"Ana"Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid bago kay Krishaline.
"Ana ok ka lang ?"-Danna
Bumangon ako sa pag kakahiga at tumulala hindi ko alam parang may nag bago saakin.
(Krishaline's Point of View)
Nakatingin lang kami sa nakatulalang si Alliana
Shit ano nanaman ang ginawa nila at biglang bumalik ang pag ka tahimik ni Ana lalo na ang mga lungkot sa mata niya
*hik*
Napatingin ako kay Ana at nakita kong umiiyak na ito
"Alliana" -Hannah
"Ano nangyari may ginawa ba sila sayo ?"-Danna
Umiling lang ito sabay lapit saakin at niyakap ako,hinagod ko ang likod niya para patahanin
"Ano nangyari Ana?" Sabi ko habang hinahagod ang likuran niya
"A-Ang s-sakit *hik* ang sakit sakit Krishaline a-akala ko kasalanan ko lahat ng pag ka matay ni kuya pero mali pala ako isang traydor ang pumatay sa kuya ko !"
Nagtinginan kami ni Hannah dahil sa mga binanggit ni Ana
Naaalala na niya lahat,ginising na nila ang halimaw sa loob ng katawan ni Ana at un ang kinakatakot namin
Napatingin ako kay Danna at napansin kong tahimik lang siya
"Danna,Ayos ka lang ?"-Ako
"H-Huh O-oo naman " Tinignan ko siya ng makabuluhan kaya napayuko siya sabay lapit saamin
"Mukang naaalala niyo na lahat " sambit niya na may lungkot sa mukah
"Oo Danna at sure akong malapit ka na rin makaalala" Ngumiti siya at umiling iling
"No need kahapon pa ako nakaalala"Sabi niya sabay tingin kay Ana na ngaun ay nakatulog na kakaiyak
"Ayos lang kaya siya?"-Danna
"Oo,Hindi......Walang nakakaalam sa iniisip o nararamdaman niya ngaun pero sana hindi niya gawin ang matagal na niyang binabalak,ang patayin si Mark"........
(Alliana's Point of View)
"Hoy!magsigising kayo"Nagising ako dahil sa pag sipa ng babae saakin,bumangon ako at tinitigan lang siya ng masama
"Geh na dalhin niyo na yan sila "Pag kasabi niya nun ay isa isa nila kaming kinuha at kinaladkad papuntang labas hanggang makapunta kami sa isang pinto na kulay puti at nakalagay ay operation room
So ang ibig sabihin niyan ay nasa lumang ospital kami tama?
Nag katinginan kaming apat ng makapasok na kami sa loob dahil puno ito ng mga kagamitang pang opera
Tinignan ko si Krishaline at sinenyasan na mag laban
Pag kahakbang ko ay humarap ako sa nakahawak saakin at binigyan ito ng suntok,sinipa ko naman ang nasa kaliwa ko ng makita ko itong papasugod saakin pag tingin ko kila Krishaline ay laking gulat ko ng makita ko silang nakabulakta at marami nang nakahawak sakanila
Napaupo ako ng biglang may humampas sa batok ko dahilan ng pag ka hina ko
Inangat ko ang ulo ko at nakita ang lalaking kanina ay naka mask ngunit ngaun ay wala na ito bigla nag init ang ulo ko at nasaktan ng makita ko kung sino iyon
"Marvin"Banggit ko,hindi niya ako pinasadahan ng tingin bagamat ay nag tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad
"Ihiga niyo na sila"
Hiniga na kami ng mga tauhan niya sa higaan at tinali doon
"Ano gagawin niyo saamin" Sabi ni Danna habang sinusubukang pumiglas
"May kukunin lang kaming mahalagang bagay sainyo "-Marvin
"Walang hiya ka !! pinag katiwalaan ka namin isa kang malaking traydor!!"-Krishaline
Hindi siya pinakingan ni Marvs at tuloy lang ito sa ginagawa
"Ahhh!!!" Napatingin kami kay Hannah at nakita naming nag dudugo na ang kaniyang tagiliran
"Shit!Hannah!"Sigaw ko tumingin lang siya saamin ng namimilipit at pinilit na tumango para sabihin saamin na ok lang siya
"Bitawan niyo ako!! " Nag init bigla ang dugo ko ng makita kong uunahin nila si Hannah
"Bitawan niyo siya!" Sabi ko sabay kalas sa mga may hawak saakin
kahit na nang hihina ay pinilit kong labanan ang mga nasa loob ,sinipa ko ang na sa kaliwa ko at kinuha ang baril sa tagiliran nito at pinag pupuputok sila
Ng wala ng taong pwedeng humarang saamin ay pinuntahan ko si Hannah at tinulungang tumayo
"Tumakas na kayo !" Sigaw ko at ibinigay si Hannah kila Danna
"Teka pano ka hindi kami aalis ng wala ka "-Krishaline
"Lalabas ako pangako may kailangan lang ako malaman "
Tumango sila at nag simula ng mag lakad
"Mag iingat ka"-Danna
Tumango ako at hinanap ang kanina kong nakita
Kinuha ko ang envelope at tinignan ang nakalagay doon
Nabitawan ko ang envelope ng may tumutok na baril saakin
"Sumunod ka saakin kung ayaw mo mamatay" tinaas ko ang kamay ko at hinatak na niya ako papunta sa higaan
Kinuha niya ang mga tali at tinali ako doon
"Bakit?" Tanong ko
Tinuring kitang kapatid,pero ano ginawa mo...
"Simula palang ay niloko ko na kayong apat Ana masiyado kayong mapaniwala sa mga bagay bagay na hindi naman dapat paniwalaan "
Pumunta siya sa isang table at may kinuhang kutsilyo na alam kong ito ang gagamitin saakin
"Wag kang mag alala papatulugin naman kita bago kita patayin "Pag kasabi niya nun ay may itinusok na siya sa leeg ko ng siyang nag pahina saakin...........
(3rd person Point of View)
Nag simula na ang operation at kinuha ang bagay na alam nila na mag papayaman pa lalo sakanila..
Isa itong Gold na nakaplastik ang kinuha nila mula kay Ana
Pag katapos nila makuha iyon ay isinarado at tinahi nila muli ang sugat na ginawa nila kay Ana
"Sir saan po natin siya ilalagay" tanong ng isa niyang tauhan
"Itapon niyo sa bangin " sabi ni Marvin sabay sulyap kay Ana
"Ehh sir buhay pa siya "
"Hayaan niyo siya mamatay doon sige na wag na masyadong maraming tanong "
Binuhat na nila si Ana at isinakay sa kotse para itapon sa bangin... Pag ka dating nila ay ibinaba nila si Ana sa kotse at tyka hinulog sa bangin
Tumingin sila sa paligid para makasiguradong walang tao na nakakita bago sila umalis
Kung kailan naman na wala na si Ana ay tyaka naman dumating sila Mark at iniligtas sila Krishaline
Si Hannah naman nawalan na ng malay at dinala na sa ospital para ipatanggal ang nasa loob ng tiyan niya ganun din sila Krishaline
Hinanap ng mga mata niya si Ana ngunit ang nakita lang ni Mark ay si Marvs na ngaun ay nakangiti sakaniya
Lumapit siya doon at binigyan ng malakas na suntok si Marvs
"Ang sabi ko wag na wag mo siyang sasaktan asan na siya!!" Pinunasan ni Marvs ang dugo ng kaniyang labi sabay tingin ng nakakaloko kay Mark
"Wala na siya..hindi mo na siya makikita dahil patay na siya"......
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love
Teen FictionWhat if ang taong kinaiinisan mo at kinamumuhian mo ay ang mag papa-ibig din sa puso mo? Are you willing to give your heart to a man who does'nt have a heart? Atin pong subaybayan ang storya nila sa The more you hate the more you love