Ang sakit ng nakaraan...

123 4 4
                                    

Chapter 2

"Hoy Pare! May assignment ba tayo sa Homeroom?"

"Ha? Wala ahh! Bakit!? Takte! Wala akong ginawa! Meron ba? Nakooo!"

panic na ko. Theology na lang inaasahan kong makakakuha ako ng 1 eh! Haha!

"Gago! Kaya nga ako nagtatanung eh! Hindi ko din alam! Eh ano ba yang hawak mo? Page ano yan ng theology workbook natin?"

"Usyusero ka naman Adrien eh! Hindi 'to akin! Napulot ko lang 'to."

"Maka-Adrien ka naman jan Jeric! Haha! Kawawa naman yung nawalan nyan. Tssk. Basahin natin! Personal reflection yan diba?"

Hinablot nya sakin yung papel. Timang din naman 'tong isang to eh. Kalalaking tao eh Tsismoso! Haha!

At binasa nya ng malakas ang nakasulat sa papel.

"Makakalimutan din kita. Makakalimutan ko din na minsan, may nakilala akong Drew na pinadanas sakin ang sakit na kailanman ay hindi ko na nanaising maramdaman pang muli. Ang sakit na dulot ng pagmamahal. Pagmamahal ng wagas. Pero ngayon, binigyan na nya ito ng wakas."

"Hoy Pare! Gay ka talaga Ry(Si Adrien yan)! Drew pa eh! Hahahaha!" sigaw ng mga kaklase namin.

"Mga sira ulo kayo! Gay kayo jan eh ang gwapo ko kaya! Hahahahaha!" (Ry)

"Hoy! Jeric! Balik mo na 'to sa may-ari! Drama naman nya!"(Ry)

"Timangols ka pala eh! Pano ko malalaman kung kanino yan eh wala mang lang pangalan or section or kung anung course nya!"

"Pero kung sino man sya, halatang halata na nasasaktan pa rin sya! Uno na dapat sya dito eh! Full of feelings and emotions!"

Kanino ba naman kasi yung papel na yun..... isang linggo na din ang nakakaraan mula nung napulot ko yan sa may library ehh. 

Nung binasa ko sya, pakiramdam ko

kinurot ang puso ko.

Gusto kong makita kung sino sya.

bakit sya nasaktan?

Bakit sya sinaktan?

Sino si Drew?

at higit sa lahat....

Sino ba sya?

Nasabi ko na lang sa sarili ko na..... 

Kapag nagkita kami....

wala akong gagawin

kundi

Tulungan syang makalimutan

ang sakit ng nakaraan.

I will forget you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon