Pag kauwi ko sa bahay ay agad akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko....Pag pasok ko ay nag ayos na ako para sa pag tulog ngunit kahit anong pilit kong makatulog ay wala parin itong epekto.
Bumangon ako sa higaan ko at nag tungo sa aking drawer at may kinuha na isang bagay....
.Envelope ito ung nakita ko noon bago ako itapon sa bangin.Ang buong akala ko ay si Mark ang pumatay kay kuya (Kuya niya sa nag adopt sakaniya) pero mali pala ako. pinagkamalan ko siya at hindi pinakinggan at worse kinamuhian ko siya kahit na alam kong hindi niya kayang gawin un .
(Flash back *time ng natapon na siya sa bangin )- 3rd person's Point of View-
Pagkatapos siyang itapon ay iniwan na siya ng mga tauhan ni Marvin ngunit ang hindi nila alam ay may isang taong nakasunod sakanila para iligtas si Ana un ay ang kaniyang kapatid na si So..
"Ana!" sigaw nito habang bumababa sa bangin, ng makababa na siya ay binuhat na niya ito at isinugod sa ospital ,iyak ng iyak ito habang nag hihintay sa labas dahil sa pag aalala sakaniyang kapatid
"Ngaun na nga lang kita makakasama muli wag mo naman sanang iwan uli si kuya"
Sabi nito.Makalipas ng ilang oras ay lumabas na ang Doctor,dali daling lumapit si So at tinanong ang lagay ni Ana
"Ok naman siya sa ngaun ay nag papahinga na siya ,maya maya ay magigising na ito ,mabuti nalang iho at naidala mo siya agad dito at mabuti nalang ay hindi masiyado na tetano ang kapatid mo " -Doctor
"Maraming salamat po "Nag paalam na ang Doctor sakaniya at pinuntahan na niya ang kaniyang kapatid
Maluha luhang lumapit ito kay Ana dahil sa lahat ng ayaw niya ang makita ang kapatid niya na nahihirapan at nasasaktan dahil mas doble ito na bumabalik sakaniya hindi sa physical kundi sa emosyonal
"Ana,andito na si Kuya wag kang mag alala dahil aalagaan na kita"nakalipas ng ilang linggo ay nagising nadin si Ana at nalaman niya na si So ang tunay niyang kuya
"Kuya gusto ko na umuwi saatin" Sabi nito ilang buan nadin kasi sila naninirahan sa America simula ng gumaling si Ana, pinaniwala din nila sa iba na patay na ito
"Bakit ? akala ko ba mananahimik ka na ? At di na mag papakita sakanila ? Ni hindi mo nga sinabi saakin ang dahilan kung bakit gusto mo ipaniwala sakanila na patay ka na "
"Kung sinabi ko ba sayo maiintindihan mo ba ?"
Lumapit naman si So kay Ana at hinawakan ang mag kabilang braso nito
"Habang nabubuhay ako lagi kitang iintindihin dahil kapatid kita"Ngumiti naman si Ana at niyakap ito
"Kuya may nalaman ako sa isang envelope na na basa ko noon"
"Anu un ?" sabi ni So at hinarap sakaniya si Ana
"Buhay si Kuya John at hawak siya ni Marvin please kuya gumawa ka ng paraan para mahanap muli siya at baka sakaling tanggapin uli ako ng kumupkop saakin " Pinunasan ni So Ang luhang pumatak kay Ana at tyaka tumango ng nakangiti
"For you my princess "
(End of flashback)
Tumayo na ako sa higaan at dumungaw sa bintana
Hindi ko hahayaan na madamay pa kayo sa mga plano ko mas ok na ako nalang muli ang masaktan kaysa kayo dahil kayo ang buhay ko patawad pero papatulan ko ang sinabi niyong wala na akong parte sa buhay niyo.......
(Krishaline's Point of View)
"Oh nakabusangot nanaman yang mukah mo ?" Tumingin ako sa likuran ko at nakita si Christopher na may dalang dalawang kape
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love
Teen FictionWhat if ang taong kinaiinisan mo at kinamumuhian mo ay ang mag papa-ibig din sa puso mo? Are you willing to give your heart to a man who does'nt have a heart? Atin pong subaybayan ang storya nila sa The more you hate the more you love