Chapter 8 - Late Comer

9 0 0
                                    


--Titus' Point of View--

"BAKIT BUGBOG AT WALANG MALAY SINA JADE AT ZEKE?! AT SINO TONG BABAENG NAKAHOODIE NA WALA DING MALAY?!" Litong litong sigaw ko...

Inuna ko si Jade na tulungan. Dahil magulo ang sala, binuhat ko siya papunta sa kaniyang kwarto at doon ko siya hiniga.

"The fuck?! Ang bigat pala ni Jade." Nasabi ko nang maihiga ko siya sa kama.

Sinunod ko naman si Zeke na bugbog sarado at wala ding malay.

Inihiga ko din siya sa kaniyang kwarto.

"Eto namang isang to ang gaan." Sabi ko nang maihiga ko si Zeke.

*Creeeeek*

Narinig kong may tumunog sa sala kaya dali dali ako pumunta.

Nakita ko na nakatayo na ang babaeng naka-hoodie na nakahiga kanina at walang malay.

Nagtutulog-tulugan lang siguro siya para di ko mapansin.

"Teka Ms. wag ka munang umalis!" At sabay hawak sa wrist niya.

"Bitawan mo ko Titus!" Sigaw niya at sabay lingon sa akin.

Napaatras ako sa gulat. "A-Akemi?!" Nagulat ako nang makita ko ang mukhang hindi ko nasilayan ng mahabang panahon.

"Akemi! Anong ginawa mo kay Zeke at kay Jade?!" Nasabi ko ito habang gulat na gulat.

"Mali ang iyong akal-" Bago pa man niya masabi ito ng tuluyan ay bigla siyang nahimatay at bumagsak.

"Akemi!!" Gulat na sabi ko at sinalo siya ng dalawa kong kamay.

Binuhat ko siya papunta sa aking kwarto at inihiga ko sa higaan.

"This day is really weird." Nasabi ko na lang habang iniisip ang mga pangyayari.

Ano kaya ang mga nangyari? Dapat pala di na lang ako umalis.

-About 2 hours ago-

--Zeke's Point of View--

"Anong oras na ah. Wala pa rin si Titus?" Nag-aalalang sabi ko.

"Ano ba?! Ang laki ng katawan ng kaibigan mong yun. Tapos nag-aalala ka sa kaniya." Sabat niya pero bakas sa mata niya ang pag-aalala.

"Weeeh? Ganyan ka nang ganyan pero aminin mo may gusto ka din kay Ti-" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinapak na niya ako.

"Araaay!!" Wala akong nagawa kundi mapasigaw sa gulat, hindi sa sakit.

"Ano? Iisa ka pang lalaki ka?!" Galit na sabi niya habang naka-akmang susuntukin ulit ako.

"Hindi na bez. Pero jusko naman! Nasaktan ako dun!" Reklamo ko at bigla siyang napakunot ng noo.

"Saan? Kasi susuntukin kita ulit?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi. Kasi di mo nilagyan ng gwapo ying lalaki. Whahahaha!" At dahil sa pagsabi ko niyan.

"Araay!" Nasapak ulit ako. Again hindi dahil sa sakit kundi dahil sa gulat kaya ako napa-aray.

"Teka. Shh. Wag kang maingay." Sabi niya at tinakpan ang bibig ko.

"May naririnig ako footsteps sa labas ng bahay." Sabi niya sa akin sa isipan gamit amg telepathy.

"Ahh. Okay, bitawan mo na yung bibig ko kupal." Sabi ko sa kaniya sa isipan kahit wala akong telepathy, dahil ginamit ko ang telepathy niya para makipag-communicate sa kaniya.

At binitawan niya ang bibig ko. Huminga ako nang malalim habang kinukuha ang aking mga weapons.

*BOOOM*

Night Angel: Silent AssassinWhere stories live. Discover now