Jenna's POV
Lunchbreak na. Maaga akong naglunch maaga naman kaming pinalabas ni Mr. Batero, teacher namin sa physics. Si Ellyn kasi , bat ang dami-dami nyang clubs na sinasalihan. Naiilang pa naman ako kay Gabe, naaalala ko yung mga sinabi ni ate Jam kay nauna na ako naglunch. Sabi pa naman ni Ellyn sabayan ko daw si Gabe. hmmmm di bale na lang di naman nya malalaman..
Tapos di ko namalayan. Andito na pala si Gabe dahil sa pagkagulat ko napatayo tuloy ako.
ate Jenna: May pinapasabi si Ellyn. Hindi raw sya makakasabay mag-lunch kasi busy sya. Madami kasi syang sinalihang clubs e. Kaya kung okay lang.....
Hindi ko na naituloy yung sinasabi kmo kasiu sumagot na sya agad, tapos ngiting ngiti pa sya.
Masaya sya?
ako: okay na okay
ate Jenna: o sige alis na ako
Paalis na ako kaso nagsalita ulit sya.
ako: ?__? akala ko sabay tayong maglulunch..??
Akala ko pa naman psychic na sya kasi sumagot na sya agad kahit di ko pa tapos yung sinasabi ko. hay ano ba yan??
ate Jenna: Di mo kasi ako pinatapos e, kala ko okay na. Sasabihin ko sana na mag-isa ka muna ngayong maglulunch kasi busy din ako. Kumain na ako kanina. Hinintay lang kita para sabihin ito.
Totoo nyan di ko naman talaga sya hinintay. Nagkataon lang na nagmumuni muni pa ako kaya di ko namalayang andyan na pala sya. Pero pagkatapos kong sabihin yun yung wide smile nya nawala. Nakonsensya naman ako..
ako:ah..o... okay <malungkot-tone>
ate Jenna: Sige alis na ako
Hay nakokonsensya talaga ako. 5 minutes na ako dito sa labas ng canteen. Iniisip ko kung babalik ba kao o hinde. hmmmmppp.. Babalik na nga lang ako. Sad kaya pag mag-isa lang kumain. Nasa loob na ulit ako kaso hindi naman pala sya sad e. Nakikipagflirt naman sa kanya si Collette. hay nakonsensya pa ako, nakakaasar!!! Makaalis na nga..!!!
YOU ARE READING
inlove ako kay ATE!!! <on hold>
Teen Fictionwala akong time mag-update hehehe may sakit kasi akong KATAM ee tskkkkkkkkkkkk but i'm trying to post short stories... -rexsH