Chapter 3: Caller ChaosOh my!
I'M SO PRETTY AND I'M GONNA DIE! SINASABI NA NGA BA'T MERON AKONG MGA KAKILALANG MAY LIHIM NA PAGTINGIN SAKIN EH!
Habang ine-express ko ang feelings ko ay napapatalon pa ako ng bahagya dahil sa kilig.
"Bakit ka sumasayaw?" Tanong nung caller.
"Hi stalker." Sabi ko na nakangiti pa nang malapad.
"Ako 'to, Shinize! Si Sebastian 'to!"
Napatigil ako sa pagngiti at saka tumalikod at nakita ko naman si Sebastian na nasa labas ng kotse nya at may hawak na phone.
"Bakit bawal ba magjoke?" Palusot ko.
"Saka mo sasabihing nagjojoke ka pagkatapos kitang mahuling kiligin?"
"Ay wag mo akong ginaganyan! Sige nga, paano mo nakuha 'tong number ko na 'to? Diba meron kang number ko no'ng isa ko pang phone? Osige pano?"
"Ikaw lang naman kasi 'tong binibigay at sinisigaw nang buong-buo ang number mo sa ibang tao. Kakakilala mo palang, bibigay mo na agad number mo?"
"STALKER KA!"
"Ayan sige pa, isabat mo na lahat ng maisasabat mo. Tapos kapag ako naman ang nang-asar sa'yo, you'll look like a melted ice."
Binaba ko na ang tawag nya at saka nagsisi-sigaw.
"STALKER KA!"
Tumawa sya, "Nevermind, ano tara na?" Tanong nya.
"Saan?" Tanong ko.
"Ihahatid na kita sa bahay mo."
"Okay" kunwari napipilitan pero sa totoo lang... Yes! Gift 'to ni Lord!
Naglakad na ako papalapit sakanya at saka nya naman ako pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat.
So wala akong stalker? Hays, akala ko pa naman oh. Hey don't get me wrong. Kaya lang ako ganon kasaya sa stalker na caller dahil kakatapos ko palang basahin yung Stalker Caller na book!
Pero itong paghatid-hatid na 'to? Iba na 'to eh! Dahil lang 'to sa kagandahan ko!
Saka ko hinawi ang buhok kong nahuhulog sa pagkakasabit sa tenga ko sabay ngiti nang nakakaloka.
O to the capital M and G! I'm so pretty!
Hawi ulit ng buhok sabay ngiti.
Ehehehehehe, kakaiba na talaga ang mukhang ito.
Sabay turo sa mukha ko at saka tumango-tango pa.
Aher! Isa pa nga
Hawi ng buhok to the right.
And another last one!
Hawi ng buhok to the left.
"Huy!" Sigaw ni Sebastian.
"Ay kabayo! Ano ba kasi!" Pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?"
"Wala naman, magdrive ka na!"
"Saan ba?"
"Diba ikaw nag-aya? Bahala kang magdrive dyan!"
Saka sya lumingon sakin saka nagbigay ng di-ko-malaman-kung-anong-ibig-sabihin-na-tingin.
"Ano?" Tanong ko.
"Paano kita iuuwi sainyo kung hindi ko alam kung saan kita ihahatid? Bakit? Kapag ba inuwi kita sa condo ko, ayos lang sa'yo?" Seryosong tanong nya na para bang nang-aakit.
BINABASA MO ANG
Complete Opposites: The Bittersweet Incipience
Teen FictionMarch 15, 2010 Ang saya... Ang saya-saya maging in love. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sya. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon na pwede kong isulat pero hindi. Ang masasabi ko lang talaga... Mahal na mahal ko sya. Acknowledgement: ...