=38=

885 42 3
                                    

(Harra's Point of View)

"Aray!san mo ba ako dadalhin huh?!" sabi ko habang hila hila ako ng mokong na to kaasar bigla bigla ba naman mang hihila ano ako tali ?

"Aray !" Hinawakan ko ang kamay ko pag ka bitaw niya at tyaka tumingin sakaniya ng masama

"Hoy!lalaking walang modo bakit mo ako hinila dito ? pag katapos mo kunin lotion ko how dare you !!"Napatigil ako at ang galit kong muka ay napaamo ng tumingin siya saakin na walang emition well ganiyan naman siya eh pero ibang iba ngaun hindi mo malaman kung ano?

Tumingin lang siya saakin ng ilang minuto tyaka iniwan na akong nakatayo,sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa dulo ng dagat umupo naman siya sa may putol na puno at ginaya ko rin siya

"Mind to share?"tanong ko nanatili lang siyang nakatingin sa dagat kaya nanahimik nalang din ako at sinamahan nalang siya.

"Hindi ko na alam,gusto maniwala ng utak ko na hindi siya un pero ayaw ng puso ko, nakita ng mga mata ko na nilubog siya sa lupa pero bakit ganun umaasa parin ako na hindi siya un." Nanatili parin akong tahimik at nakikinig sa mga sinasbi niya.

"Sabihin mo nga saakin anong ginawa kong mali para makaramdam ako ng gantong sakit?Minahal ko si Ana sobra pero bakit ganun bakit niya nagawang kalimutan ang pag mamahal niya saakin " Tumingin ako sakaniya at naawa ng makita ko ang isang luhang bumagsak sa mata niya.Itinaas ko ang kamay ko at nilagay sa likod niya at hinagod ito.

"Minsan talaga hindi natin maiiwasan ang mga gantong pang yayari,akala natin sa isang palabas lang ito pwedeng mangyari pero in reality totoo pala to" sabi ko sakaniya

" What do you mean ?"-Mark

"Everything happens for a reasons.Kung siya talaga un at hindi siya namatay,... maybe she has a better reasons kaya siya nag kaganyan at ramdam kong nasa mabuti un,ang kailangan nalang natin gawin ay mag hintay sa explanation niya dahil dadating ang araw na sasabog din un sa loob niya at masasabi niya un" Tumingin siya saakin ng may pag tataka kaya napataas ang kilay ko

"Bakit ?" - Ako

"Expert ka ata sa pag aadvice ng ganiyan?"-Mark

"Ahh hahaha naranasan ko din kasi ang sinabi mo " Sabi ko sabay harap sa dagat at nadama muli ang sakit

"looks like we have a mutal feelings huh" Tumawa nalang ako at muling pinag masdan ang dagat at ganun din siya

"Maybe they are not the one who destined to be with us . Balang araw matatagpuan mo ang tunay na iibig sayo at iibigin mo maganda ka Harra and I admit it "

Napangiti ako sa sinabi niya dahil siya palang naka sabi saakin na maganda ako,never ko pa kasi narinig sa lalaking mahal ko ang katagang maganda ako sakaniya lang ..

"Pero pano pag siya talaga mahal mo pero ayaw ng tadhana sainyo ? ano gagawin mo ?"

Nag buntong hininga siya at ngumiti ng kaunti

"Then you have to fight for that person no matter what happen tadhana na kalaban mo at wala na siya magagawa dahil mas malakas tama ng pag mamahal kaysa kay tadhana" Tumawa nalang ako at napaisip....So may pag asa pa bang bumalik siya kung pinag laban ko siya ? sana pwede pa at pang hahawakan ko ang sinabi saakin ni sir Mark. .......

(Alliana's Point of View)

Nag lalakad na ako papunta sa kotse ko ng may humila bigla saakin..dahil sa likod ko siya nakahawak ay hindi ko makita ang mukah niya kaya kinuha ko ang pocket knife sa bulsa at umikot para maidikit un sa leeg niya.Pag tapat ko ng kutsilyo ay nabitawan ko rin agad un ng malaman kong si Krishaline pala ito.

"Sorry hindi ko sinasadya kala ko kasi lalaking rapist "Aalis na sana ako pag katapos ko sabihin un ngunit nag salita siya

"Kailan ka aamin saamin na ikaw talaga yan Ana ?" Cold na sabi niya bumuntong hininga ako at nag iba ng itsura,itsurang kunwari walang alam

"Huh? ano pinag sasabi mo ? Eh hindi ko nga kayo kilala para umamin at ano aaminin ko ?" Lumapit siya saakin at hinawakan sa mag kabilang braso nang mahigpit

"Wag mo na kami pahirapan Ana bakit patuloy ka parin nag sisinungaling bakit ayaw mo bumalik saamin ?Bakit dahil saan ba huh ?!" -Krishaline

Ngumiti lang ako at pinanatiling walang alam ang itsura ko

"Hindi ako ang Anang kilala niyo"

"No need to lie Ana nasa akin na ang ebedesiya baka nakakalimutan mong isa ako sa mga spies mo dati " Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Hannah na may hawak na envelope kasama si Danna

Siguro nga wala na akong kawala sa mga to kaya naman naging cold ang emosion ko sakanila

" Hindi ako nag kakamali, mahuhusay parin kayo " -Ako

"Ana bakit ka nag tago saamin ng matagal hindi mo ba alam na madaming nangungulila sayo ?" Lalapit sana saakin si Hannah ngunit lumayo ako

"Wag na kayong didikit saakin oh piliting ibalik ang dati dahil hindi na babalik un " Sabi ko at tumalikod na mag lalakad na sana ako ng hawakan ako ni Danna sa kamay

"Please Ana wag mo na kaming iiwan ayoko ng malayo sayo para na kitang kapatid " Hinawakan ko ang kamay niya at tyaka ito itinaboy

"Dahil ayoko na makiisa sainyo pag katapos lahat ng nangyari hindi ko na kayo pag kakatiwalaan pa"-Ako

"Bakit ? sa anong dahilan ?" -Krishaline

"Hindi niyo ako binalikan kaya ako nag kakaganito kaya ako nawalay dahil iniwan niyo ako !"

*Pak*

Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin kay Krishaline na ngaun ay galit na galit

Sige lang magalit kayo saakin ito lang ang paraan para maligtas kayo

"Hindi binalikan? nakakalimutan mo na ba ? ikaw nag tulak saamin na iwan ka at iligtas si Hannah !!"

Nanatili lang akong tahimik at di nag sasalita hanggang sa tumalikod na ako at nag lakad

"limang lakad Ana, at tapos na ang pagiging kaibigan natin "

1

"Talaga bang wala ka ng pakeelam saamin?"-Danna

2

"Wag mo naman sanang sayangin ang mga araw na mag kasama tayo "-Hannah

3

"Pag patuloy mo yan at wag isipin ang mga taong nag mamahal sayo "-Krishaline

4

Patawarin niyo ako,sana balang araw pag natapos na to at nawala na ako ay maintindihan niyong ginawa ko to para sainyo

5

dahil mahal ko kayo.........


Hiii mga mahal kong readers drama nila no ? well baka next next chapter mag UD ako ng puro nakakakilig and sa huli syempre mga kadramahan uli

sana nagustuhan niyo ang inupdate ko ngaun blanko na ako so Im sure di maganda to sorry babawi ako promise next chapter pala malalaman na kung pano nakaligtas si Ana at bakit ba siya nag tago ng matagal so ayun lang vote and comment ? kayo lang insperation ko ehh...

The More You Hate The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon