Chapter 1 - Partners in Crime (part1)

25 1 0
                                    

--Someone's Point of View--


Habang nakaupo ako sa bubong ng isang bahay.

"Hay nako, bakit ang hirap hanapin ng taong to?!" Sabi ko sa sarili ko.

"Hello Jade, do you copy? Saan ba makikita at ano ang mga information ng target? " Salita ko sa partner ko.

"Yes Zeke (short for Ezekiel), I copy you. Siya si Nathan Grayson, 34 years old, siya ang boss ng big time underground drug business. Makikita mo siya sa Morris Bldg. Room 247." Sagot sakin ng maldita kong partner na si Jade.

--Jade's Background--

Siya ay si Jade Aries Fharlo, ewan ko ba kung san nakuwa ng kanyang magulang ang pangalan na yun. Nakilala ko siya nung kami'y highschool.

Nung una, napakasungit nyan, pero syempre napaamo ko. Nagtulungan kaming mag-aral at makapasa. At hindi nagtagal ay naging mag-bestfriend kami.

Doon ko nalaman na may powers pala siya. Kaya niyang magbasa ng isip at pumatay ng tao habang tulog. Nagagawa niya ito sa pamamagitan ng panaginip.

Limang taon matapos naming makapagtapos ng highschool, si Jade ay naging hacker.

At ako? Well, Assassin na. Parehas kasi namin ayaw ang normal life.

Matapos kong malaman na hacker na siya. Agad kong tinawagan ang malditang to.

Nung una ay ayaw pa niya, maarte kasi, pero napilit ko.

May pinapangalagaan din itong titulo sa pagpatay ng mga tao. Kaya naging mag-partners in crime kami.

--End of Jade's Background--

"Jade, sabi ko sayo Blood at hindi Zeke ang itatawag mo sakin!" Galit na sabi ko kay Jade.

"Yes, ZEKE bwahahahahaha! " Pasigaw na sabi nya sakin.

"Alam mo Jade, mag-uusap tayo, that target can wait." Sabi ko.

Naiinis na ako sayo Jade ah. Pagbalik ko jan. Patay ka sakin.

"Oh ano sasabihin mo Zeke baka pagalitan mo nanaman ako. Alam mo, kaya ka tumatanda eh. Dahil palagi kang galit. Smile ka lang palagi Zeke. Gayahin mo ko always smiling" Pang-asar na sagot ni Jade.

Nakaupo lang ako sa bubong ng bahay na iyon hanggang sa may malakas na kalabog ang nanggulat sakin.

"Langya ano yun?!!" Gulat na sabi ko.

Nung pagsilip ko sa baba may nakita na lang akong mag-asawa na nagpupukulan ng mga gamit.

"Ayun lang pala, kala ko may gera na." Sabi ko sa sarili ko.

Bigla ko na lang narinig si Jade na tumatawa. "Oh? Ano nakakatawa?"

"Wala wala, para ka lang tanga. Kasi kinakausap mo sarili mo. Hehehehe" Ang sabi niya.

"Oo na, tanga na. Pasalamat ka na lang kasi nababasa mo isip ng mga tao at hindi pa kita pinapatay." Sagot ko naman.

"Tumigil ka na nga Zeke baka unahan kita sa pagtulog mo hahahahaha. At alam naman nating pareho na hindi ka rin normal na tao." Sabi ni Jade.

Oo nga pala. Nakalimutan ko, may powers din nga pala ako. May kakayahan akong kontrahin ang kapangyarihan ni Jade at sobrang linaw ng mata ko. Kaya kong ma-identify ang target ko kahit 1 kilometro ang layo, isa pang kapangyarihan ko ang magregenerate ng mga parte ng aking katawan at hindi makaramdam ng sakit. Kaya di ako basta bastang mapapatay.

"Whahahaha simulan mo na magtraining Jade. 12 wins na ako at ikaw 8 pa lang." Pagmamayabang na sabi ko sa kanya.

"Parang apat lang na panalo ang lamang mo sakin. Wag kang mag-mayabang, nagpapatalo talaga ako." Inis na sabi niya.

Bigla kong naalala yung target ko. "Mamaya na nga Jade, may assassination pa akong pupuntahan. Blood out. Patay ka sakin mamaya!"

"Sige sige Zeke. Magte-training na ko"

"Transmission Signal Lost." Sabi nung transmitter.

"Okay it's time to party. I mean to do the job." Patawang sabi ko sa sarili ko.

End of Chapter 1 - Partners in Crime (part1)

Tapos na ang chapter 1. Sorry kung maikli. I'll make better chapters in the future. Hope you like it.


Night Angel: Silent AssassinWhere stories live. Discover now