(Danna's Point of View)
"Ito oh masarap to tikman mo " inilagay ni Hannah ang manok sa plato ni Josh at tyaka tinulungan na ito mag hiwa
"Salamat Hannah"
Andito kami ngaun sa Mcdo at kumakain syempre kasama tong mga ugok na to mapilit eh
"Babe ahh susubuan kita"-Christopher
"Pag yan dumikit sa bibig ko ididikit ko rin tong kamao ko sa bibig mo ng malasahan mo"mataray na sabi ni Krishaline
"Sabi ko nga ehh hehehe"-Christopher
Hindi ko nalang pinansin ang mga un at nag patuloy na sa pag kain ng madako naman ng paningin ko si Mark na tahimik sa dulo ng upuan
Hmp ganun ba talaga katahimik un?
Dibali na nga lang pakeelam ko ba
Idinako ko nalang ang mata ko sa pag kain at napatanto ko na ubos na pala ang ulam ko
Tumingin naman ako sa nag iisang manok sa lalagyan kaya tinusok ko na ang tinidor doon
Pero laking gulat ko ay may nakitusok rin na tinidor doon
Tinignan ko naman kung sino ang may ari ng tinidor at napatanto ko na kay Charles pala iyon
"Kitang kita natin na ako ang nauna sa manok"-Ako
"So?Eh di mo pa naman na kukuha diba?" hinila kaunti ni Charles ang manok para mapalapit sakaniya
Hinila ko din naman pabalik iyon saakin
"Kukunin ko na sana ng may epal na tinidor na naki tusok rin dito"
Tinitigan ko siya ng masama at ganun rin siya saakin
nag hihilaan kami ng manok ng biglang may dumakot na kamay sa manok at hinati iyon sa gitna
Ang isa ay inilagay niya saakin at ang isa ay kay Charles
"Mag aaway kayo dahil lang sa manok tsk tsk"-Mark
"Yuck kinamay mo lang tapos sa tingin mo kakainin ko to ?"sabi ko habang diring hinahawakan ang manok
"Kung ayaw mo ehh akin nalang "kukunin na sana ni Charles ang manok ko ng hinampas ko bigla ang kamay niya at walang kemyeng kinagat ang manok ko
"Kakain din naman pala ang arte pa"-Mark
Tinarayan ko nalang siya at tinapos na ang kinakain namin
Pag katapos namin kumain we decided to take a walk para naman matunawan kami sa kasamaang palad ay kami lang ni Charles ang mag kasama ngaun
Bakit?Hinila kasi Bigla ni Christopher si Krishaline dahil sabi niya ay date daw nila ng Babe niya ngaun
As if namang papatol si Krishaline sakaniya
Sila Hannah naman bigla nalang nawala may sariling mundo ata
At si Mark ?ayun umuwi
"Aray!"napahawak ako sa noo ko na hinampas ni Charles at tyaka sinamaan siya ng tingin
"Wala ka nanaman sa sarili mo "-Charles
"Pakeelam mo?at tyaka pwede ba don't talk to me na parang close tayo!"
Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at tyaka idinikit pa lalo sa kaniya
"Ayan were close na "Ngiting sabi niya
"Ayyysst"Inalis ko naman ang nakaakbay niyang kamay at tyaka sinikmuraan siya
"Ahh sh*t"Napa ngiwi siya at napa hawak sa tiyan niya dahil sa lakas ng suntok ko
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love
Teen FictionWhat if ang taong kinaiinisan mo at kinamumuhian mo ay ang mag papa-ibig din sa puso mo? Are you willing to give your heart to a man who does'nt have a heart? Atin pong subaybayan ang storya nila sa The more you hate the more you love