Nagpaalam na rin sina Seth at Paolo sa tatlo. Hindi maiwasang mailang ni Seth kay Wesley.
Sa loob ng sasakyan ni Seth ay nanatiling matahimik ang dalawa. Kitang kita ni Paolo sa mukha ni Seth ang matinding pag-aalala.
"Seth, what's wrong?" Pag-aalala ni Paolo.
Ngumiti lamang si Seth at hindi lumingon kay Paolo. "Wala Pao. I told you, naiilang ako kay Wesley. I don't trust him, keep your distance with him, it's for the best Pao, trust me." Alinlangang sagot ni Seth.
Nabigla naman si Paolo, "May nasabi ba sa'yo si Wesley?" Kinakabahang tanong nito.
Umiling si Seth, "Wala Pao, I just don't trust him." Diskompyado nitong sagot.
Hinawakan ni Paolo ang kamay ni Seth upang pagaanin ang loob nito. "Ok Seth, I will. Wag ka na mag-alala." Malambing na wika ni Paolo.
"By the way Pao, about what I told you last night, sasabihin ko na kay mommy ngayon. Is it ok with you?" Nagdadalawang isip na tanong ni Seth.
Napansin naman ito ni Paolo, "Seth, you don't have to kung hindi ka pa ready. As long as we are ok." Nag-aalalang wika ni Paolo.
Ngumiti naman si Seth at hinawakan ang kamay ni Paolo, "It's not that I'm not ready, decided na naman ako about us." Malambing na tugon ni Seth. "Remember Kristoff?" Tanong ni Seth na kung saang banda'y kinabahan sya.
"Yes, he's your cousin, right? And he is one of us." Nagtatakang sagot ni Paolo.
"Nahuli sya ni tito Greg with a guy. At binugbog sya nito. Kuya Matt opened that topic earlier and from what it seems parang ok lang kay Daddy yung ginawa ni tito. That's why I'm having a second thought." Seryosong salaysay ni Seth.
Kinabahan si Paolo sa mga narinig nito. Hinigpitan ni Paolo ang paghawak sa kamay ni Seth. "Ok Seth. We don't have to do this right now. And besides, hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa amin. Specially Wesley is causing commotion sa bahay." Mahinahong sagot ni Paolo.
Ginantihan ni Seth ang higpit ng paghawak ni Paolo, "Thanks Pao, we can work this out." Malambing na wika ni Seth.
"Parang nung isang gabi lang, sumusuko ka na." Biro ni Paolo.
Napangiti naman si Seth. "Sorry talaga Paolo. I was wrong to break up with you." Tanging nasabi ni Seth.
Ngumiti lamang si Paolo, "Biro lang yon Seth. I understand the pressure. Sorry din if I hurt you in anyway." Malambing na sagot ni Paolo. Hinila nito ang kamay ni Seth at hinalikan.
Pagkarating nila sa usapang lugar ay naroon na si Alicia. Bumati at bumeso si Seth, ganoon rin si Paolo.
"So Paolo, I heard from Seth that your step brother is here in the Philippines." Magiliw na tanong ni Alicia.
BINABASA MO ANG
Kain at Abel
RomanceMagkapatid ngunit hindi magkadugo. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa. Kilalanin at subaybayan natin ang kwento nina Paulo at Wesley. Copyright (c) 2016 Cyeus Madrid All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by...