Habang nagbibihis si Paolo at naghahanda ng gamit para sa pagpunta sa eskwelahan ay pumasok si Armando.
"Pao, ngayon ka di ba mag-e-enroll?" Masiglang bati ni Armando.
Tumango naman si Paolo bilang tugon. "Opo. Sasabay na po ako kay Seth." Alinlangang sagot nito. Bakas sa mukha ni Armando ang pagkabalisa, madali naman itong napansin ni Paolo. "May problema po ba?" Nag-aalalang tanong nito.
Umiling si Armando at ngumiti, "Wala naman Paolo. Ipapakiusap ko lang sana na kausapin mo si Wesley kung anong plano nya. Pero sa tingin ko'y ako dapat ang gumawa non." Nagdadalawang isip na sagot nito.
Ngumiti lamang si Paolo, "Ok lang po. Tatanungin ko na rin po sya." Magiliw na sagot ni Paolo.
Tinapik ni Armando ang balikat ni Paolo bilang tanda ng pagpapasalamat. Sakto naman ang labas ni Wesley, nabigla sya sa tagpong nadatnan nya. Nagpatay malisya na lamang ito at dumiretso sa kanyang mga gamit.
Lalapitan na sana ito ni Armando nang magsuot ng earphones si Wesley. Nagalinlangan si Armando at bagkos ay napailing na lamang ito at nagpaalam na ito kay Paolo.
Pagkalabas ni Armando ay madaling nilapitan ni Paolo si Wesley. Hinila nito ang nakasalpak sa tainga ni Wesley. Bahagyang nabigla si Wesley, "WHAT!" Malakas na wika ni Wesley.
Nagulat si Paolo ngunit hindi ito nagpakita ng pagka-sindak. "Do you come with me in my school? Check it out and you might like to study there." Mahinahong tanong nito.
Bumaba naman ang emosyon ni Wesley at bahagyang kumalma, "I don't want to go the same school as yours. It will complicate our lives." Matamlay na sagot ni Wesley.
Hindi na lamang binigyang pansin ni Paolo ang sinabi nito. "Ok. Then I guess, I'll go ahead." Sagot nito. Ayaw rin nyang pilitin si Wesley dahil na rin iniiwasan ni Paolo na magkrus ang landas nila ni Seth.
Mabilis na pinigilan ni Wesley si Paolo bago ito makalabas ng silid. "But can I go with you today? I know I will get bored here and I don't have a license to drive yet and Ruben must still be pissed off." Pagdadahilan ni Wesley.
Tumango naman si Paolo ngunit bakas sa mukha nya ang pagaalinlangan. "Seth is going to pick me up. We are attending the same school. Is that ok with you?" Kinakabahang sagot ni Paolo.
"Awesome." Masiglang sagot ni Wesley at nauna na itong lumabas ng silid. Napailingn na lamang si Paolo at sumunod na rin.
Naging matahimik ang kanilang byahe papunta ng unibersidad. Pagbaba pa lamang ng sasakyan ay nagpaalam na agad si Wesley na maglalakad muna ito habang nag-aasikaso ang dalawa.
"I'm sorry Seth, wala naman akong choice kung hindi isama sya. Nakiusap kasi si Daddy." Paumanhin ni Paolo habang naglalakad sila papuntang Registrar's Office.
Ngumiti naman si Seth, "Wala yon, I just feel unease around him." Magiliw na tugon nito.
"Dahil ba dun sa kiss?" Nag-aalinlangang tanong ni Paolo.
Napatawa ng bahagya si Seth, "No Pao. I'm worried about you. Para kasing puro problema lang ang dadalhin ni Wesley sa'yo. At ayokong mahirapan ka." Nag-aalalang tugon ni Seth.
Tumigil sa paglalakad si Paolo dahilan para mapatigil din si Seth. "Thanks Seth. Pero wala naman akong magagawa, parte sya ng pamilya namin. And he's not always like that, he's just misunderstood. He's lost and lonely." Paliwanag ni Paolo.
Ngumiti naman si Seth, "Ofcourse you are Paolo. You always see the best in people. That's one of the many things I love about you. Pero promise me, kapag inabuso ka nya sasabihin mo agad sa akin ha." Malambing na wika ni Seth.
BINABASA MO ANG
Kain at Abel
RomanceMagkapatid ngunit hindi magkadugo. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa. Kilalanin at subaybayan natin ang kwento nina Paulo at Wesley. Copyright (c) 2016 Cyeus Madrid All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by...