Chapter 4

2 1 0
                                        

Chapter 4

ABALANG-abala ang halos lahat ng estudyante ng Clandestine's Academy pagkapasok na pagkapasok ko palang sa gate. Hindi na rin nakakapagtaka dahil last week, inannounce ng Supreme Student Government na magkakaroon ng Senior's night ngayong paparating na biyernes para sa pagwelcome sa unang batch ng Senior students. Kaya kahit miyerkules palang ngayon, naghahanda na ang mga estudyante lalo na ang SSGO.

Ang Senior's night ay obviously para sa mga Senior students lang. Doon, magkakaroon ng chance ang mga estudyante na makipagsocialize sa iba pang estudyante. Napabuntong hininga ako. Naatasan kasi ang half ng club namin, which is the Photography club, na icover ang mangyayaring event. Napag-meetingan na rin ang tungkol dito at nakapili na rin ng tatlong magcocover sa event. At isa na ako doon. Well, ayos lang naman. Magpipicture lang naman ako.

Maaga-aga pa at mayroon pang thirty minutes bago ang first class, kaya tumambay muna ako sa lagi kong tinatambayan nitong mga nakaraang linggo. Sa may mga puno sa gilid ng soccer field. Naglabas ako ng isang libro at nagbasa habang nakikinig sa music para pampalipas oras.

HUMIHIKAB ako habang naglalakad papunta sa una kong klase. Nakakaantok talaga ang pagbabasa habang nakikinig sa music. Ang sarap nalang tuloy huwag pumasok. Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin, "Hi Bell," nilingon ko siya at nginitian.

"Hi Marco, ngayon ka lang nagpakita ah?" tanong ko. Natawa naman siya at hindi pa rin tinanggal ang pagkakaakbay saakin. Ayos lang naman at walang malisya dahil matagal ko na siyang kilala. Simula pa lang grade school, bestfriend ko na siya.

"Busy. Alam mo naman itong bestfriend mo," sabi niya habang humahalakhak.

Umismid ako, "Busy? Saan? Kay Clair? Naku, ayaw naman ata sayo nung nililigawan mong 'yun eh," natatawang saad ko na ikinasimangot niya. Tinanggal niya ang pagkakaakbay saakin.

"Akala ko ba bestfriend kita, ha? Bakit ganyan ka?" tinawanan ko nalang siya at nagpaalam na. "Sige na, manligaw ka na kay Clair. Papasok na ako," pagpapaalam ko ng nasa tapat na kami ng pinto ng classroom ko. Ngumisi siya at pinitik ako sa noo saka mabilis na umalis. Napasimangot ako at pinigilan ang sariling sigawan siya.

Tumalikod na ako para makapasok ng may mabangga ako. Kumunot ang noo ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingala ako at nakitang si Julian pala 'yon. Hindi ko maintindihan pero sa nakaraang mga linggo, sa tuwing nagkakalapit o nagkakasalubong ang tingin namin ng pervert na 'to, bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kumunot din ang noo niya, "Boyfriend mo?" napaamang ako. Ano daw?

Nabalik ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang daliri ni Julian na tinatanggal ang pagkakakunot ng noo ko, "Bakit ka nakasimagot? Hindi ka ba natutuwang makita ang gwapong katulad ko?" natatawang sabi pa nya. Pero hindi pa din maalis saakin yung tanong niya. Boyfriend ko? Sino? Si Marco?
Lumayo ako ng konti sa kanya dahil sa hindi ko makontrol ang bilis ng tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim at pilit inalis sa isip ang sinabi niya saka ko siya tinaasan ng kilay, "Gwapo ka na nyan?" umirap pa ako saka tumalikod at diretsong lumakad papunta  sa upuan ko. Buti wala pa si Prof.

Narinig ko ang pagtatawanan ng barkada ni Julian sa kanya. "Basag ka nanaman kay Bella, Jules!" kantiyaw pa ni Pierce sa kanya. Mga lalaki nga naman, o. Kakaupo ko pa lang ng biglang pumasok na ang professor namin na halos thirty minutes na yatang late. Maya-maya pa ay nagsimula na siyang magklase.

"HI MISCHEL," naririnding nilingon ko ang epal na nagsalita. "Pwede ba, Julian Miguel. Tigilan mo nga ako," sabi ko sabay irap. Paano ba naman kasi, magmula ng nalaman nya ang whole name ko kanina sa klase, hindi na niya tinantanan ang pagtawag sakin sa second name ko. Which is nakakainis, dahil walang tumatawag sakin n'on.

At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon