Patuloy pa rin ang kaba sa dibdib ni Paolo habang pabalik ito sa kanilang mesa. Lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita nyang kumpleto na muli ang kanyang mga kasama. Imbis na maupo ito sa tabi ni Seth ay pinili nyang tumabi kay Karl.
"You're back. That's quite fast." Bati ni Zaria.
Mabilis na umiling si Paolo. Nang mapatingin ito kay Seth ay tila wala pa rin ito sa kondisyon.
"So what's the bet?" interesadong tanong ni Karl.
"I lose." Tanging naging tugon ni Paolo, lalo lamang itong nagdala ng kaba sa kanya.
"Oh well, I win. Yes! Isang buong sem akong di gagawa ng assignment." Natutuwang wika ni Zaria.
"Eh, ano nga kasing bet." Lalo pang nag-usisa si Karl.
Pinutol ni Seth ang kanyang katahimikan, "Let me guess." Wika nito sabay ang ngiti. "To get someone's number or... flirt around." Wika nito sabay tingin kay Paolo. Bagamat nakangiti ito ay may lungkot sa kanyang mga mata.
Nabigla naman ang lahat. Pinangunahan na ni Karl si Paolo, hinawakan nito si Paolo sa likod at madahang hinimas.
"Sort of." Tanging sagot ni Paolo sabay ang iwas ng tingin kay Seth.
"Yes Seth. The deal was to get the guy's number or to kiss him. You know, alternative dare is always harder." Pabirong sagot ni Zaria.
"So how come you lose Pao?" tanong ni Seth at nanatiling nakatingin kay Paolo, may laman ang mga tanong nito.
"The guy doesn't have a phone." Kinakabahang sagot ni Paolo at umiwas ng tingin kay Seth.
"And?" Usisa ni Seth na tila may nais marinig mula kay Paolo.
"And I think the guy is too straight to ask him to kiss me." Inis na sagot ni Paolo sabay ang lingon kay Seth.
Bahagyang ngumiti si Seth, "Ok." Tinitigan lamang nito si Paolo na nakangiti habang umiiling.
"It's just for fun. Tutal malapit na naman ang pasukan, we should enjoy this while it last." Pagputol ni Zaria sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.
Nagpatuloy sila sa kasiyahan. Bagamat nababagabag si Paolo, unti-unti ng nawala ang tensyon sa kanilang dalawa ni Seth. Ika dalawa na ng madaling araw nang magyayaan sila para umuwi. Kay Karl sumabay si Mia at kay Seth naman si Paolo.
"Pasensya ka na kanina. I know upset ka." Tapat na paumanhin ni Seth habang nagmamaneho.
"Sorry din." Tanging naging tugon ni Paolo.
Bahagyang nabigla si Seth, "for what?" tanong nito.
"for how I reacted earlier." Paliwanag ni Paolo, hindi rin kasi sya sanay na nagsisinungaling.
"Ok. Naiintindihan naman kita. I should have brought up the topic some other time. So how was the dare?" Biglang singit na tanong ni Seth.
Muling kinabahan si Paolo, "Ayon nga. He doesn't have a phone. Nagdare pa nga kami nung guy, mag-bottoms up." Bahagya nyang sinilip si Seth, nakatuon lamang ang mga mata nito sa pagmamaneho.
"Really?" Mahinahong tanong ni Seth.
"Yeah. Panalo nga ako, buti na lang lasing na talaga yung guy." Tanging tugon nito.
"What about the alternative dare?" seryosong tanong ni Seth.
Lalong bumilis ang kaba sa dibdbi ni Paolo. "Believe me, nothing happened. I know we're not ok, I mean our relationship. What I heard from you is excruciating but it doesn't mean that I will flirt around dahil nasaktan ako." Mas lalo pa syang kinabahan sa paliwanag na kanyang ibinigay.
BINABASA MO ANG
Kain at Abel
RomanceMagkapatid ngunit hindi magkadugo. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa. Kilalanin at subaybayan natin ang kwento nina Paulo at Wesley. Copyright (c) 2016 Cyeus Madrid All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by...