Chalter 7 - Past Time

13 0 0
                                    

--Titus' Point of View--

Kakagising ko lang. Inaantok pa ko. Madilim dilim pa. Tumingin ako sa orasan at nakita ko 6:15am.

"Ano banaman. Di na ako makakatulog nito." Sabay bangon ko at nag-luto ng almusal.

Pinuntahan ko si Zeke sa kaniyang kwarto.

As usual. Same scene.

Naka-bukaka na nakanganga pa with matching waterfalls ng laway.

"Hahahaha." Natawa na lang ako bigla sa naisip ko. Sabay silip din sa kwarto ni Jade.

Buti pa 'tong babaeng to.

Masinop..

Hindi magulo matulog, hindi katulad ni Zeke hehehe...

At mukhang angel..... Pag-tulog.

Hindi katulad nang ka-room mate ko dati.

Napakaburara at tamad pa. Saka ang gulo matulog.

"Okay. Let's start the day." Sabay punta sa labas para mag-jogging.

Pagkalabas ko bahay namin ay sumalubong sa akin ang isang magandang gubat. "Woah, di ako magsasawang tignan ito." Nasabi ko dahil namangha ako.

At nagjogging na.

Umikot ako sa buong bayan.

At sa isang looban ay may nakita akong sign.

"Free Food Just Win A Fight!"

"Hmm... Pwede to. Babalikan kita mamaya. Hehehe." At sabay uwi na ako.

Dun ko naabutang nag-aalmusal sila Zeke at Jade.

"Yo, Zeke. Goodmorning." At kinawayan ko siya.

"Morning." Pagtugon niya sa akin. "Kumain ka na ba?" Dagdag niya pa.

"Oo kanina pa. It's a good day but your hair is not good men." Pang-iinis ko sa kaniya.

At natawa si Jade.

"Hahahaha. That's a good insult, Titus." Papuri niya sa akin. "BTW what's your buong pangalan?" At sabay alok sa akin ng tinapay.

Kinuha ko ito. "Titus Edwards ang buo kong pangalan. But you can call me Titus, Ms.Jade hehehe. Your full name?" Pagpapakilala ko at pagtatanong na din. Habang kinakain ang tinapay.

"Oh, Jade, Jade Aries Fharlo." Ngumiti siya sabay kindat sa akin.

"Nayss Aries. Yung zodiac yan ah." Nacurius ako kaya tinanong ko. Kinindatan ko din siya pabalik.

"Oo. Mahabang istorya. Mas mabuting wag mo nang malaman." At bigla siyang nagtaray.

"Oh, okay. Oo nga pala Zeke. Ako na bahapa sa pagkain natin mamaya ah." Nilingon ko si Zeke at nakita ko siyang...

"Wow. Nakatanga na, nakanganga pa. Hahahahaha." Tumawa ako ng malakas. Narinig ko din si Jade na tumawa. At pati si Zeke na nakatunganga ay tumawa din.

"Langya ka Titus ah. Oo, sige, ikaw na bahala." Sabi niya at tinuloy na yung pagtanga este pagnguya.

"Gesi, alis muna ako ah." Nagpaalam ako baka kasi mag-alala sa akin si Jade este yung dalawa pala.

"Eh san ka pupunta Titus?" Tanong ni Jade na medyo nakapout.

"Oy tigilan mo nga yan. Ang cute mo sa ganyan." Sabay alis ng mata sa kanya.

"Eh? Okay? Sige na alis ka na." Pag-susungit nita at inirapan ako.

"Uy joke lang. Kukuwa ng pagkain syempre." Sabay labas na.

Night Angel: Silent AssassinWhere stories live. Discover now