Chapter 5: DateShinize's POV
Masaya kaming nag-uusap ni Sebastian the monggol nang mag-ring ang cellphone ko.
Tinignan ko ito at nakitang si Nathan ang tumatawag. Kaya agad ko itong sinagot.
"Hello?" Sagot ko.
"Shinize! Asan ka na?" Sagot ni Nathan.
"Bakit?"
"Akala ko wala ka pa sa bahay eh. Anyway, kailan ka ulit free?"
"Bukas ng umaga"
"Sige, sa hapon ba hindi pwede?"
"May shift ako sa hapon eh."
"Sige, sa Orcan Park tayo bukas."
"Saan yun?"
"Sa may Jefferson Street, text ko nalang sayo."
"Sige"
"Salamat naman at pumayag ka."
"Hahaha, basta ikaw."
"Ang lakas ko sayo 'no? Sige na, bye na."
"Bye"
"Bye gandang Shinize!"
"Huh?"
"Ikaw din, dapat magbye ka nang ganun sakin!"
"Ah sige, bye pogi!"
"Kulang pa!"
"Eh? Parehas lang yun ah?"
"Kailangan kasama yung pangalan ko!"
"Sige na nga, bye poging Nathan!"
Saka ko binaba ang phone ko.
Loko talaga 'to.
Napangiti pa ako nang bahagya sa kalokohan ni Nathan. Pagkaharap ko naman kay Sebastian ay bigla na syang nagpaalam.
Hanggang sa pagbaba nya ay nagmamadali sya at parang umiiwas pa. Nung sinundan ko sya sa pinto ay napatalon pa sya nang kaunti dahil sa gulat.
Hanggang sa pagpasok nya sa sasakyan nya ay nagmamadali sya kaya nung lumingon sya ay ngumiti nalang ako saka kumaway.
"Tinopak?" Habang tinitignan ko ang papalayo nyang sasakyan.
Tch, si Jamie nga pala. Titignan ko muna at baka kung ano na ang ginagawa no'n.
Pumasok na ako sa loob at saka umakyat sa taas. Kinatok ko ang pinto ni Jamie at pinapasok nya naman ako. Kaya nung binuksan ko ang pinto nya ay nagulat ako at nagla-laptop na ito.
"Huy! Anyare sa'yo bigla?" Nagtatakang tanong ko.
"Naghahanap ng bagong boylet, roomie." Sabi nya nang nakangiti pa.
Aba! Ibang klase talaga ang babaeng 'to. Walastik!
*
Habang nakahiga sa kama ay napaisip ako na isama si Jamie sa lakad namin bukas ni Nathan. Kaya naman tinext ko agad si Nathan.
Compose message to: Nathan
Nathan, kung sakaling tuloy tayo bukas pwede ko bang isama ang kaibigan ko?
Message sent!
1 message/s received
From: Nathan
BINABASA MO ANG
Complete Opposites: The Bittersweet Incipience
Teen FictionMarch 15, 2010 Ang saya... Ang saya-saya maging in love. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sya. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon na pwede kong isulat pero hindi. Ang masasabi ko lang talaga... Mahal na mahal ko sya. Acknowledgement: ...