Bad trip pa din ako dahil napahiya ako kahapon.
Sorry ha! Tao lang! Kinikilig din. -______-
Dati lunch break lang ang iniintay kong oras dito sa school, pero ngayon parang mas gusto ko pang makinig sa Psychology Professor namin.
"Class Dismissed"
"Huuuuuuy! SaiSai! Lunch na! Tara naaaaa! Saan tayo kakain ngayon? Hmmmm? Gusto ko ng Milk tea! Daan tayo sa Moon Leaf ha!"
(A/N: Masarap po sa Moon Leaf! Milk Tea pa lang, puputok na ang tyan mo sa sobrang busog. :)) Yung Nata at pudding! Superb! haha!)
"Ehhh. Leshe ka Jemai! Tinulugan mo ako kagabi! Ayan! Mag-lunch ka mag-isa mo! Sabay kami ni Jeric ngayon. Nagpapalibre ang Bruho."
"Ayyy. Sige na nga. Let's go na."
ABA! Deadma ang pagdadrama ko!!!!!!!!!!! Nako. Pustahan tayo, Buffering pa po ang utak ng kaibigan ko. =))
Habang pababa kami ng Building namin.
"AY ANAK NG TINAPA SA PALABOK! Sabay kayo ni Papa JEric mag-lulunch!? Totoo!? As In J-E-R-I-C!?"
Parang baliw si Jemai na nagtititili sa may hagdan. Pinagtitinginan na sya ng mga tao. Grabe! Nakakahiya na to.
"Hooooy! Hindi kita kilala ha! Kaya wag mo kong kausapin." tapos tinakbuhan ko sya, dali-dali akong lumabas ng building at nun ko lang narealize na isang napakalaking pagkakamali yung ginawa ko.
"Psssst! Babaeng mahilig sa Bakulaw!"
Ayan na nga po ba ang sinasabi ko ehh. -_______-
Nag-pretend ako na walang naririnig at pumasok na ulit sa building namin.
Wahihihihi! Success! Di sya makakapasok dito since Engineering student sya.
kelangan kasing i-swipe ang ID bago pumasok ehh tsaka strict si Manong guard.
Maghihintay na lang ako sa loob ng building. For sure mamaya, wala na sya dun...
After 30 mins.
Si Jemai hindi pa din bumababa. Sabagay, baka sa ibang exit dumaan.
Bruuuuuu~
Ok. Nagwawala na po lahat ng worms ko sa tyan. -_______-
Siguro naman wala na sya dun....
Kaya TADAAAAAAAAA! Lumabas na ko ng building namin. Gutom na talaga ako ehh.
Chineck ko muna ang paligid kung walang Bakulaw.
Tsek! Waley na syaaa! Hoho! Nainip din siguro.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
STOP!
Parang may sumusunod sakin ah...
Lumingon ako sa likod ko. Hmmmm.
Malamang madaming tao! Hahaha! Paranoid nga naman oh.
Napatigil ako sa may Tokyo Tokyo. Gusto ko ng Tonkatsu. Hmmm. Yum! Yum! Wahehe!
Bubuksan ko na sana yung door ng Tokyo Tokyo ng may lalaking humawak sa kamay ko.
(-_____-) ako
(^^) <-- yung guy.
\(OoO)/ AKO!
Patay.
SI JERIC.
"Balak mo ba talaga akong gutumin ha!? At sinong nagsabi sayo sa jan tayo kakain!?"
"E- Ehh. Sorry ha. Nakalimutan ko kasi ehh."
"Wala ng mararating yang sorry mo. Nagutom na ko. Halika na."
At hinila nya ko.
Ang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Di tuloy ako makapalag. T.T
Pumasok kami sa Botanical Garden...
"Akala ko ba gutom ka na? Bakit dito tayo?" Wala naman kasing kainan dun, pwede lang kumain dun pag may baon.
Hindi nya ko sinagot. Hmp! Sungit naman. Di pa naman kami close eeh. (_ _)
O.O
Waaaaaaw!
Magpipicnic kami ditooooo! Waaaaaaaaaaaaaah! XD
"Wag kang masyadong matuwa jan. Pambawi ko lang yan kasi Ano... Basta! Kain na tayo! Buset naman kasi gutom na talaga ako."
Suuus! Tong lalaking to! Magpapakain na lang nagmumura pa.
Pero ang sweet nya haaaa! :")
Madami syang dinalang pagkain,
may egg rolls, Maki, Tacos, Tonkatsu...
habang kumakain kami... Nakalimutan ko na ang salitang HIYA. Gutom na ko ehh!
Kain.
Kain.
Kain.
"Hoy, magdahan-dahan ka naman! grabe. Ang kalat mong kumain, may dumi ka pa sa mukha oh."
"Halaaa. Saan?"Tapos pinunasan ko yung magkabilang pisngi ko.
"Hindi jan! Dito oh. Grabe ka talaga, pano napunta jan sa ilong mo ang mayonnaise?" tapos pinunasan nya yung dulo ng ilong ko.
Waaaaaaaah! Bakit ganun!? Parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko sa sobrang kiliiiiiiiiig. ^^,
"tenenenenenenen!
Brix
calling... "
"Hello Brix? Oh Bakit?"
"Ehh Zara, Sama ka sakin sa airport mamaya?"
"Bakit? Uuwi ba sina Tita?"
"Hindi. Susunduin ko si ... Toot Toot Toot!"
Anak ng Tinapa naman ohhh! Nalobat pa! Errrbs.
-------------------------
Sino kaya ang susunduin nina Brix at SaiSai? Hmmmm? hehe! Keep reading! :)
BINABASA MO ANG
I will forget you...
Roman pour AdolescentsPaano ba makalimot? Makakalimutan din kita. Makakalimutan ko din na minsan, may nakilala akong Drew na pinadanas sakin ang sakit na kailanman ay hindi ko na nanaising maramdaman pang muli. Ang sakit na dulot ng pagmamahal. Pagmamahal ng wagas. Pero...