Nagbalik sa ulirat si Paolo nang marinig nya ang katok sa kanyang pintuan.
"Abel! Bilisan mo na dyan. Gabi na!" Sigaw ni Mercy.
"Opo!" Inis na sagot ni Paolo. Nagpatuloy na ito sa paliligo ngunit patuloy pa rin sa paglalaro sa kanyang utak ang nangyari noong gabing yon.
Matapos maligo at magbihis ay dumiretso na agad sa hapagkainan si Paolo. Kumakain na ang mga magulang nito.
"You look better now. Wala na bang hang over?" bati ni Armando.
"Ok na po ako." Tanging sagot nito.
"Hindi ko talaga gusto yan. Baka mawili ka sa paginom inom" sabat ni Mercy.
"Ma. Minsan lang naman 'to. Hindi ko naman to ginagawa kapag may pasok." Inis na sagot ni Paolo.
"Oo nga naman. Mabuti na rin na nae-enjoy nya ang pagiging binata nya." Pagsang-ayon ni Armando.
"Ayan na naman kayo. Sige magkampi pa kayo." Wika ni Mercy at napailing na lamang.
"Mommy naman. Ang KJ naman tlga o." Biro ni Paolo sabay ang pagbungisngis.
Ang masayang kwentuhan nila'y naputol sa pagsinggit ng isa nilang kasambahay.
"Sir, may naghahanap po sa inyo sa telepono." nagaalinlangang wika ni manang.
"Manang. Alam nyo namang nagdidinner kami di ba..." paalala ni Mercy na naputol sa pagsagot ni manang.
"Kasi po, sa tingin ko'y emergency ito. Si Wesley po ang nasa kabilang linya. Naka pay phone lang ata sya." Singit ni Manang.
Napahinto ang lahat sa pagkain. Nabigla sila. Madaling tumayo si Armando at nagtungo na sa telepono. Humingi naman ng paumanhin si Mercy kay manang.
Upang putulin ang katahimikan ay nagsalita si Paolo, "Ma, nakita mo na ba si Wesley? Kahit sa picture lang."
Ngumiti lamang si Mercy. "Ang huling ipinakita sa'kin ng daddy mo ay noong twelve sya. Yun na lang ang natatandaan ko." Sagot nito.
"Ah. Mukha ba syang mabait?" bungisngis na tanong ni Paolo.
"Nag-aalala ka ba na baka hindi kayo magkasundo?"
"Hindi naman sa ganon. Kasi halos doon na sa states na develop ang attitude nya di ba. Naisip ko lang na baka manibago sya sa environment dito sa Pilipinas lalo na sa bahay natin." Mausisang sagot ni Paolo.
"At ano namang ibig sabihin mo ng lalo na sa bahay natin?" tanong ni Mercy sabay ang pagtaas ng kilay kay Paolo.
"I mean. Yung mga rules dito sa bahay. Kasi siguro ibang iba yun sa kanila. Masyado ka pa namang strikto." Biro ni Paolo sabay ang pagtawa. Bahagya namang natawa si Mercy. "Magiging strikto ka rin ba sa kanya?" seryosong tanong ni Paolo.
Napaisip naman si Mercy. "Bakit? Nasasakal ka na ba sa'kin?" birong tanong ni Mercy.
"Hindi naman. Paminsan-minsan lang." Muling biro ni Paolo sabay ang mapang-inis na ngiti.
"Hindi ko din alam. Hangga't maaari gusto kong maging komportable sya. Pero siguro hindi ko pa rin sya kukunsintihin sa mga mali nya." Seryosong sagot ni Mercy.
Bumalik na si Armando. Seryoso ang mukha nito. Tila malalim ang iniisip.
Hinawakan ni Mercy si Armando sa balikat at hinimas ito, "May problema ba hon?" nag-aalalang tanong ni Mercy.
Tila nagulat si Armando. "Ah. Wala. Wala naman." Tanging sagot ni Armando na bakas ang pagkabalisa.
"So anong sabi ni Wesley?" tanong ni Mercy.
"Bukas." Ani ni Armando. "bukas ng umaga." Dugtong nito na may ngiti sa labi.
"Wow. Ayos yan. Finally!" Masiglang tugon ni Paolo.
"Mabuti naman at maayos ang kalagayan nya." Masayang wika ni Mercy. "Hamo, ako ang magluluto ng breakfast bukas." Dugtong nito.
"Maraming salamat sa pag-unawa." Seryosong banggit ni Armando.
"Hon! Ano ka ba, parte sya ng pamilyang ito." Tugon ni Mercy.
"Oo nga naman po. Excited na nga din ako makilala sya. Gusto ko rin kasing magkaroon ng kapatid." Masayang wika ni Paolo.
"Ok then. Hindi muna ako pupunta sa opisina bukas. Para mabuo tayo sa unang araw nya dito." Wika ni Armando.
"That's a good idea." Pagsang-ayon ni Mercy.
Matapos ang hapunan ng pamilya ay dumiretso sa kwarto si Paolo. Tumawag ito kay Seth. Sumagot naman si Seth.
"Yes?" Malamig na sagot ni Seth mula sa kabilang linya.
Dito pa lamang ay nangamba na agad si Paolo na hindi maganda ang kahihinatnan ng usapan nila, "Just checking if you're ok. The usual." Sagot ni Paolo na madadama ang pagkabalisa.
"I'm all good. Ikaw ba?" Nanatiling malamig ang tinig ni Seth. Tila ba'y hindi sya interesado.
"C'mon Seth, we can't go on like this." Sagot ni Paolo.
"Of course. So what do you want?"
"Ano ba naman Seth. Pagusapan naman natin yung nangyari kagabi. I know I act a little bit insane, so what's our real score?"
"We're friends. I thought that was clear." Walang ganang sagot ni Seth.
Mangiyak-ngiyak na si Paolo ngunit pinilit nitong hindi ipahalata kahit man lang sa boses nito, "So last night, we officially broke up?" tanong nito.
"I supposed." Tanging sagot ni Seth.
Iritable na si Paolo, "Why are you doing this to me. Parang may ginawa akong masama sayo ah. It was you who told me that the problem was you who can't keep this kind of relationship. Why is it I feel like I was the one who messed this bullshit relationship?" galit na wika ni Paolo, hindi na nya napigilan ang pagtulo na kanyang mga luha.
Nanatiling kalmado si Seth. "Yes. You're right, It was me who had the problem with our relationship. I was trying to ask for some space. I just need to sort things out. For two years Pao, I'd been enduring all the questions around me. My mom kept on asking me, sinong girlfriend mo ngayon, ba't parang wala ka pa ring girlfriend, I haven't seeing you dating for a while. Pao, my parents, they have their expectations. That's why I want to try some sort of trial separation so I can prove to myself that this relationship is worth fighting for." Mahinahong paliwanag ni Seth. Bahagya itong huminto at tila nag-iisip ng sasabihin. "Pero last night, when I saw how you cried, kung paano ka nasasaktan, I was so guilty. Gusto ko na ngang bawiin yung mga sinabi ko at bahala na lang kung anong kahihinatnan. I'm so certain that I love you until you lied. And by that time, I know it was not only me who changed. I think I don't have to sort things out. You forced me to reach a conclusion. Bye." Sabay baba sa telepono.
Nanatiling hawak ni Paolo ang telepono kasabay ang pag agos ng mga luha nito. Para bang nalulunod sya sa mga salitang binitiwan ni Seth. Alam ng puso ni Paolo na totoong minahal sya ni Seth ngunit ang hindi nya maunawaan ay nang tukuyin syang nagsinungaling nito.
Nakatulog na lamang si Paolo na balot ng mga salitang binitiwan ni Seth.
BINABASA MO ANG
Kain at Abel
RomanceMagkapatid ngunit hindi magkadugo. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa. Kilalanin at subaybayan natin ang kwento nina Paulo at Wesley. Copyright (c) 2016 Cyeus Madrid All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by...