Shit Brix and Softball

85 1 0
                                    

Chapter 4

Sa Botanical Garden...

"Mukha kang baliw dun Sai! hahaha! Natulala ka no? Wafu wafu ba? Hahaha! Ang pula mo pa! Grabe lang! Kulang na lang sabunutan ka nung mga patay na patay kay Jeric kanina! Wuhahaha!"

Mamamatay na ata sa katatawa tong baliw na Jemai na 'to ah. 

Nakaka-asar kasi ehh. Foul naman yung ginawa nung lalaki na yun! Hawakan ba naman pisngi ko! (=.=)

"Baliw ka! Sige lang! Tumawa ka lang jan! Mamaya ubos na tong baon mo! Ang sarap naman nitong Misono! Yum! Yum!"

Dinaan ko na lang sa pagkain yung asar ko. Gutom na din ako ehh. Hahaha! Binilisan ko ang pagkain. 

"Hanggang ngayon Zara, di ka pa rin nagbabago. Matakaw ka pa din." 

Nabulunan ako sa narinig ko...

Zara...

Zara.

Zara.

"Hoy! Zara Yonah Zyril! Haba ng pangalan mo! Zara na lang tawag ko sayo ha... Ako lang tatawag ng Zara sayo! Tandaan mo yan! Pag may tumawag pa sayo ng Zara, papatayin ko sila nitong baril-barilan ko!" 

Tubig! Nananaginip ba ako?! Waaaaaaah! \O.O/ Heart attack! Kapow!

Shit Brix! Andito na ulit si Brix! =)))

"Brix! bestfriend! Waaaaaaah! \^.^/ Namiss kita ng sobra sobraaaaaaa! Kelan ka pa dito? For good na ba? Di to ka na ba papasok? Wahuhuhu! Kumusta ka na? Grabe! Ang hot papa mo na. O.O" 

"hinay hinay lang Zara! Hahaha! Hoy! Tama na ang yakap. tsumatsansing ka na nyan eh! Nakita mo lang na ang macho ko na! Hahaha!"

"Uso pala ang conceited sa London no? Nakoo."

napahiya naman ako dun. kasi nga naman sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. Parang sinasakal ko na sya. Hehe.

Yuuuun! At nagkaron ng mahabng kwentuhan. 3 hours din ata? Haha! Eh 1:00-3:00 ang break namin ehh..

Dito muna daw si Brix, pero di pa masasabi kung babalik pa sya dun. Pero ang sigurado lang daw eh magtatagal sya dito. nag-enroll pa nga sya ng 1 sem sa school namin eh. Kaso Architecture sya eh Accountancy naman ako. Magkalayo din building namin. Pero di bale! Magkapitbahay lang naman po kami eh. ^^, 

Softball...

"Ok Class, since medyo magaling na kayo, nag-invite ako ng varsity para makalaban nyo today. Ok? Get ready na kayo. Ok? Bigyan nyo ko ng copy ng batting order nyo and that will serve as your score sheet. Ok?"

Wahahaha! Mauutas na ko katatawa kay Ma'am Ok. =)) Mayaman sa salitang OK yang si Ma'am eh! Wahehe. ;)

"Tawa ka ng tawa jan! Ikaw last sa batting order. Tungange ka na naman eh. Tagal naman nung varsity na tinutukoy ni Ma'am! tsss! Init init pa! (_._)" nag-momonologue po si Jemai. Hahaha!

"Yung softball varsity ba? Saya nitoooo! Hehe! Excited na ko! Mapapractice ko na din ang softball skills ko!"

Player kasi ako nung Elementary, eh tumigil na ko nung High School kasi naging busy naman ako sa Dance troupe namin. May theater pa. 

Oo na. 

Ako na talented.

Joke lang! ^.~

Nag-papractice kami ng batting ni Jemai tinawag kami ni ma'am dahil start na daw ng game.

Wait! 

Hulaan nyo kung sino kalaban namin.

(  -.)

T.T

Yung Basketball team!

Leshe! 

"Sorry ha. Dapat talaga Vball players yung kalaban nyo kaso biglang nagpalit ng sched ng training si Coach eh." 

Pa-cute pa tong Jeric na 'to.

Pumunta na ko sa 3rd base. 

Sana di nya ako maalala. Nakakahiya kasi talaga ako kanina ehh. :/

"Sobrang nakakapagod! Ayy Grabe lang! Bigay todo na ata ako kaso talo pa din tayo. T.T"

"Jemai, ano ka ba? Wonderwoman? Eh pano mo matatalo yung mga masculadong bakulaw na yun? Malamang matatalo ka talaga nun!"

"Ahh. Ehh. SaiSai, mukhang kelangan ko ng mag-shower. Una na ko ha? Daan pa ko sa simbahan eh. Ipagdadasal kita. hehe" ^^v

"Ipagdadasal ako?Ho! Hoy! Jemai!Aba't tinakbuhan na ko?! Hoooy! Inatayin mo ko! Sisimba din a-a-a-k." di ako makatakbo. May humihila kasi ng bag ko.

Grabe. Kinakabahan ako. Kahit ang daming tao sa field, pakiramdam ko nasa hukay na yung isa kong paa.

"(_._)" ako

(o.O) jeric

(_._) ako

(>.<) jeric

"Sinung bakulaw! Ha?! SaiSai!?"

Waaaaah! Ayan na po! Alam na nya pangalan ko. -__- Ipapa-salvage na ko nito.

"Aaah. Kayo. Hehe. Ang macho macho nyo kasi eeeh kaya bakulaw. Hehe. Pero peace tayo. Please. Let go of my bag." ^^ 

Nagpa-cute pa ako, baka sakaling umubra. 

Konting ngiti pa. :>

Yuuun! Binitawan nya yung bag ko! Yahooo! Takboooo! 

Kaso,

yung kamay ko naman ang hinawakan nya. -____- Tsansing po. T.T

"Sorry na po. Maawa po kayo sakin. O.A lang po ako minsan. Promise. Hindi na ko magsasalita tungkol sa inyo."-____-

"Sige. Ibigay mo sakin cellphone mo."

"HA!? Ano yun Jeric!? Bakit!? Eh ang yaman yaman nyo na! Mang-aagaw ka pa ng cellphone ng iba! Naka-Iphone4 ka pa nga! SII lang tong sakin tsaka bigay to ng Papa ko no! Wag naman to! Iba na lang. Maawa ka."

"HAHAHAHA! Baliw ka ba!? Ano ako? Holdaper? Pahiram ng cellphone mo."

Eeeh may choice ba ko eh hawak nya isang kamay ko? Eh di yun! Binigay ko din tapos nagpipindot sya.

"Sinave ko number ko jan. May kasalanan ka sa team dahil tinawag mo kaming bakulaw. I-text mo ko mamaya."

Yun lang tapos binitawan na nya kamay ko. Kaya kumaripas na ko ng takbo.

Kung nasa game pa ko eh makaka-home run ako nito eh! Hahaha!

Pano na mamaya? Itetext ko ba sya?

I will forget you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon