Chapter 1: ExpectationsSATURDAY
"Gumising ka na girl!"
Gumulong ako nang gumulong sa higaan. Hanggang sa di ko na matiis ang pagtapik sakin. "Ano ba! Wala pa akong matinong tulog!" Reklamo ko sa kung sino man 'tong nanggagambala sakin.
Dinilat ko nang bahagya ang mata ko at sumilip. Si Jessie lang pala. Pinikit ko ulit ang mata ko.
"Aba! Tandaan mo na ngayon kayo magkikita ng ermats at erpats mo! Ikaw rin ang nagsabing gisingin kita ngayon!" Yinugyog nya ulit ang mga balikat ko. "Kaya bangon na bago mo pa ako i-teggybells kapag late ka sa date nyo ng parents mo!" Sigaw nya sakin pabalik.
"Sige na nga! Umalis ka na at babangon na ako after 5 minutes!" Naiiritang tugon ko sakanya.
"Dalian mo. Naghihintay na ang pagkain sa baba!" Pasigaw ulit na sabi ni Jessie habang palabas na sa pintuan ng kwarto ko.
Pagkatapos kong gumulong-gulong ay bumangon na ako at nagsimulang maligo.
I'm Shinize Orquiza. 4th year college student this coming school year. My parents are rich but I'm not. Hindi ako umaasa sa mga natatanggap ko sa mga magulang ko kaya nagsarili na ako at tumira sa apartment. Nagtra-trabaho rin ako sa isang coffee shop para kumita ng pera kahit papano. Dito ako nakatira ngayon sa apartment namin. Yes, namin. I'm living with my roommate. At buti nga pumayag sila Mom sa gantong set-up kasi hindi naman talaga sila sang-ayon sa idea ng pamumukod ko. But anyway, pinayagan rin nila ako in the end at sila pa nga ang pumili ng apartment ko.
And about that thing? Psss... Mas gugustuhin ko pa ang magbasa ng love stories at doon kiligin kaysa sa totoong buhay.
And another thing, I have a limited supply of trust. Ang pamilya at kaibigan ko lang ang mga natatanging pinagkakatiwalaan ko.
Tungkol naman sa mga kaibigan ko, tatlo lang sila na kinoconsider ko as true at isa na dun si Jessie at yung kasama ko talaga sa apartment. Mapili ako sa kaibigan.
Inayos ko na ang suot ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. Black and white dress. Naglagay lang ako ng lip balm. Bumaba na agad ako at nadatnan ko naman si Jessie na kakasimula palang kumain. Kaya nung mapansin nya ako ay inalok nya agad akong kumain at sumunod naman ako.
"Asan na ba si Jamie? Wala pa ba syang balak na umuwi?" Tanong ko.
"Ewan ko ba dun. Hayaan mo na. Dun masaya eh."
"Ewan ko lang ha, pero sa tingin ko niloloko lang sya nyan."
"Anong magagawa? Dyan masaya eh, kung masaktan edi masaktan. At least aminado syang ginusto nya yun."
"Psss"
"Chorva chorva! Pero hindi talaga maiiwasan ang ganyan."
"Alam ko. Ikaw ba? Wala ka bang gf?" Tanong ko kay Jessie.
"Ano? Pinagsasasabi mo dyan? Gf-gf mo mukha mo. Isn't it obvious that I'm a gay?"
"Oo nga po! Gf means gay friend."
"Tseh! Kumain ka nalang dyan at anong oras na 'te!"
BINABASA MO ANG
Complete Opposites: The Bittersweet Incipience
Teen FictionMarch 15, 2010 Ang saya... Ang saya-saya maging in love. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sya. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon na pwede kong isulat pero hindi. Ang masasabi ko lang talaga... Mahal na mahal ko sya. Acknowledgement: ...