Feeler

64 2 0
                                    

Chapter 5

10:00 pm na pero hindi pa rin ako makatulog.

Bakit?

Eh di pa din ako makapag-decide kung itetext ko yung Jeric na yun ehh.

Nakuuuu! 

Baka kung anung ipagawa nun sakin eh..

Kinakabahan naman tuloy ako kaya tinawagan ko na si Jemai.

"JEMAI!!!!!!"

"Baliw ka baaaa! Tatawag ka ng ganitong oras para lang linisin ang tenga ko jan sa pagsigaw mong yan!"

"Hehehe! Ehh kasi naman! Itetext ko ba?"

"Wag! Nako! Wag! Tawagan mo! Baliw ka ba! Si Jeric yun! J-E-R-I-C!"

"Pinapa-spell ko ba sayo?! Wala akong load eh."

"Tungangers! Naka-plan ka! Baliw! Hahahaha!"

"Kinakabahan ako eh! Baka kung anung ipagawa sakin. -____-"

"Ano bang sabi kanina?"

"Itext ko daw sya kasi may kasalanan ako!"

"May kasalanan ka? Ayaaaan! Magdusa ka! Bleh! Kunga ko sayo, itetext ko na lang! Wala namang mawawala diba? Pag may pinagawang weird, ibato mo yung heels mo sa kanya bukas! Lusot na yun! Hahaha! Tsaka ano bang weird na ipapagawa sayo ha?"

"Baka yung ano, katulad nung sa heartstrings, yung slave chuva ek ek na yan! Tapos mamaya mai-inlove na o sa kanya! Yung ganun! " 

"Imagination mo girl! Ano ka ba!? Accountancy o CFAD?! Hahaha! Itext mo na! Tapos sabihin mo sakin kung anong reply. Daliiii!"

Eto naman po ako. Nagpa-pressure kaya tinext ko sya.

0915xxxxxxx

Hi Bakulaw. Peace na po tayo. Kthanksbye. hehe.

nagreply sya.

"Stop that Bakulaw. kanina ko pa hinihintay ang text mo ahh."

Nabasa nyo yun!? Hinihintay nya text ko! Ayy shemayy! 

TEKA! 

Bakit ako kinikilig!? 

Erase 

Erase!

"Ok. I'll stop. Hehe. So, peace na tayo? Ok na?" (ako)

"Yep. See you tomorrow sa harap ng building nyo. Sabay tayo maglunch."

Tekaaaa! Ano dawwwww!? Lunch!?"Weeeeeeeeeeh?

Gusto kong umirit!

Naiihi na ata ako sa sobrang kilig! 

Woooooh!

Inhale! Exhale!

"Bakit tayo maglulunch ng sabay!? Hoy! Tigilan mo nga ako! Kung popormahan mo ko, umayos ka naman!" pakipot pa ehh.

"Excuse me? Magpapalibre ako. Kapalit ng hindi ko pagsasabi sa teammates ko na tinawag mo kaming bakulaw."

Yung :") ko kanina, naging -______-

"K." 

yun lang! Pahiya ako ehh! Asarrr.

Wooot!

Jeric's POV

Antagal magtext nung babaeng yun ah!

Sa bagay, seseryosohin nya ba naman yung pananakot ko?

Haha! Lakas trip lang kanina ehh. 

Hindi naman talaga big deal yung bakula issue, trip ko lang manakot kasi halatang takot sya.

Pagkalabas ko ng banyo (kasi nag-shower po ako) biglang may nagtext.

"Hi Bakulaw. Peace na po tayo. Kthanksbye. hehe."

Kaya nagreply naman ako

"Stop that Bakulaw. kanina ko pa hinihintay ang text mo ahh."

Sinabi ko yun para ma-guilty naman sya! Aba! totoo namang nag-intay ako ah!

Tapos nagreply ulit sya.

"Ok. I'll stop. Hehe. So, peace na tayo? Ok na?" 

Ok na your face! Haha! Wait. masaya to. Chance na to!

reply ko:

"Yep. See you tomorrow sa harap ng building nyo. Sabay tayo maglunch."

Papalibre ako sa kanya! Tsaka isa pa, tagal ko na dingnaglulunch na kasama yung mga team mates ko ehh. Maiba naman! Isa pa, Cute din naman to kaya hindi nakakahiyang kasama.

reply nya:

"Bakit tayo maglulunch ng sabay!? Hoy! Tigilan mo nga ako! Kung popormahan mo ko, umayos ka naman!" pakipot pa ehh.

ABA! Feelingera ha! HAHAHA! Kapal din nito ha! Haha! Natatawa lang ako sa kanya. Ipapahiya ko sya sa sarili nya. Hmp!

"Excuse me? Magpapalibre ako. Kapalit ng hindi ko pagsasabi sa teammates ko na tinawag mo kaming bakulaw."

HAHAHAHAHA! Ano kayang magiging reaction nya. Pahiya naman sya. HAHAHA! Trippings nga nga naman!

reply nya:

"K."

Uyyy! Nagalit ata.

Shit. 

Nakonsyensya naman ako.

Ano bang gagawin ko.

Kahit naman gago ako minsan, ayoko ng may nagagalit sakin.

babae pa naman to.

Eeeeeh. -______-

Babawi na lang ako sa kanya bukas sa lunch! 

ZZzzzzZZZZ~

I will forget you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon