ang sakit na kailanman ay hindi ko na nanaising maramdaman pang muli. Ang sakit na dulot ng pagmamahal. Pagmamahal ng wagas. Pero ngayon, binigyan na nya ito ng wakas. 

Ilang buwan na ba ang nakakalipas mula ng huli kaming mag-usap ni Drew? Almost 12 na pala. Mag-iisang taon na pero hanggang ngayon, sa tuwing naaalala ko ang pangalan nya, nasasaktan ako.

"SaiSai! Tulala ka na naman. Alam mo, kapag may nakita akong utak na lumilipad, huhulihin ko yun kasi sigurado akong sayo yun!"

"Baliw ka Jemai! Haha! May naalala lang ako. Yung page 79 ko sa book, nawawala. -.- Leshe naman kasi si ma'am! Ang tagal ng assignment nun! Antagal ko ng na-detach yun eh! Nawala ko pa tuloy. (_._)"

"Burara ka kasi! Personal reflection pa naman yun! Baka may nakabasa na nun! hahaha! Nakooo. Kung ano mang sinulat mo dun, may iba ng nakaka-alam ngayon! Wahahahaha!"

"Eh bakit ang saya mo? Ano bang question dun sa page na yun?"

"Ano yung bagay na gusto mong makalimutan! Yung gustong-gusto mong ibaon sa limot. Di ko tanda exact words ehh, english kasi yun pero yun yung thought! Wahahaha! Ano ba sinulat mo dun SaiSai ha?"

Nanlamig ako bigla. 

Ano nga bang sinulat ko dun?

Anak ng tinapaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Naalala ko na!

T.T

EH di wala ng iba kundi tungkol dun sa Lesheng Drew na yun!

Patay na ko nito. Kung sino mang nakalimot nun, parang-awa mo naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Pakisunog na lang nyan!

Ay mali! Ibalik mo pala sakin para may maipasa ako. (-.-)

"Para kang baliw SaiSai. Kung ano ano na naman yang tumatakbo sa isip mo! Tunganga ka na naman jan eh! Aissh!"

"Eh kasi naman Jemai! Tungkol kay Drew yung nakasulat sa Personal Reflection ko na yun eh!"

"Ok lang yan SaiSai! Mababa din naman ang probability na si Drew ang makapulot nun eh! Kung may makabasa man, siguro naman hindi nya kilala si Drew! Malas mo naman talaga kung nagkataong kakilala pa. Hahaha!"

Eeeh yun na nga yung issue dito eh. Malas kasi ako.  T.T

I will forget you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon