Chapter 4: SurprisesShinize's POV
K I N A B U K A S A N
MONDAY
Pagkagising ko ay agad na akong naligo at saka nagpalit ng damit.
Pagkababa ko ay bumungad sakin ang masarap na luto ni Jamie na chicken nuggets with fried rice.
"Ang aga mo ngayon, roomie."
"May shift ako ngayon sa coffee shop, remember?"
"Oo nga pala, sige na kain na tayo."
Habang kumakain ay nag-ring si Maris at saka ko ito sinagot kahit na unknown number ang nakalagay.
"Hello Shinize, this is me Nathan."
Napatigil ako sa pagkain at saka ako nagsalita.
"Hi Nathan! Akala ko hindi ka na magpaparamdam eh!"
"Pwede ba naman yun? Syempre hindi. Di na kita natawagan kahapon, nakatulog narin agad ako sa'min eh."
Hays, naalala ko nanaman yung kaganapan kagabi. Ang galing naman kasi ng timing netong si mokong.
"Oo nga eh! Oh ano nga pala meron at napatawag ka?"
"Wala lang naman, mangangamusta lang at saka magpaparamdam. Sige na ibaba ko muna 'to Shinize ah? Baka nakakaistorbo ako."
"Ay hindi, sige lang Nathan. Bye!"
"Bye!"
Saka ko binaba at napansin ko na nakatitig sakin si Jamie.
"Oh, inaano kita?" Tanong ko sakanya.
"Ayieee! Dalawa na ang boylet mo, roomie!"
"Tigilan mo nga ako, interesado ka lang kay Nathan eh."
Bago pa ang lahat ay pinalitan ko na ang contact name ni Nathan at saka ko ito sinave kay Maris.
Saka ko sinimulan muli ang pagkain.
Pagkatapos ko ay nagpaalam ako kay Jamie dahil late na ako at hindi na ako makakapaghugas ng pinggan.
Pagkalabas ko ay naglakad na ako papuntang coffee shop na walking distance lang naman sa apartment namin ni Jamie.
Pagkapasok ko ay bumungad sakin ang mukha ni Christoppher, sya yung kaisa-isang kaibigan kong lalaki na straight.
"Uy! Shinize! Goodmorning! Bakit wala ka nung Saturday? Ang dami pa namang customers no'n." Panimulang bati ni Toppher.
"Goodmorning din, may date kasi ako nung araw na yun eh."
Natahimik sya saglit kaya pumasok na ako ng counter at saka pumasok sa staff room. Nagpalit na ako ng uniform at saka lumabas para magtrabaho.
Habang nagte-take ng order ay naramdaman kong nagvibrate si Maris. Hindi ko muna ito pinansin dahil may pinagkukuhanan pa ako ng order.
BINABASA MO ANG
Complete Opposites: The Bittersweet Incipience
Teen FictionMarch 15, 2010 Ang saya... Ang saya-saya maging in love. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sya. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon na pwede kong isulat pero hindi. Ang masasabi ko lang talaga... Mahal na mahal ko sya. Acknowledgement: ...