Chapter 7: ConfusedShinize's POV
"BWAHAHAHAHAHA!"
Namula ang mga pisngi nya at saka nag-iwas ng tingin.
Sa huli ay hinayaan nya na rin akong umalis.
Nag-drive na sya palayo sa gawi ko nang maalala ko ang ginawa nya.
F L A S H B A C K
Papalabas na ako ng sasakyan nya nang hawakan nya ang braso ko.
"Oh?" Tanong ko.
"Uhmmm.. sorry for reading your messages."
"Ah, wala yun. Tsaka nabasa mo naman na eh. Ano pa ba ang magagawa ko?"
"Salamat, pasensya na talaga..." Pabitin nya sa sasabihin nya.
"By the way, I like your hair ang your outfit. It suits you perfectly." Sinabi nya yun habang nakangiti.
Tinanguan ko nalang sya at saka ko in-unlock yung pinto sa kotse nya.
Pero hinawakan nya nanaman ang braso ko at unti-unti syang lumapit.
Papalapit hanggang sa may bandang pisngi ko.
Pero nagitla ako nang sa huli ay...
Nakipagfist-bump sya.
E N D O F F L A S H B A C K
Hanggang sa pagpasok sa coffee shop ay naaalala ko parin yung nangyari. Nilapitan ako ni Toppher at saka sya nagsalita.
"Sino yung naghatid sayo?" Tanong nya.
"Si Sebastian of under the sea." Humahagikgik na sabi ko.
"Huh? Sino yun?"
"Yung crab na parang assistant ni Ariel!" Sabi ko saka humalakhak.
Sa halip na tanungin ako ay tumalikod nalang sya at saka naglakad papunta sa counter.
Ahahahaha! Napikon ko nanaman sa jokes ko.
Wala na akong nagawa kaya't dumeretso na ako sa staff room at saka nagpalit ng uniform.
Pagkalabas ko ay agad na akong nagtrabaho.
*
Dumating ang oras kaya't nakipagpalit na ako sa server para ako naman ang magserve.
Pagkatapos kong makipagpalit ay nakipagpalit narin si Toppher para maging server narin.
Dito kasi sa coffee shop ay apat lang ang nagro-round para magserve at mag-take ng orders. Dalawa ang servers at dalawa rin ang mga nasa counter. Kaya kapag umabot na ng mga two hours nagpapalit kaming mga servers at mga nasa counters. Since hindi naman ganoon kalaki ang coffee shop, apat lang kaming staffs per shift namin.
Busy ako sa pagse-serve nang makita ko ang isang lalaki.
Pamilyar ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
Complete Opposites: The Bittersweet Incipience
Teen FictionMarch 15, 2010 Ang saya... Ang saya-saya maging in love. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sya. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon na pwede kong isulat pero hindi. Ang masasabi ko lang talaga... Mahal na mahal ko sya. Acknowledgement: ...