=15=

1.3K 52 2
                                    

Pag katapos ng tatlong oras na biyahe ay nakarating na kami sa Island Cove

"Ahhh sarap matulog mag damag nito sa tingin mo Malds?"sabi ni Charles sabay akbay kay Danna

Hinawi naman ni Danna ang kamay ni Charles at nag walk out

Suplada as ever

pumunta muna kami sa kaniya kaniyang Kwarto at inilagay ang mga gamit bago pumunta sa mga gusto naming puntahan

Sa iisang kwarto ay dalawang kama ang nandoon kaya no Choice at mag hihiwalay kaming apat

Ako at si Hannah ang mag ka room mate at si Danna naman at si Krishaline ang nasa kabilang kwarto

Good luck nalang sakanila parehas maldita baka mag away lang un doon

Pag katapos namin mag ayos ay napag pasiyahan naming mangisda na apat.. ung mga boys?ewan ko kung saan lumpalok nag punta si Marvin naman natulog muna dahil wala pa ito tulog mula kahapon

"haaa!!Sarap ng hangin dito napakatahimik pati "Sabi ni Danna habang nag u-unat

"Tss Bakit kayo naka apat na ni isa walang kumakagat sa panungkit ko ?'Takang sabi ko

Pano kasi mangingitim na ako lahat lahat wala paring isda ang nalapit saakin tss kaya ayoko ang nangingisda ehh

"Patience Ana un ang mga nilalapitan ng mga isda haha"Sabi ni Hannah habang inaakyat ang kaniyang panungkit dahil nakahuli nanaman ito ng isa

Pshh!Kaasar

Ibinigay ko nalang kay Krishaline ang panungkit ko at dumeretso sa kwarto para mag palit ng pang swimming

Bahala sila jaan mag sw-swimming nalang ako mas enjoy pa

Pag katapos ko mag palit ay dumeretso na ako sa pool at  binabad muna ang paa

Naka two piece ako ngaun at napapatungan lang ng mahabang damit

Trip ko kasing paa muna ang ibababad bago buong katawan and hindi kasi ako marunong lumangoy kay heto no choice at paa ko nalang ang binabad ko hanggang sa pumunta na dito sila Hannah at samahan ako lumangoy

"Alone ?"Napatingala naman ako at nakita ko si Kapre na walang emosiong nakatingin sa mga lumalangoy

"Oo"tipid na sabi ko hanggang sa maari ayoko muna maki pag away dahil gusto ko maging matiwasay ang  bakasiyon namin ngaun

Lumapit naman si Kapre sa hagdan ng pool at tyaka lumangoy

Hayysss buti pa sila marunong lumangoy bakit di kasi ako marunong lumangoy?

"Oy Bansot paa lang ba ang ibababad mo ?"napakunot naman ako sa sinabi ni Kapre

Nangaasar ba siya ?pano ako lalangoy kung hindi ako marunong lumangoy ?

sabagay hindi naman niya alam ehh

"No need tinatamad pa ako "sabi ko sakaniya

Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sa paanan ko

"Samahan mo ako lumangoy its my order "Pag kasabi niya non ay bigla nalang niya ako hinila sa paa kaya.nahulog ako sa pool

Halos mawalan ako ng hininga ng hindi ko maiangat ang katawan ko sa tubig at tila nalulunod na nga ako

Maya maya lang ay nakaramdam ako ng kamay sa bewang ko at unti unti ako inangat

"Ano ba?!papatayin mo ba ako ?!!"halos pasigaw ko na sabi ng maiangat na ako ni Kapre

"Kung may plano akong patayin ka dapat noon palang wala ka na dito "Sabi niya tinarayan ko nalang siya sabay tabig sa kamay niya para makahawak sa gilid ng pool

The More You Hate The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon