=26=

1.1K 47 9
                                    

(Danna's Point Of View)

Tingin sa kaliwa?wala good good

Tingin sa kanan?perfect walang tao

lumabas na ako sa room namin at binalak na sanang pumuntang canteen ngunit nakita ko si hilaw na papunta dito buti nalang at nakatingin siya sa sahig kaya hindi niya ako nakita at nakapag tago ako sa isang locker na bukas at nag papanggap na may kinukuha doon

Sumilip uli ako para makita kung wala na siya

Jusko bakit ba kasi ako nag tatago sakaniya ?porke ba nalaman ko na nag seselos siya sa kung may kasama akong iba?bakit ba ako nahihiya sakaniya?hayyss dibale na nga

inayos ko na ang sarili ko at sinara ang locker pero laking gulat ko na nasa harapan ko na pala siya

"Ayy jusko maria mamatay ka na!"sabi ko

"Tss bakit ka ba nag tatago iniiwasan mo ba ako?"tanong niya

"Huh?haha hindi ahh bakit kita iiwasan?"sabi ko aalis na sana ako ng bigla niya ako kinulong sa kaniyang braso kumbaga nilagay niya ung dalawang kamay niya sa locker kaya ako na trap

"Kahapon ka pa ganiyan tell me is there something wrong?"sabi niya

"H-Huh?w-wala ahh hehe"utal utal kong sabi pano naman kasi ung mukah niya malapit na sakin tapos .. .  tapos ung pabango niya inaakit ako

"Hoy !Malds ok ka lang ?tulala ka ?dahil ba sa kagwapuhan ko ?"sabi niya sabay ngisi

Napataas naman ang kilay ko at tinulak siya ng malakas

"Kapal ng mukah mo! ang pangit mo !"pag kasabi ko nun ay nag walk out na ako

Naririnig ko pa siyang tumatawa kaya mas lalo akong nairita

tss mahal?baka love niya ako asarin?bwiset!!




















"Oh?bakit anim lang kayo asan ang dalawa?-Manager Tan

Andito kami ngaun sa studio dahil schedule namin ngaun para tumugtog

"Ewan kagabi pa sila wala ehh hanggang ngaun hindi pa namin sila nakikita"Hannah

"Ito nag text sakin si Mark na pauwi na daw sila na siraan sila kagabi kaya nag palipas muna sila ng isang gabi doon"-Charles

Nag nod nalang si Manager Tan at sumenyas na saamin para mag simula

Pag katapos namin tumugtog ay namahinga kaming tatlo ni Hannah sa sofa

"Nga pala may aaminin ako sainyo "sabi ni Hannah habang nangiti

"Kami na"dugtong nito

"Oh my gosh!!talaga?kailan pa?"sabi ko naman sa kaniya

masaya ako sakaniya dahil nakatagpo na niya ang lalaking mamahalin niya at minamahal siya

"Kanina lang sa school"-Hannah

"Ilang weeks palang nang ligawan ka niya tapos kayo na agad?ang bilis naman ata "tumingin kami kay Krishaline na seryosong nakatingin kay Hannah

"Bakit may problema ka ba kung kami na?"sabi naman ni Hannah na halatang naiirita na kay Krishaline "Alam mo nung nakaraan ka pa kumokontra saamin ehh may problema ka ba saamin huh ?"dugtong pa ni Hannah kaya napatayo si Krishaline sa inuupuan niya at tumingin ng masama kay Hannah

"Gaano mo na ba siya ka kilala kaya nasagot mo siya?alam mo na ba kung ano paborito niyang pag kain?paborito niyang kanta?alam mo ba kung ano siya pag lasing?Alam mo ba mga nakaraan niya mga nililihim niya mga tinatago niya huh Hannah ?sabihin mo saakin gaano mo siya kakilala.... at pag alam mo na ang lahat sakaniya tyaka kita hindi kokontrahin"sabi niya

The More You Hate The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon