**Hello guys. I hope you'll welcome this story the way you support my first story, paano ko sasabihin. And advance notice, pasensya na po kung medyo rough and story telling ko dito, medyo na sanay kasi akong sumulat in First person. Kinakapa ko pa lang ulit 'tong Third person.**
Linggo ng umaga, maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang panahon. Bibihira itong mangyari sa panahon ng Mayo.
Sa hapagkainan ng pamilya Villavecer, tila hindi kumpleto ang bilang nila. Wala si Paolo.
"Gising ka pa ba noong umuwi si Paolo?" Nagaalalang tanong ni Mercy, ang nanay ni Paolo.
Umiling lamang ang kausap nito, si Armando. "Umuwi ba? Past twelve na ako natulog at hindi ko naman siya narinig pumasok." Mahinahong sagot nito.
"Yah. I checked his room and I think he passed out. Masyado na ata tayong nagiging maluwag sa kanya. What you think?" Hindi maalis kay Mercy ang magaalala ng ganito sa anak.
"Don't worry hon, kakausapin ko sya. But I think normal lang naman for a teenager like him na lumabas paminsan minsan." Nakangiting sagot ni Armando.
"Normal? Ang umuwi ng lasing?" Sarkastikong wika ni Mercy sabay ang tingin kay Armando. Tila hindi niya maunawaan ang paliwanag nito.
"I guess. He's seventeen, right? I did worse back in my days." Natatawa pang sagot ni Armando na tila binalikan ang kanyang nakaraan. "Ok lang yon hon. Hindi naman s'ya alcoholic and to think na ngayon lang din naman yan naglalabas ng ganyan. I'll talk to him." Naging seryoso bigla si Armando, tila may bumabagabag sa kanyang isipan.
Madali naman itong napuna ni Mercy, "Hon. Is there something wrong?" Nagaalalang tanong nito.
Bahagyang tumitig si Armando kay Mercy, tila nagdadalawang isip ito. "I just remembered something. I wanted it to be a surprise but I'm a bit worried." May alinlangang sagot ni Armando. Hinawakan lang ni Mercy ang kamay ni Armando at naghintay ng paliwang. "Lissa called two weeks ago. Wesley is coming." Mahinahong wika nito at panandaliang ngumiti.
Biglang bigla si Mercy, bakas ito sa kanyang mukha. Ilang segundo rin ang lumipas bago sya nakasagot, "Nagulat lang ako." Tangi nyang nasabi. "Sorry ha. Pero parang biglaan naman ata. Lately kasi hindi ka na nagkukwento tungkol kay Wesley kaya nabigla ako. Bakasyon ba si Wesley ngayon?" Dugtong nito.
Napabuntong hininga na lamang si Armando. "He graduated Highschool last year. Hindi na daw nag-apply for college." Tugon nito sabay ang iling.
"Sorry hon,I didn't know. Is it the reason kung bakit 'di ka na nagkukwento about Wesley?" Malumanay na tanong ni Mercy habang hinihimas ang kamay ni Armando.
"It's ok hon. Ayoko na lang din magalala ka pa kay Wesley. I don't know, Wesley is out of control." Malambing na sagot ni Armando at tinapik ng ilang beses ang kamay ni Mercy. Kilala ni Armando si Mercy, may pusong ina ito kahit pa hindi nya kilala ng personal si Wesley.
"Hon, maybe naghahanap ng kalinga ng isang ama si Wesley. Si Lissa ba..." Pagpapagaan ng loob ni Mercy na naputol sa pagdating ni Paolo.
Pupungas-pungas pa ng maupo si Paolo sa hapagkainan. Nang tuluyan ng nagising ang diwa nito, napalingon sya sa dalawang seryosong mukha. Napatungo na lamang si Paolo sabay kamot sa ulo, "Bad Sunday morning." Bati nito sa isip.
"Good morning iho. How's the gimmick last night?" Masiglang bati ni Armando. Mabilis namang napatunghay si Paolo at nagbitiw ng isang pilit na ngiti.
"Armando!" Saway naman ni Mercy. Bahagya lamang tumawa si Armando.
Napatingin naman si Paolo sa kanyang ina habang suot suot ang nakasimangot na mukha, "Ma naman e." Angal nito. "Pasensya na po." Paumanhin nito sabay ang muling pagtungo. Si Mama talaga kahit kailan ang OA.
"It's ok iho. After all you have to enjoy being young. Basta know your responsibility. Alam mo naman 'tong mommy mo, masyadong magalala." Nakangiting sambit ni Armando.
"Hay naku, hindi pwedeng laging ganyan Abel. At anong oras ka na pala umuwi?" Nagsusungit pa rin si Mercy.
Sanay na si Paolo sa kanyang ina. Tama ang sinabi ni Armando, masyado syang magalala. "Mga past two? Tsaka mommy ngayon lang naman 'to e. Malapit na rin namang matapos ang bakasyon ko." Nakamangot na sagot ni Paolo.
"Oo nga naman hon. Minsan lang pati magiging binatilyo ang anak mo." Biro ni Armando sabay ang lingon kay Paolo. Napangiti lang si Paolo ngunit nahihiya ito sa kanya.
Tinignan naman ni Mercy ang dalawa sabay ang iling. "Naku Armando. Kung ganyan ka ng ganyan malamang hindi rin titino si Wesley dito." Biglang wika nito. Nagulat sya sa kanyang sinabi, nais nya sanang bawiin ito ngunit huli na ang lahat. Napalingon sya sa kanyang asawa. Naging matahimik ang hapagkainan.
"Wesley? As in Wesley Villavecer? Magbabakasyon sya dito." Pagputol ni Paolo sa katahimikan. Bagamat masigla ang pagkakabanggit nito ay hindi nya tuluyang naalis ang kaba.
Napakibit-balikat na lang si Armando at ngumiti, "Well, I wanted it to be a surprise, at least for you." Sagot nito sabay ang tingin kay Paolo. "He's staying here for good." Alinlangan nya at inilipat ang tingin kay Mercy.
Naramdaman ni Paolo ang tensyon, "Mommy talaga, spoiler." Biro nito, inaasam nyang mabasag ang namumuong tensyon.
"For good?" Tanging nasabi ni Mercy.
"I guess. Depende pa rin yon kay Wesley and after all he's still my son." Mahinahong sagot ni Armando at napatitig kay Mercy.
Nabasag ang tensyon nang tumayo si Paulo, "Ok! Exit muna ako. I think you two have to discuss it privately. Doon muna ako sa room ko, I have to gain back my energy." Paalam nito. Hindi na nya hinintay pang sumagot ang alin man sa dalawa, umalis na ito at bumalik sa kwarto.
"Oh my. Sorry hon, I hope you don't take it the wrong way, nabigla lang ako. You know I care about Wesley and I think it will be good for the two of you to catch up. It's been a long while." Paumanhin ni Mercy at hinawakan ang kamay ni Armando.
"It's ok hon. Sorry din, I should have told you sooner." Nakangiting sagot ni Armando.
"Anyways, kailan ba ang dating ni Wesley?" Tanong ni Mercy at bumalik na sila sa pagkain.
"Well, that's why I'm a bit worried. He should have been here last week. Pero sabi ni Lissa, ibinigay naman nya 'tong address natin. Ayaw daw kasing magpasundo ni Wesley. Maybe he's staying in a hotel somewhere." Mahinahon sagot ni Armando.
"Last week?" Biglang bulalas ni Mercy at napahinto ito sa pagsubo. "You mean nandito na sya sa Pilipinas by this time?" Nagaalalang dugtong nito.
"Supposedly." Tanging naging sagot ni Armando, tila may malalim syang iniisip.
"My God Armando, you should worry more than that. Baka kung ano ng nangyari sa kanya." Nagaalalang sabi ni Mercy.
Ngumiti lamang si Armando at umiling, "That's exactly why I didn't tell you, I know you'll panic. By what Lissa said, I think he'll be just fine. Uuwi rin dito yon. Hindi yon marunong sa pera, he'll come to me sooner." Alinlangan nito.
"Mukhang sumuko na nga si Lissa. I really hope na ok lang sya and sana maging ok rin kayo. Pagdating nya, sya muna ang asikasuhin mo. Don't worry about us, ako na bahala sa'min." Mungkahi ni Mercy.
"He won't be receiving any special treatment. What I'm worried about is, baka hindi sila magkasundo ni Paolo." Nagaalalang wika ni Armando.
Ngumiti lamang si Mercy, "With Paolo, I think wala namang magiging problema. I'm sure maiintindihan nya itong sitwasyon. Honestly, when you mentioned Wesley earlier, he looks excited." Magiliw nitong wika bagamat may pangamba syang nararamdaman.
"Napansin ko rin yon. Actually, I'm not worrying that much about Paolo. I'm more concerned with Wesley, hindi ko na alam ang ugali nya. I'm afraid that if they won't get along and most probably ang tama ay si Paolo, baka isipin naman ni Wesley pinapaboran ko si Paolo."
Napabuntong hininga na lamang si Mercy. "Let's not think about it right now. Bigyan natin ng chance si Wesley. For now, hanapin na lang muna natin si Wesley." Pagpapagaan ng loob nito.
"Right. I'll take care of it, 'wag ka ng magalala. Kakausapin ko na rin si Paolo about this." Nakangiting sabi ni Armando.
**FOLLOW, VOTE, COMMENT AND SHARE pls.**
BINABASA MO ANG
Kain at Abel
RomanceMagkapatid ngunit hindi magkadugo. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa. Kilalanin at subaybayan natin ang kwento nina Paulo at Wesley. Copyright (c) 2016 Cyeus Madrid All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by...