Hindi ako nakatulog kagabi. Wala akong ginawa kundi umiyak.
Masakit eh.
Saobrang sakit.
Babe. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noong bigla ka na lang umalis. Bigla ka na lang naglaho na parang bula. Bakit? Bakit ba? Ano ba talaga yung rason mo? Sabi mo meron. Pero kapag nalaman ko ba kung ano yun, mapapawi ba nun lahat ng sakit na naramdaman ko noon? Sana hindi ka na lang bumalik. Sana hindi ka na lang nagpakita pang muli. Isang taon. Isang taon ka ding nawala. Kung alam mo lang kung anong hirap ang dinanas ko sa loob ng isang taon na nawala ka. Pero buo na ang desisyon ko. Kahit anong mangyari… Hindi ako bibigay. Hindi mo malalaman lahat ng hirap na dinanas ko para lang makalimutan kita. Dahil ngayong nandito ka na, ibang SaiSai ang makakaharap mo Drew. Yung SaiSai na masaya. Masaya kahit wala ka na sa piling nya.
Drew, magtutuos tayo. Pangako. Mababawi at makakaganti din ako sa lahat ng sakit na naranasan ko ng dahil sa’yo.
“SaiSai! Para kang panda! Hahaha! Ano ba namang mata yan! Hindi ko na ma-identify yung shape. Ang pangit mo! Bwahahahahaha!”
“Alam mo Jemai, nagtataka talaga ako kung bakit naging kaibigan kita! Ni hindi ka man lang concerned sakin kung bakit ganito ako ngayon.”
“Alam ko namang umiyak ka eh. Dahil kay Drew na naman yan diba? Tigilan mo na kasi. Kalimutan mo na. Kaya mo naman kung gugustuhin eh! Tsaka akala ko ba nakalimutan mo na sya?! May pasunog-sunog ka pa nung mga memorabilia last month tapos iiyakan mo ulit!? Gulo mo girl ha!”
“Bumalik sya.”
“Bumalik sya sa puso mo? Korni mo din! Gagawa ng palusot eh wala namang butas! Hahahaha!”
Ito yung mahirap kay Jemai ehh. May pagka-slow. Hindi naman sya bobo pero ewan ko ba! Minsan nakakatawa yung pagiging slow nya pero minsan, sarap lang batukan! Grabe.
“Jemai, Bumalik sya. Andito sya. Nagkita kami.”
“Anooooo!? Nagkita kayo!? Saan? Bakit? Kelan? Nagkausap ba kayo?! Anung sabi? Halaaaaaa! Gusto ko sya makita! Sasapukin ko sya para sayo! Ayyyy! Teka! Ano bang sabi? Mahal ka pa daw ba nya? Nakikipag-balikan ba? Anoooo!? Sumagot ka SaiSai! Answer meeeeeeeeeeeeeeeeee! Waaaaaaaaaaaaaaaah! Naman ih! Ano ba?”
“HEP! HEP! Madi-drain lahat ng dugo ko sa utak ng dahil sayo eh! Pano kita sasagutin eh dire-diretso ka magsalita!? Hinay-hinay lang no!”
“Eeeeh kasi naman ano ba talaga ang nangyari? Ha? Kwento mo.”
“Ganito kasi yun.—“
Biglang dumating si Ma’am Hernandez.
“Psh! Badtrip! Kwento mo sakin mamayang lunch SaiSai! Don’t forget.”
Lunch time…
“Sai. Saan tayo kakain?”
“Kahit saan. Wala ako sa mood eh.”
“Kelan ka pa nawala sa mood kumain ha?! Don’t tell me nagsimula na ding pumuti ang mga uwak? Ayyy! Tingnan mo o! May lumilipad na pig!”
“One word to describe you. OA!”
“KJ mo naman! Basta kwento mo sakin kung anung nangyari ha! Nako! Chismax to Sai eh! DI mo man lang naisip tumawag sakin kagabi. -___________- Tampo na ko. :/”
“Arte mo. Sa Jollibee na lang tayo.”
“Hindi. Sa Classic Savory tayo, Babe.”
Babe.
Babe.
Babe.
Babe. Bakiiiiiit?!
Sino kaya ang tumawag kay SaiSai na Babe? Si Jeric o si Drew? J
BINABASA MO ANG
I will forget you...
Ficțiune adolescențiPaano ba makalimot? Makakalimutan din kita. Makakalimutan ko din na minsan, may nakilala akong Drew na pinadanas sakin ang sakit na kailanman ay hindi ko na nanaising maramdaman pang muli. Ang sakit na dulot ng pagmamahal. Pagmamahal ng wagas. Pero...