Chapter 6: MoodyShinize's POV
Nagda-drive si shokoy habang nakapirmi ako sa passenger's seat.
Dahil wala akong magawa at kasalanan naman ni mokong kung bakit ako napadpad sa shotgun seat ay naisipan kong pagtripan sya.
Sinapak ko sya sa balikat nang hindi gaano kalakas at pinagkrus ang aking dalawang braso na para bang mataray na artista sa isang teleserye.
"Ano ba? Nagda-drive ako oh!" Sabi nya sakin habang nakatingin parin sa daanan.
Sinuot ko ang aking pinakang-inosenteng mukha at saka sinabing....
"Hindi ako 'yun!" With matching pacute effect pa 'yan!
Nagulat naman ako nang bigla nyang itigil ang sasakyan kaya muntik na akong maduwal dahil sa lakas ng impact no'n.
Bago ako magsalita ay tinignan ko muna sya. At kung ano yung sasabihin ko sana ay biglang naurong dahil sa itsura ng mukha nya.
Mukha syang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko kanina.
Tinitigan nya ako kaya tumitig rin ako.
Maya-maya lang ay napapikit sya kaya...
Sebastian's POV
Wengya. Pinagtri-tripan ako ng babaeng 'to.
"Bwahahahaha! I deserve a prize!" Sabi ni Shinize.
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Are you insane? Hindi kita gets!" Sabi ko sakanya.
"Alam mo, ikaw, ang slow mo. As in super duper mega ultra boom-boom slow!" Sabi nya naman sakin.
"Ano nga kasi 'yon?" Tanong ko.
"Tch, don't start a game if you don't know how to play." Sabi nya.
"Ano nga kas--"
"Kanina kasi ay tumitig ka kaya tumitig din ako pabalik. Kaya noong pumikit ka ay talo ka na. Staring Contest is the name of the game in case you don't know." Sabi nya.
.
.
.
.
.Wow, grabe wow talaga.
Hindi ko inexpect na ganoon sya.
Baliw na 'tong babae na 'to.
Positive na baliw na 'to.
Naging akward ang atmosphere.
Maya-maya lang ay sumimangot sya sakin.
"Now that I've explained, please give me my prize." Sabi nya 'yan habang binalik ang ngiti nya with twinkling eyes.
Buti nalang maganda 'to. Kung hindi, baka mas mauna akong mabaliw kaysa sa kabaliwan nito.
Kaya binale-wala ko nalang ang kabaliwan nya.
Jamie's POV
BINABASA MO ANG
Complete Opposites: The Bittersweet Incipience
Teen FictionMarch 15, 2010 Ang saya... Ang saya-saya maging in love. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sya. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon na pwede kong isulat pero hindi. Ang masasabi ko lang talaga... Mahal na mahal ko sya. Acknowledgement: ...