Chapter 9: Progress
Shinize's POV
"Kakilala mo?" Tanong sakin ni Toppher
"Ay, ayan yung kinwento ko sayo sa apartment na magiging fiance ko."
"Oh it's him? Wow, he sure is rich." Sabi nya habang tumatango-tango pa.
"Ay wow naman! Yo englishin' me mah nigga huh? Can't undestand yo english mah nigga!"
"Nize..."
"Oh? Bakit?"
"Dudugo ata ilong ko." Inirapan ko sya sa sinabi nya.
"Basta sigurado ako dito!"
"Sigurado kang ano?"
"Sigurado akong maganda ako!"
Hindi na sya kumibo kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagte-take ng orders sa mga dumadating na customers.
No'ng wala na kaming incoming customers, tinignan ko ang paligid.
Ang konti lang ng customers...
Isang babaeng mukhang nage-emote
Dalawang couple sa iisang table
Isang lalaking naka-hoodie
Limang magkakaibigang babae
Dalawang mukhang magbest friend na lalaki
At isang lalaking nakasimangot...
Pss, ang haba ng nguso ng unggoy na 'to. Papaputol ko 'yan kay Joker eh.
I rolled my eyes. Sa sobrang kakaikot ng mga mata ko ay napadpad ulit ang mga mata ko sa unggoy na nakangisi. Nakatitig ito sa akin at labas na labas ang ngipin.
Minutes passed and he's still wearing the same smile.
Nako, di kaya nahaluan ko ng drugs yung kape nitong lalaking 'to?
*
Dumating ang oras ng pagseserve naming ng tables kaya nag-round na kami ni Toppher sa mga tables. Pasulyap-sulyap ang mga mata ko sa restroom dahil hinahanap ko si unggoy.
"Searching for me, baby?" Napatalon pa ako dahil sa gulat kay Sebastian.
/^_^\
Seriously? Baby?
Umiwas ako ng daan sa kanya pero sinundan nya pa ako.
"If you're missing me you could just go around the corner to see my handsome face." Dagdag nya pa.
Inirapan ko sya at saka nagpatuloy sa pagseserve. Nasaktuhan namang sa katabing table nya ako nagserve ng order kaya't binilisan ko ang paglalapag ng order nitong customer namin.
"Excuse me, miss!"
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Miss na nagserve ng cake sa katabing table ko!"
"What is the problem sir?" Nagtitimping nilapitan ko sya habang nakangiwi.
"Kailan ba ang break nyo?"
"Bakit po sir?"
"Tch, quit calling me sir."
"Umorder nalang po kayo sa counter sir."
"Tara kain tayo."
"Hindi po kami pwedeng magbreak nang wala sa schedule sir."
"Check the time."
BINABASA MO ANG
Complete Opposites: The Bittersweet Incipience
Teen FictionMarch 15, 2010 Ang saya... Ang saya-saya maging in love. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sya. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon na pwede kong isulat pero hindi. Ang masasabi ko lang talaga... Mahal na mahal ko sya. Acknowledgement: ...