xviii:MU muna

724 14 1
                                    

*kinabukasan after mag-usap ni riah at Janus

Jenna's POV

hayyy. Di ako mapakali. Ano ba kasi itong nararamdaman ko ngayon. Dapat ko na bang sagutin sa Gabe pero parang ang bilis naman? Kahapon ng magkasama kami tinataning na nya ako kung kailan ko daw sya sasagutin. Nagmamadali ba sya? Pero parang nagdadalawang isip akong sagutin sya. Hindi dahil hindi ko sya mahal pero parang nabibilisan lang ako sa mga pangyayari. At isa pa alam naman nya na aalis na ako pagkagraduate ko. Ayaw ko ng long distance relationship. Alam ko MU na kami i think more than Mu pa nga e. Kailangan ko na nga lang syang sagutin para officially kami na.

Tapos naramdaman ko na lang na sinisiko ako ni Ellyn. Bakit kaya? Pagtingin ko sa harap ko nakakita ko si sir nakatayo sa mismong harapan ko.

Mr. Domingo: Ms. Torres! Kindly go to the board and answer question # 2

A...ano daw? ako? hala ano to? Napayuko na lang ako kasi hindi naman ako nakikinig sa kanya.

ako: Sir, i don't know the answer po. <mahinang-tone>

Mr. Domingo: I see. Seems like your mind is slsewhere. Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo naman ako naririnig.

ako: I..i'm sorry sir..

After that ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang makinig. Pero iba talaga ang nasa utak ko.

Lunchbreak na. Wla si Gabe, marami syang inaasikaso sa photography club.

Si ellyn feeling ko iniiwasan nya si Janus. Hindi ko naman na sya natanong pagkatapos nilang mag-usap kasi feeling ko ayaw nyang pag-usapan. Si Janus hindi rin lumalapit kay Ellyn. Wala silang pansinang dalawa. Ang complicated ng buhay naming dalawa.

ako: hayy..

Ellyn: Kung makabuntong hininga ka naman parang wala ng bukas. Ano bang problema mo at parang kang TANGA dyan.

ako: sobra ka naman! Ikaw anong nangyari sa pag-uusap nyo ni Janus? Parang di okay ah?

Ellyn: Wag na lang nating pag-usapan. Iniiba mo ang usapan e! Ano bang iniisip mo? Si Raven din  ganyan katulad mo. Parang tanga!

ako: Kasi kahapon habang nag-uusap kayo ni Janus. Nag-usap din kami ni Gabe. Tinatanong na nya ako kung kailan ko daw sya sasagutin. Hindi ko naman sya masagot kasi hindi ko pa rin alam. Ine-enjoy ko muna kung ano man ang meron kami ngayon. Alam mo naman na pupunta na ako ng Canada. Ayaw ko namang pagpunta ko dun break na kami agad o long distance relationship ang meron kami. Ayaw ko namang umasa na pagbalik ko dito mahal pa rin nya  ako  At ayaw ko naman syang itali lang sa akin. Paano pag na-inlove sya sa iba habang wala ako? Ano bang dapat kong gawin?

inlove ako kay ATE!!!   &lt;on hold&gt;Where stories live. Discover now