Chapter 5 - No Honor Governor

7 0 0
                                    

--Jade's P.O.V.--

"Ano ba yan?! Napakaboring ng araw na to!" Sigaw ko habang nagluluto ng pagkain si Zeke.

"Boring? Diba yun yung oras na mahina?" Pabirong sabi ni Zeke.

"Morning yun tanga!!! Wag ka na ngang magjoke, lalo mo kong ginagalit eh!" Galit na sabi ko.

"Nasan na ba yang niluluto mo? In fairness, mabango siya ah." Pagka-impress ko sa luto ni Zeke.

"Eto na oh. Tapos na. Kumain ka na." Sabi niya sa akin.

Ako ay susubo na ng biglang tumunog ang laptop.

*BEEP* *BEEP*

"Uy Jade tignan mo nga yun." Utos sa akin ni Zeke.

"Eh nako! Kumakain ako. Ikaw na." Sabi ko sa kanya ng may pagkamaldita.

"Bahala ka. Pag mission yan wala kang parte." Painis na sabi niya sakin.

"Ayan nanaman siya. Mananakot na kunwari di ako papartehan." Isip isip ko.

"Eto na nga diba. Papunta na oh." Malditang sabi ko sa kanya.

At nakita ko sa screen ay...

From: (Unknown Sender)

      I am offering you 500,000 cash if you succesfully assassinate Governor Bisum. He is located at Area Hinley. He is a ruthless and corrupt governer.

"Oy Zeke. Tignan mo to." Sabi ko habang hinihila si Zeke papunta sa laptop.

"Ano tatanggapin mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit hindi? Malaki din ang 500,000 ah." Kampanteng sagot niya sakin habang inaayos ang kanyang gamit.

"Che! Ganyan ganyan ka pa. Milyon milyon na ang kinikita mo eh." Pagtataray ko sa kaniya.

"Sorna bes. Oh siya alis na ko ahh. Ingat ka diyan." Sabi niya sakin habang papaalis na.

"Sige. Ingat you." Pagpapaalala ko sa kaniya.

--Blood's P.O.V.--

-Two Hours Later-

Okay nandito na ko sa Area Hinley. Next ay pupunta na ako sa Governor Hall.

"Shet!! It's 5:00 in the afternoon na pala! I gotta do this quick." Gulat na sabi ko.

Nandito na ko sa Governor Hall.

Siguro naman ay nandito pa si Bisum?

May nakita akong guard at tinanong siya. Total ay di pa niya naman alam na assassin ako.

"Uhm. Sir? Nandiyan po ba si Gov. Bisum?" Tanong ko sa guard.

"Ah oo. Nandito pa siya. Pero maya mayang 6:00 ay aalis na siya upang umuwi." Sagot sa akin ng guard.

Yes! May oras pa ko. Bwahahaha.

Pumasok ako sa loob ng Governor Hall at nilibot ang buong Hall.

Nasaan tong Gov. Na to?

Ng biglang.....

*ATTENTION: AN ASSASSIN IS IN THE BUILDING*

*ATTENTION: AN ASSASSIN IS IN THE BUILDING*

Uh oh. Patay na. Double time na.

Nakita ko ang mga police at guards na nagmamadaling pumasok. Kaya pumanik ako sa second floor.

Nang nandito na ko. May nakita akong babaeng nakahoodie.

"Akemi? Ikaw ba yan?" Tanong ko sa babae.

Night Angel: Silent AssassinWhere stories live. Discover now