Magandang umpisa na para kay Paolo ang pag-uusap nila ni Wesley. Bagamat hindi maiiwasang mainis at kabahan ito sa mga biglaang sinasabi ni Wesley, mabuti na ang ganito kesa maglayo ang loob nila.
Ika anim ng gabi. Sa kusina ng mga Villavecer ay nag-uusap sina Ruben at Manang nang pumasok si Wesley.
"Naku, kung nandon ka lamang. Kahit ikaw pa ang nag-alaga sa kanya noong bata sya, di mo matatantya ang ugali nya." Himutok ni Ruben kay Manang.
"Baka naninibago lang sya." Depensa naman ni manang.
"Hindi! Masama talaga ang tabas ng dila nya." May kalakasang banggit ni Ruben.
Natahimik na lang bigla ang dalawa, "So this is what you do huh. Don't you ever forget your position here." Aroganteng wika ni Wesley.
"Naku iho kasi..." Pagpapaliwanag ni Manang na naputol. "I don't need a word from you." Sabat ni Wesley, "Where's the car key?" Tanong nito sabay tingin kay Ruben.
"A, sir. Pero wala pa po kayang lisensya di ba?" Nag-aalinlangang wika ni Ruben.
Bahagyang lumapit si Wesley dito, "The hell you care, you're just a driver here, right? Now where's the car key?" Nakasimangot na tanong ni Wesley.
Napailing na lamang si Ruben at dinukot sa bulsa ang susi at iniabot kay Wesley. Pagkaabot ng susi ay padabog na lumabas si Wesley.
"Tignan mo. Masama talaga ang ugali nyang bago nating amo." Inis na wika ni Ruben.
Napailing lamang si Manang, "Alam mo nung bata pa yan, malambing na bata yan. Kahit spoiled yang pinalaki hindi ko naisip na ganyan ang magiging ugali nyan."
"Palibhasa, sa amerika na nagkaisip. Kaya ayan, hindi maganda ang asal. Tingnan mo si Paolo, maganda ang asal, kasi pinalaki ng maayos." Wika ni Ruben.
"Ewan ko. Basta, hindi naman ganyan si Wesley dati." Napapailing na wika ni Manang. "Malalagot tayo nito kapag nalaman nila sir Armando na hinayaan nating lumabas si Wesley." Nag-aalalang wika nito.
"E pano naman natin mapipigilan yon? Sige nga, sa tingin mo ba makikinig yon?" inis na sagot ni Ruben.
Biglang pumasok si Paolo. "Lumabas ba si Wesley?" kinakabahang tanong nito.
Bahagyang nabigla ang dalawa. "Naku! Oo. At kinuha pa ang susi ng kotse. Tapos kami pa ang mapapagalitan ng tatay nyo." Inis na sagot ni Ruben.
"O my God. Nagdrive sya? As if saulo naman nya ang mga daan dito. Nasan ba si Mommy at Daddy?" Nag-aalalang tanong ni Paolo.
"Daddy mo lumabas kanina. Ang mommy mo naman nasa kwarto pa din." Sagot ni Manang.
"What now." Tanging bulalas ni Paolo. "Ganito manang, hahanapin ko si Wesley. Kapag hinanap kami ni Mommy or ni Daddy, sabihin mo lumabas lang kami. Manong Ruben tulungan mo akong maghanap, di ka din dapat makita dito para kunwari pinag drive mo kami." Nagmamadaling suhestyon nito.
Napatango na lamang ang dalawa. "Di kaya sila magtaka kapag dalawang sasakyan ang wala dito?" tanong ni Ruben.
Napabuntong hininga na lamang si Paolo at nag-iisip. "Ganito, basta wag na wag kang magpapakita kila Mommy at Daddy. Magpapasama na lang ako kay Seth or Ria." Wika nito.
Binunot mula sa bulsa ang cellphone at tumawag kay Seth. Cannot be reached ito. Tumawag ito kay Zaria.
"Hello?" Sagot ni Zaria mula sa kabilang linya.
"I need your help." Wika ni Paolo sabay ang buntong hininga.
"Ano na namang problema? Si Wesley?"
BINABASA MO ANG
Kain at Abel
RomanceMagkapatid ngunit hindi magkadugo. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa. Kilalanin at subaybayan natin ang kwento nina Paulo at Wesley. Copyright (c) 2016 Cyeus Madrid All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by...