Prologue

5 1 0
                                    


DAHAN-DAHAN kong idinilat ang mga mata ko at napapikit ulit dahil sa sinag ng araw na direktang tumama dito. Umupo ako saka pinindot ang alarm clock ko. Lunes nanaman. And it's my first day as a Senior student. Exciting, not.

Tamad akong lumabas ng kwarto at diretsong nagpunta sa kusina. Pagkarating ko palang doon, nakita ko na agad ang post-it note na nakadikit sa ref. 'Monthly allowance'  ang nakasulat doon, tapos may arrow na nagtuturo sa ibabaw ng ref. Si mama. Napabuntong hininga nalang ako. Well, eversince I turned 17, pinabayaan na ako nina Mama na maging independent. Kaya eto, binilhan niya ako ng apartment tapos buwan-buwan akong binibigyan ng allowance. Masaya ba? Oo na hindi. I get the freedom I want, but I kinda feel sad being alone. Pero okay lang din, nasanay na ako. Minsan naman, umuuwi din ako sa bahay namin at nakikipagbonding kina Mama.

Kumain ako ng almusal at naghanda na para sa pagpasok. Ilang minuto lang at handa na agad ako sa pag-alis. Dumaan muna ako sa harap ng salamin at inayos ang buhok saka umalis papunta sa school.

Cleighton Academy. Isa sa sinasabing pinakaprestihiyosong paaralan sa Pilipinas. Ewan ko ba kung bakit dito ako naisipan ipasok ni mama. Pero sa loob ng apat na taon ng pag-aaral ko dito, maayos naman. At ngayong Senior year ko na, sana maging maayos at exciting din.

Napatingin ako sa relo ko at napansing masyado ata akong napaaga ng pasok dahil konti palang ang mga estudyante. Napagdesisyunan kong tumambay muna sa ilalim ng isang puno sa gilid ng soccer field para magpalipas ng oras. Nagsalpak ako ng earphones at sumandal sa puno ng nakapikit.

Naalimpungatan ako dahil sa init na nararamdaman ko na tumatama sa halos buong katawan ko. Sinag ng araw? Napabalikwas ako at napaupo. Nandito pa rin ako sa field, at ang masaklap nakatulog ako! At ang mas nakakaiyak, hindi ako nakapasok! Tumingin ako sa relo ko at nakita kong third period na.

"Patay," napasandal nalang ako ulit sa puno. First day na first day, tapos namiss ko? Hay, Abby! Ayan, tulog pa!

"Ate! Bola!" napalingon ako sa sumigaw, at isa lang ang nakita ko, isang volleyball na lumilipad papunta sakin! And next thing I know, I was knocked out of consciousness.

Nagising na lang ako sa loob ng clinic ng school. Ano bang nangyari? Napasapo ako sa noo ko at napansing may nakadikit doon.

"Huh?" bulong ko ng maramdaman kong sticky note pala ang nakadikit sa noo ko.

'Sorry, miss hello kitty. You shouldn't stare when some volleyball's going to hit you straight to your face. -J'

'Yan yung sabi sa sticky note. Aba! Miss Hello Kitty?! What the heck! Pero, ang ganda ng sulat ah. In fairness. Napaangat ako ng tingin ng biglang pumasok yung nurse ng clinic.

"Oh, gising ka na pala." sabi niya. Tumango ako tapos ngumiti.

Ah! "Uhm, sino pong nagdala saakin dito? At ano pong nangyari sakin?" tanong ko. Bigla namang naging heart yung mata niya.

"Ah! Yun ba? Natamaan ka daw kasi ng volleyball. Headshot, kaya ayun tulog ka ng mga..." sabi niya sabay tingin sa wristwatch niya, "Dalawang oras na." HA? Dalawang oras na?!

"At yung nagdala nga pala sayo dito," naging heart ulit yung mata niya. Naku, si ate kung makapagreact, parang dalagang kinikilig!

Biglang tumunog ang school bell.

Hala naman, oh.

"Ah, di bale na po! Alis na po ako! Salamat po!" sabi ko saka mabilis na tumakbo palabas ng clinic. Baka sakaling makaabot pa ko sa huling klase ko.

Hingal na hingal akong pumasok sa classroom kong... wala na palang tao sa loob. Napaihip ako ng hangin sa kawalan. Why o why so malas?

Napasandal ako sa pinto ng classroom. Pano na ako nito bukas? Namiss ko na agad yung first day. Hay, Abby! Sana lang mabait ang mga professor ko.

"Uuwi na nga lang ako, bahala na bukas!" sabi ko saka nagsimulang maglakad papunta sa gate ng school.

NAGLALAKAD na ako papunta ng parking lot ng makita ko yung babaeng natamaan ko ng volleyball kanina.

"Kita mo nga naman, oh." sabi ko. Inayos ko yung strap ng bag ko sa balikat at diretsong naglakad sa direksyon nya. Nakayuko siya at parang malalim yung iniisip, kaya nabangga siya sa akin.

Nginitian ko siya, "Hi, miss hello kitty." sabi ko. Bigla siyang tumingala tapos tiningnan ako ng nagtataka. "Huh?" sabi niya. Napalakas nga ata yung tama ng bola sakanya, mukhang hindi nya maalala yung nangyari kanina.

Naglalaro kami nun ng mga tropa ko ng volleyball sa open field ng bagong school namin.

"Julian! Akin!" sigaw saakin ni Pierce, tropa ko. Kaya tinira ko yung bola papunta sa kanya pero sa kasamaang palad, lagpas sa kanya dahil hindi niya nareceive. Sinundan ko ng tingin yung bola at...

"Ate, bola!" sabay na sigaw namin ni Pierce pero tiningnan lang nung babae yung bola kaya tinamaan siya. Headshot! Nice shot, Julian!

"Jules, tinamaan! Dalhin mo sa clinic!" sabi ni Pierce sabay tulak sakin. Kaya no choice, binuhat ko yung babaeng nawalan ng malay dahil sa spike ko. May dugo pa nga yung ilong.

Napatingin ako sa kanya habang buhat ko siya, at natawa ako ng makita kong medyo halata yung design ng bra nya dahil nakaopen yung blazer ng uniform niya. Man, may Senior student pa palang adik kay hello kitty?

Kaya ayun, dinala ko siya sa clinic at nagdikit ng sticky note sa noo nya. Laughtrip siya.

Nakatingin pa rin siya sakin na parang nag-iisip, tapos bigla nalang nanlaki yung mata niya at pinaghahampas ako.

"P-pervert!" sigaw niya.

Natawa ako, "Is that how you thank me, after helping you and all?"

[×]

At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon