Hindi nga ako nananaginip.
Si Drew talaga ang nasa harapan ko ngayon.
Gusto ko syang sugudin. Awayin. Gusto kong magwala ngayon sa harap nya. Gusto ko syang sampalin, bugbugin, tadyakan (A/N: OA! Haha! Brutal mo naman!) baka sakaling maging enough yun para maparamdam sa kanya yung sakit na naramdaman ko nuon.
Grabe. Ayoko umiyak. Ayokong umiyak sa harap nya ngayon.
Simula nung nawala sya, ang dami kong pinlano kung paano kami dapat muling magkikita, kung pano dapat ako mag-rereact sa harap nya... yung tipong isasampal ko sa kanya yung mga salitang "DO I KNOW YOU!?" Pero ngayon, wala akong magawa. Natulala ako, parang estatwa. Walang magawa kundi titigan ang mukha ng taong matagal na nawala, matagal kong hinanap.
Tahimik. Natahimik ang mundo ko. Parang wala ako sa airport, parang walang maingay na eroplano ang naglalanding. Kami lang dalawa.
I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and everytime our love collapsed.
Statue, stuck staring right at you,
So when I'm lost for words,
Everytime I disappoint you,
It's just cause I can't believe,
That you're so beautiful. (Stuck like a statue)
Don't wanna lose you, no. (Stuck like a statue)
"Hoy! Zara! Andy! Natulala na kayo jan! Wala kayong planong umuwi!? Nako nga naman oh. Masyadong nabighani sa looks ng isa't-isa. Baka mamaya sa titigan nyong yan eh matunaw kayong dalawa ha!"
Ngumiti lang si Andrew. Yung ngiti nya. Yung ngiting miss na miss ko na.... yung ngiting yun na kaya akong pasayahin kahit na ano pang problema ang kinakaharap ko.
"Nagu-"
Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Natatakot ako nab aka kung anu pang masabi nya na makakagulo lang sa sistema ko. Nakalimutan ko na sya. Hindi ko na sya kilala pa.
"Tu-Tungangers ka talaga Brix! Haha! S'ya ba yung kaibigan mo? Nice meeting you, Andy! Zara Yonah Xyril Saito nga pala. Bestfriend ni Brix." pinilit kong ngumiti. Kelangan hindi ako mapahiya. Kailangan ibang SaiSai na ang nasa harap nya ngayon. Yung matapang, yung matatag, yung SaiSai na nakalimutan na kung paano mahalin ang isang tulad nya.
"N-Nice meeting you."
Inaabot nya yung kamay nya sakin. Pero nginitian ko lang sya. Yung ngiti na sinusubukang itago yung lahat nung sakit. Ngiti na may kasamang luha.
Pero hindi ko na kinaya. Naramdaman ko na basa na yung pisngi ko kaya sumakay na ko sa car ni Brix.
"Sorry Andy! *hik* Dalagang Pilipina ako! No touch. JOKE! *hik!"
Pag sakay nya sa sasakyan, pumikit na lang ako... itutulog ko na lang 'to. Alam kong imposible pero pinagdadasal ko na sana, panaginip lang lahat ng ito.
~Tenenenenenen!~
1 new Message: Jeric Bakulaw 2:30 p.m
Hoy! Ms. Bakulaw! Sa susunod ikaw naman magluto para sakin. Masarap ba ang pagkaing hinanda KO? Galing KO magluto no?
Late receiver pa pala ako. Malapit na din ako mag-lobat kaya naisip ko na lang na makitext kay Brix.
"Brix! Peram ng phone mo? Patext ako?" pinilit kong wag pansinin at alalahanin na kasama ko ngayon sa iisang sasakyan ang lalaking nag-iwan ng matinding sugat sa puso ko. (A/N: Haha! SO VERYVERY DEEP!)
"Oh! Naka-unli call yan."
Yuuuun! Tamang-tama! Tinatamad akong pumindot eh. Haha!
09xxxxxxxxx dialing....
"Hello Jeric! It's me, SaiSai."
"Kaninong number 'to my darling Bakulaw?"
DARLING! Haha! Lakas tama din to. Nakakawala ng lungkot. Sasakyan ko na lang trip nya. Hmp! Haha!
"Hmm? Sa Friend ko, si Brix. Hmm? Baby, Sorry hindi ako agad naka-reply, LR kasi ehh tsaka diba na-lobat ako kanina?"
"Baby! Hahahaha! Babe, ok lang yun. Nasan ka ba ngayon? Bakit parang may party jan?"
"Brix! Paki-patay nga nyang stereo mo! Kita ng may kausap ako ehhh. Ehhh Baby, nasa car ako nung friend ko, may sinundo kaming friend nya na galing London. New friend for me." Wala akong lakas ng loob para sumulyap kay Drew pero alam kong nakatingin sya sakin. Bakit? Bakiiiiiit? :/
"Hahaha! May kasama kang lalaki jan no? Pinagseselos mo? Ako pa naisip mong gamitin Bakulaw ha! Hahaha! Lakas tama ka din!"
Nako naman tong si Jeric! Hindi pa nakisakay na lang. Hmp! Maibaba na nga to! Tutal malapit na din kami sa bahay ehhh.
"Hmp! Sige na Baby. Bbye na. Text na lang kita pag naka-uwi na ko. I miss you na. Love You so much!"
"Wuuuuuu! Totoo ba yan? Hahahaha! Mauutas na ko dito. Kiss ko muna Bakulaw!?"
"Nako naman Baby! Kiss pa gusto. Tomorrow na lang... magkikita naman tayo sa school eh."
"Nako. Oo. Ipagluluto mo ko ng lunch. Gusto ko ikaw magluluto ha!"
"Ok Baby, I'll prepare our lunch tomorrow. Bye."
Inaabot ko kay Brix yung phone nya pero si Drew yung kumuha.
"Zara! Kelan ka pa natutong magluto! Hahahaha! Baka malason naman yung kausap mo kanina ha!"
"Manahimik ka na lang Brix! Pwede ba! Mahal ako nun. Kahit Hotdog and Egg lang i-prepare ko, masaya na yun! HIndi ako iiwan nun. HIndi nya ako iiwan basta-basta ng walang pasabi man lang. Hindi nya ako sasaktan at paiiyakin. Kahit kailan."
Na-carried away ako ng pagtataray ko kay Brix. Sana hindi ko na lang sinabi yun. Kasi...
"Hindi naman siguro aalis ang isang tao kung wala syang dahilan Sai. Este Zara. Maybe ngayon hindi mo pa alam but soon, you will."
Natigilan ako. Napatitig na lang ako kay Drew. Reason? May reason sya? Kung meron man, ayoko na malaman pa. What for diba? Eh nakalimutan ko na nga sya.
"Hahaha! Ikaw naman Andy! Ang layo sa usapan nung sinabi mo ehh."
"Ala-."
Tumigil yung sasakyan. Andito na pala kami sa bahay.
Saved by the bell ako.
" Haaaay! Kapagod mag-drive! Grabeng traffic sa EDSA! Uy! Andy. Pasok na ko sa loob Dude. Kay manang mo na ipakuha yang gamit mo. Ok? Check ko lang room mo. Pasok ka na din! Feel at Home Dude."
pumasok na si Brix sa loob, kami na lang ni Drew ang naiwan sa labas.
Nakakakaba. Yung puso ko ang sarap itapon. Ang bilis ng tibok nito pero hindi ko maintindihan kung bakit. Kung para saan.
Tumalikod ako sa kanya. Naglakad na ko papunta sa bahay namin.
Pero naramdaman ko na lang na nasa likod ko sya.
"Sai. Babe. Let's talk. Please."
"Babe? Talk? Para saan? Kilala ba kita? Ngayon pa lang kita nakilala diba?"
"Please? Parang awa mo na. Bakit kailangan mong gawin lahat ng 'to? Bakit kailangan mong umaktong parang hindi mo ako kilala. Babe. Please? Let's talk."
Bakit kelangan mo akong iwan at saktan Babe?
"Hindi ako umaarteng hindi kita kilala. Hindi naman talaga kilala diba? Do I know you? Ang alam ko lang ikaw si Andy na nakilala ni Brix sa London. And one more thing, I'm not your Babe. Kung nakilala man kita noon. I totally forgot everything about you. Sorry."
Tumalikod na ko sa kanya. Ang tapang ko. For the first time in my life, naging matapang ako. Nanlalambot na ang mga binti ko. Gusto kong matunaw. Maglaho na lang bigla. Sa unang hakbang ko palayo sa kanya, hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng luha ko.

BINABASA MO ANG
I will forget you...
Genç KurguPaano ba makalimot? Makakalimutan din kita. Makakalimutan ko din na minsan, may nakilala akong Drew na pinadanas sakin ang sakit na kailanman ay hindi ko na nanaising maramdaman pang muli. Ang sakit na dulot ng pagmamahal. Pagmamahal ng wagas. Pero...