Kabanata Apat (ii)

132 4 6
                                    

Pagkarating sa bahay ay dumiretso na si Wesley sa kanilang silid. Hindi na ito nagpaalam o nagpasalamat man lang. Sumaglit sina Karl at Seth sa loob. Nagpaalam naman sina Seth at Paolo kay Karl upang mag-usap saglit. Lumabas ang dalawa sa may hardin.

"Seth, thanks for coming. Ayoko sanang istorbohin ka, kaso wala na talaga akong malapitan." Kinakabahang panimula ni Paolo.

Sinilip ni Seth ang mukha ni Paolo sabay ang ngiti, "Pao, walang problema. Si Karl naman pati ang tumawag sa akin. Sa totoo lang, naiinis ako sa'yo kasi hindi ako yung nilapitan mo. Sa tingin mo ba, pababayaan lang kita?" Magiliw na wika ni Seth.

Ngumiti na rin si Paolo, "You are my first choice. Kaso when I tried to call you, naka-off ang phone mo." Tugon ni Paolo.

"So are you ok?" Tapat na pag-aalala ni Seth.

Tumango naman si Paolo. "Sorry Seth." Tanging nasabi nito.

Ngumiti lamang si Seth at hinawakan ang kamay ni Paolo, "Pao, mahal pa rin kita. Pero sana..." Wika ni Seth nang maputol sa biglaang pagtulo ng luha ni Paolo.

"Seth, I'm sorry for lying about that night. It's not like I wanted to lie about it. May problema tayo and I thought it will makes things complicated. Pero I'm telling the truth now, wala akong balak na gawin yung alternative dare, he just kissed me at nabigla lang ako." Paliwanag ni Paolo sabay ang mahigpit na hawak sa kamay ni Seth.

Ngumiti naman si Seth, "I know Pao. I know you so well, alam kong hindi ka ganoong klaseng tao. And I'm guilty for hurting you. Pero mas nag-aalala ako ngayon sa'yo, nakilala ka ba nya?" Nag-aalalang tanong ni Seth.

Bumilis ang tibok ng puso ni Paolo. "You saw me that night, right?" Kinakabahang tanong ni Paolo. Nakangiti namang tumango si Seth bilang tanda ng pag-unawa. "Hindi nya ako nakilala o hindi nya natatandaan dahil sobrang lasing sya kagabi." Sagot ni Paolo na may paggaan sa kanyang kalooban.

"Are you gonna be ok, Pao? Nag-aalala kasi talaga ako sa'yo specially now that you are living with that guy." Tapat na wika ni Seth.

"I'm gonna be ok Seth. Pero ang gusto kong malaman is if we're gonna be ok, you and me." Wika ni Paolo sabay ang titig sa mga mata ni Seth.

Nagbitiw ng matamis na ngiti si Seth, "I think we are gonna be ok. You and me. Give me time and I will tell my mom about us. I love you Pao and I want to fight for us." Malambing na tugon nito sabay ang mabilis na halik sa pisngi ni Paolo.

Yumakap naman si Paolo kay Seth, "Thank you Seth, I love you so much." Malambing na tugon ni Paolo kasabay ang pagbagsak ng ilang luha mula sa kanyang mga mata.

Hinimas naman ni Seth ang likod ni Paolo, "I love you too Pao." Malambing rin nyang tugon.

Bumalik ng masaya ang dalawa sa loob. Tinapos lamang nina Seth at Karl ang pagkakape bago tuluyang nagpaalam. Umakyat na rin si Paolo sa loob ng kwarto. Nasa loob ng paliguan si Wesley kaya't nahiga muna si Paolo at nagpahinga.

Matapos maligo ni Wesley ay nakita nito si Paolo – tila nakatulog na ito. Madahang nilapitan nito si Paolo at iniayos ang pagkakahiga. Hinubad nito ang suot-suot na sapatos at medyas ni Paolo. Umupo ito saglit sa tabi ni Paolo, "I'm sorry for all the mess, my little brother." Bulong nito sa natutulog na si Paolo.

Mabilis itong nagbihis at tumabi na rin kay Paolo sa higaan. Bago sya tuluyang nilamon ng antok ay saglit nyang pinanood ang pagtulog ng kanyang kapatid-kapatiran.

Ika lima ng umaga nang magising si Paolo. Bahagya itong nagtaka dahil di na nya namalayang nakatulog na pala sya. Pagtingin nya sa kanyang tabihan ay wala doon si Wesley.

Kain at AbelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon